May kung anong nabuhay sa loob ko na hindi ko matukoy kung ano. Pero isa lang ang malinaw sa 'kin, hindi ko gusto ang nakita ko. Bakit sa sasakyan ni Henrix bumaba si Zabel? Nakakapagtaka... hindi ko alam na malapit pala sila sa isa't isa para itong si Henrix ang maghatid sa kanya rito. Pero ayaw ko rin namang mag-isip ng kung anu-ano at mag-hinala dahil baka naman nagkataon lang na nadaanan niya ito. Sa lalim ng pagiisip ko, hindi ko namalayang nasa likod ko na pala si Lester nang bigla itong magsalita kaya agad akong napabaling sa kanya. "Oh, ho! Si Mr Salvatore pala ang naghatid kay Zabel dito," Nakatingin din siya sa baba kung saan naglalakad na si Zabel palayo na sa sasakyan ni Henrix. Nagtaka naman ako kung bakit pakiramdam ko ay may alam ito kaya wala sa loob kong nahigit ang

