Bhem’s POV
Kung may award para sa pinakamaabilidad at pinakabalasubas na nilalang sa buong school, walang duda—si Jack Lee na ang tatanghaling kampeon. Hindi ko alam kung paano at kailan niya naplano ang lahat, pero eto ako ngayon, nasa mismong teritoryo niya, wala nang kawala.
Kung tutuusin, kaya ko naman siyang harap-harapan murahin kanina sa sobrang inis ko, pero kahit ako nagulat sa sarili ko. Hindi ko nagawa. Siguro dahil nasa bahay siya—at halatang may sakit pa. Parang ang sama ko naman kung babanat pa ako habang namumutla na nga ‘yung tao. Napailing na lang ako sa frustration.
Pero ang mas kinaiinis ko, hindi yung plano niya. Hindi rin yung pagsali niya sa akin sa competition na wala man lang pasabi. Ang totoo, ang bumabagabag sa akin ngayon ay yung hindi ko mapaliwanag na pakiramdam—yung alalang bumalot sa akin nang malaman kong may sakit siya. Seryoso ba ‘to? Nag-aalala ako? Sa kupal kong mortal enemy? Imposible. Pero eto nga ako, pinupunasan ang pawis niya kanina habang nagpe-pretend na wala lang.
Ang totoo, kanina pa ako tuliro. Buong araw sa school, hinanap ng mata ko ang presensya niya kahit hindi ko inaamin. Parang may kulang. Parang may ingay na biglang nawala. Nakakairita rin pala ang tahimik. Hindi ako sanay.
Naalala ko tuloy lahat ng pambubwisit niya sa akin mula first year hanggang ngayon. Lahat ng asar, lahat ng pang-iinis, pati na yung mga pagkakataong siya ang unang sumasalo sa akin ‘pag may ibang umaway. Para bang siya lang ang may karapatang manggulo sa buhay ko—at sa kabila ng inis ko, hindi ko maikakaila na parang hinahanap-hanap ko rin.
Pilit kong inaliw ang sarili ko sa kwentuhan namin nina Daphne at Lora nung lunch break, pero kahit anong saya ng usapan, hindi ko maalis sa isip ko kung bakit wala siya. At nang malaman kong may sakit siya, parang may kirot sa dibdib na hindi ko maintindihan. Nakakaasar. Bakit ako apektado?
At ngayon, habang tinuturo ng choreographer ang mga steps para sa competition, parang lalo kong na-realize kung gaano kadesperado si Jack na mapalapit sa akin. Hindi ko siya pinilit, pero siya ang gumawa ng paraan para maging partner ko sa sayaw. Sa dinami-dami ng pwedeng pumalit—mas magagaling, mas magaganda, mas talented—ako pa rin ang pinili niya. Bakit nga ba?
Malamang, para lang may bagong asarin. Para may bagong laruan. Gano’n naman siya, ‘di ba? Parang walang seryosong bagay sa kanya. Lahat laro. Lahat biro. Lahat joke.
Pero may mga pagkakataong nahuhuli ko siyang iba ang tingin. Hindi siya yung usual na Jack Lee na makulit at magulo. May lalim yung tingin. May sinasabi ang mga mata niya na hindi kayang sabihin ng bibig niya. At sa mga saglit na ‘yun, nahuhuli ko rin ang sarili kong hindi makatingin ng diretso.
Hindi ako marunong sumayaw—kahit pa gusto ng puso ko. Hindi ko rin alam kung paano ko mahaharap ang competition na ‘to lalo na’t si Jack ang partner ko. Pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit, sa kabila ng lahat, parang wala akong balak umatras.
Hindi ko rin alam kung bakit tuwing hahawakan niya ako sa bewang, nararamdaman ko ang init ng palad niya. Hindi ko alam kung bakit tuwing nagkakatitigan kami, parang ako na ang unang umiwas. Hindi ko alam kung bakit tuwing napapangiti siya—yung tipong genuine, yung tipong hindi pang-asar—parang may kung anong humihila sa loob ko para ngumiti rin.
Hindi ko maintindihan ang sarili ko.
Lahat ng bagay na may kinalaman kay Jack Lee, parang isang malaking tanong na walang kasagutan. Bakit sa dinami-dami ng lalaking pwedeng bumangga sa mundo ko, siya pa? Bakit sa lahat ng pwedeng magpabaliw sa araw-araw ko, siya pa? Bakit sa lahat ng pwedeng magpasikip sa dibdib ko, siya pa rin?
At bakit sa kabila ng lahat ng inis, asar, at taray na binabato ko sa kanya… narito ako ngayon, nasa bahay niya, nagpapakabait, sinusubukang hindi magalit, at pilit iniintindi ang lahat ng kagaguhan niya?
Siguro may mali rin sa akin.
O baka may isang bagay lang akong hindi pa kayang aminin.
Gano’n yata talaga. Sa edad natin, natuto na tayong magtago ng nararamdaman sa ilalim ng biro, sa likod ng tawa, sa pagitan ng mga asaran. Pero sa dulo ng araw, pag tahimik na ang paligid, doon lumalabas ang katotohanan—na ang pinakanaiinis ka, siya rin palang pinakanahuhulog ka.
Hindi ko alam kung tama ba ang iniisip ko. Baka nadadala lang ako ng setup na ‘to—dancing partners, forced proximity, classic tropes na parang sa w*****d ko lang dati nababasa. Pero wala naman sigurong masama kung kilalanin ko muna ang nararamdaman ko. Hindi ko kailangang magmadali. Pwede namang dahan-dahan.
Isa lang ang sigurado ako ngayon—hindi pa tapos ang laban namin ni Jack Lee. Hindi pa ito ang ending namin. Kung ano man ang pinaplano niya, bahala siya. Pero isang bagay ang alam ko…
Hindi ko na siya kayang hindi hanapin.
Hindi ko na kayang wala siya sa araw ko.
At yun ang mas kinakatakot ko.
Dahil sa laro naming dalawa, mukhang ako ang unang matatalo. Dahil sa mga pinaparamdam niya na iniiwasan ko na mas maramdaman dahil Hindi maaari , ayukong umiyak s
Dahil sa pagkatao niya kaya Kong may magagawa pako para mapigilan ko Ang mga bagay na to ay dapat Kong gawin mas magand na yong handa kisa naman kong kilan Oras na tsaka palang ako gagalaw no hindi maaari .
Hanggang sa pauwi na SI Bhem ehh nakatulala parin siya Hindi na nga alam ng driver niya kong ano ang ng yari sa kanya loob ng Bahay na yon.
Halos tumotunog na Ang mga ngipin ni Bhem dahil s mga ngyari ng araw nayon ,Hindi na nga nya na Malayan na nasa. Bahay na nila sila , at Hindi rin niya namalayan na nasa sofa Ang mga parents and Kapatid niya habang nanonood ng Teleserye Ang mga ito. Ikinagulat rin ng mga ito ang naging ayus ni Bhem at napatanong nalang ang mga ito sa Kanilang mga Sarili " napano kaya Ang babaing ito ? "
To be continued…