I walked alone in the middle of the red carpet after Henrix dropped me off, and then he just drove fast away. My palms are sweating, but I still keep my poise. Para akong celebrity nang samu't saring flash ng mga camera ang tumambad sa akin habang kalmado akong naglalakad sa gitna ng red carpet. May iilan din akong bulung-bulungan na naririnig tungkol sa usaping ugnayan ko kay Henrix. Hindi ko na lamang pinagtuunan ng pansin at nang malapit na ako sa entrance ay agad ko nang namataan si Harlette na nakatayo sa may gilid habang abala sa kanyang hawak na phone. Tila may ka-text ito kaya malaya ko siyang napagmamasdan, napaka-ganda nito suot ang royal blue long gown na may mahabang slit sa kaliwang bahagi ng kanyang hita kaya litaw na litaw ang makinis at maputi nitong legs suot din ang is

