Pagkatapos ng intense na gabi kahapon, hindi pa rin makapaniwala si Bhem sa bilis ng mga pangyayari. Kahapon lang, naguguluhan pa siya sa nararamdaman niya para kay Jack, pero ngayon? Hayop! Nililigawan na siya ng kupal na ‘to. At ang pinaka-nakakagulat? Pumayag siya. Kaya naman ngayong umagang ito, kahit hindi siya prepared sa bagong setup nila ni Jack, heto siya ngayon—stuck sa paanyaya ni Jack na mag milktea. Pagkarating nila Bhem sa harap ng isang sikat na milk tea shop sa campus, agad siyang nagtaas ng kilay kay Jack. "Ehh, Jack! Ano bang ginagawa natin dito? Bakit mo ako dinala rito?" reklamo niya, halatang tinatamad at walang gana. Ngunit imbes na sagutin siya nang diretso, nakangisi lang si Jack—isang pilyong ngiti na tila may binabalak na naman itong kalokohan. "Gusto kitan

