Isang buwan na silang opisyal, pero sa bawat araw na lumilipas, parang bagong relasyon pa rin sila kung maglandian. "Ba’t mo ako dinala dito?" tanong ni Bhem habang iginala ang tingin sa paligid. Nasa rooftop sila ng isang high-rise building, kung saan may set-up na dinner table na napapalibutan ng fairy lights at petals sa sahig. Mula rito, tanaw nila ang buong siyudad, kumikislap ang mga ilaw mula sa malalayong gusali. Napangiti si Jack habang pinagmamasdan ang reaksyon niya. "One month na tayong mag-jowa. Gusto ko lang ipaalala sa’yo kung gaano kita kamahal." Napataas ang kilay ni Bhem. "Wow. Hindi ko in-expect na may pagka-romantic ka rin pala." Jack smirked, saka dahan-dahang lumapit. "Porke ba pogi ako, hindi na ako pwedeng maging romantic?" Napairap si Bhem pero hindi napigila

