Nanlulumo si Zabel nang malaman niyang natalo siya sa pustahan nila pero kita naman sa kanya ang tuwa dahil makakadalo ako sa naturang ball night. "Paano ba iyan? Akong panalo! H'wag mo kalilimutan ang usapan natin, iyung isa sa mga latest ng S.V, ako ang pipili ng design necklace na gusto ko!" tuwang-tuwang sinabi ni Harlette sa pinsan. Si Zabel naman ay hindi maiwasang napasimangot dahil mapapalabas siya ng pera at hindi bastang halaga lang, kundi ay worth of millions jewelry ng S.V na kalalabas lang nitong nakaraan. "Kaya malakas ang loob ko dahil sigurado akong hindi papayagan si Tyla dahil iba ang ugali ni Mr Salvatore, but I didn't expect that he would change his mind unexpectedly!" nanlulumo niyang sinabi kasabay nang paglalabas niya ng tseke sa kanyang backpack. May naririnig p

