Malamig ang gabi, pero hindi iyon sapat para pahupain ang init na bumabalot sa dibdib ni Bhem. Nasa isang park sila ni Jack, napapalibutan ng mga ilaw mula sa mga poste at establisyimento. Maraming tao—mga magkasintahang naglalakad, mga batang naghahabulan, mga pamilyang masayang nagkukuwentuhan—pero sa sandaling ito, parang silang dalawa lang ang nasa mundo. Magkalapit sila. Sobrang lapit. Hawak ni Jack ang isang lalagyan ng popcorn, pero hindi na niya ito kinakain. At doon niya narinig ang tanong na nagpahinto sa t***k ng puso niya. "Sasagutin mo na ba ako?" Nag-freeze si Bhem. "Ha?" Diretso lang ang tingin ni Jack sa kanya. Walang biro, walang pang-aasar. Seryoso. "Alam mong matagal na kitang nililigawan, ‘di ba?" Biglang nawala ang antok ni Bhem. "Paano mo naman nasabi?" Sin

