"At isa pa, Tyla. Totoo ba? Narinig ko isang beses na may kausap si Vandale na kaibigan niya and he mentioned your name, he said that there was a girl in a night club that he molested a year ago before he went abroad na ngayon ay babae na raw ng Kuya niya. Is it true that he violated you?" tanong niya na bakas pa rin ang pangangalit ngunit naroon ang pagkahabag. "T-Tapos na iyon, Zabel... matagal na iyong nangyari at nag-ta-trabaho pa ako no'n sa club," sagot ko bilang pag-amin na rin at hindi na dapat ungkatin pa ang tungkol doon. "Alam ba ni Henrix ang tungkol sa bagay na iyon, Tyla? Alam ba niya ang pinaggagawa nito?" Si Harlette naman ang nagtanong. "Siguradong alam niya!" sabat ni Zabel ngunit umiling ako upang itangging walang alam si Henrix dahil kung alam nito hindi nito hahayaa

