"Huy! Ba't ka tulala?" panggugulat sa akin ni Harlette nang kasalukuyan akong tulalang naglalakad sa pathway. Hindi ko namalayang mukang wala pala ako sa sarili dahil inisip-isip ko ang napag-usapan namin ni Henrix kagabi, napakalma ko nga siya ngunit... ipinasok ko naman ang aking sarili sa mas malaking problema. Ang galing mo kasi, Tyla. Sabihin mo ba namang gusto mo siyang bigyan ng anak at maging asawa, natural iyon ang sasabihin niya. Mariin na lamang akong napapikit habang pinagagalitan ang sarili. Idagdag pa ang huli naming paguusap na hindi nagpatulog sa akin kagabi, hindi ko alam tuloy ang gagawin. "Napuyat lang kagabi." Tunay nga akong napuyat kakaisip sa kung paano ko ba babawiin ang nasabi ko na. "Pinuyat ka ba? Hindi ka pinatulog?" malisosya niyang tanong sabay sundot sa

