Maaga pa lang ay malakas na ang katok sa pinto ng aking kwarto—hindi basta-bastang katok kundi iyong tipong pang-emergency, parang may sunog o may naghihingalo sa labas. Napabalikwas ako ng bangon, halos hindi pa natatanggal ang muta sa mata, at dali-daling binuksan ang pinto. Pagdungaw ko, bumungad sa akin ang ngiting abot-tainga ng aking mommy—parang nanalo sa lotto, kumikislap-kislap pa ang mga mata habang nakatitig sa akin na parang kinikiliti ang singit sa kilig. "Nak, may bisita ka sa baba! Dalian mo, wag mong paghintayin! Kanina pa siya nandito, buti na lang pinaupo muna siya ni Manang Jose at binigyan ng juice. Hay naku, ikaw kasi, tanghali ka na naman nagising! Nakausap na siya ng Daddy mo ngayon. Boyfriend mo ba ‘yon? Ang guwapo, parang anak-mayaman! May dala pang bulaklak! Par

