Chapter 4

1210 Words
Magdamag akong hindi nakatulog dahil sa nangyari kagabi. Hindi ko alam kung nanaginip lang ako o ilusyon ko lang na hinalikan niya ako. Pero hindi e! Naramdaman ko ang paglapat ng labi niya sa labi ko. Nakita ko kung paano niya ako nahalikan kaya imposibleng nananaginip lang ako o nag-iilusyon. Gayunpaman, natutuwa ako dahil siya ang unang nakahalik sa akin pero hindi ko maiwasan na kabahan at mailang kapag makakaharap ko siya. Hindi ko alam ang susunod na mangyayari. Hindi ko alam kung may mukha pa akong ihaharap sa kanya. Hanggang ngayon nakatatak pa rin sa isipan ko kung paano niya ako hinalikan. Mabuti na lang at hindi iyon nakita ni Xavier. "Papa I'm excited to go to school again." Nabalik lang ako sa kasalukuyan mula sa pag-iisip nang marinig ko ang boses ni Xavier na papalapit sa akin. "Talaga? Mabuti naman. Halika na, alis na tayo. Ipinagpaalam mo na ba ako sa Daddy mo?" Bago pa man ako makapagsalita, narinig ko na ang yabag mula sa hagdanan na gawa ng dalawang itim na sapatos na pagmamay-ari ni Xander. Napatulala ako ng bahagya sa itsura niya. Kahit kailan talaga ang gwapo niya. Nakadagdag pa sa kagwapuhan ang suot niyang three piece suit na bumagay talaga sa kanya. "Tulala po ikaw Papa Jayvee? Hindi naman multo si Daddy." Napayuko agad ako nang marinig ang sinabi ni Xavier. "Your cheeks are red Papa." Sa tingin ko nga. "Daddy, Papa Jayvee got mesmerized when he saw you going down the staires then his cheeks turn into red." Napatingala naman agad ako dahil sa sunod na sinabi ni Xavier. Biglang kumalabog ang dibdib ko nang makita si Xander na nasa harap ko, nakatingin at bahagyang natatawa. Pinahiya na naman ako ni Xavier sa kanya. Nakangisi na ngayon sa akin si Xander habang matamang nakatitig sa akin. "Your Papa just find me handsome lil big boy." Wika niya kay Xavier na hindi inaalis sa akin ang tingin. "Right, Jayvee?" Hindi ako nakapagsalita. Ni hindi ko makuhang gumalaw. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Hindi ko kinaya. "See? Nakatulala pa rin ang Papa mo sa akin." Doon na ako nag-iwas ng tingin nang magsalita siya ulit. Hindi ko na talaga kaya ang kahihiyang ito. "Yeah Dad, you're right. Looks like Papa Jayvee likes you." Sabat ni Xavier. Sana bumukas ang sahig ngayon at lamunin ako paibaba. Paano ba nasasabi ni Xavier ang mga bagay na 'yan? Ke bata-bata niya para mag-isip ng ganoon. "Do you think your Papa likes me, lil big boy?" "Yes, Dad. Even before, I noticed that Papa likes you. Bagay po kayo dalawa ni Papa, Daddy." Sagot ni Xavier at napahagikhik pa. Hindi ko na alam kung paano pa ako makakatagal dito sa kinaroroonan namin. Gusto ko nang tumakbo pero hindi ko naman magawa dahil nanghihina ang tuhod ko. "Ganon ba lil big boy? I didn't know that your Papa have a feelings for me already." "Too bad for you Daddy." Ani Xavier sabay tawa. Napatawa na rin si Xander. "Oh! I forgot that we need to go. Baka malate ka na Xavier." Mabuti naman at naisipan na nilang itigil ang usapan. Sobrang naiilang na ako. "Oo nga Dad e. Lets go Papa Jayvee. Si Dad daw ang maghahatid sa atin ngayon." Nagulat ako. Si Xander ang maghahatid sa amin? "Jayvee." Napatingin agad ako nang tawagin ni Xander ang pangalan ko. Nagmamaneho siya ngayon. Patungo kami sa paaralan ni Xavier. "B–Bakit Sir?" Nauutal na tanong ko sa kanya. Hanggang ngayon kinakabahan pa rin ako sa nangyari kanina. Pinagsasalamat ko na lang na hindi ganoon ang pinag-uusapan namin dito sa loob ng kotse niya. "I'm going to fetch you and Xavier at seven thirty. Kakain tayo ng dinner sa labas." Mabilis akong napatingin sa kanya. "Yey! I'm so excited Daddy." Natutuwang sabat ni Xavier na ngayon ay kalong ko. "I want us and Papa Jayvee also to have more time together. Minsan po namin kasi ikaw nakakasabay ni Papa kumain ng dinner eh." "Kaya nga lil big boy namimiss ko na kayong kasabay ni Papa mong kumain eh." Hindi ako sigurado pero parang mariin ang pagkakasabi niya ng pagkamiss na kasabay akong kumain. Nakatingin pa siya sa akin nang sabihin iyon. Halos hindi ako makakain ng maayos dahil sa kabang nararamdaman ko. Hindi ko na kasi mawari ang mga kinikilos ni Xander. Nakikita ko naman na mabait siya pero ibang-iba ang ibig sabihin ng pagiging mabait niya sa akin. At 'yong halik at mga paraan ng kanyang pananalita ay hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin. "You should eat Jayvee. Mukhang nangangayayat ka na." Napatingin ako sa kanya. Nandito na kami sa isang sikat na restaurant at kasalukuyang nagdidinner. "O–Opo sir." Sagot ko. Kahit wala akong gana ay kumain ako. Tama si Xander sa kanyang sinabi. Siguro ang dahilan nito ay ang palaging pagbubuhat ko kay Xavier. "Lil big boy." "Yes Daddy?" Tugon ni Xavier nang tawagin ng ama. "Iwasan mo ang magpabuhat kay Papa Jayvee mo. Look at your him. Medyo namamayat na siya. Please take care of him baka mamaya niyan nagkasakit na siya, wala nang mag-aalaga sayo." Tama ba ang narinig ko? Totoong nag-aalala talaga siya sa akin? Napahinto naman sa pagkain si Xavier at napatingin sa akin. "Sorry Papa. Dad's right, I should also take care of you. Sorry po papa Jayvee." Hindi ako nakapagsalita bagkus ngumiti na lamang. Kahit na kinakabahan, masaya pa rin ako. Dalawang tao na naging importante na sa akin ay nag-aalala sa akin ng ganito. "I should take care of you Papa Jayvee. Because if dad's sick, no one will take care of him. Kahit wala na si Mama, nandito ka naman po. Mayroon na pong mag-aalaga sa amin ni Daddy. I hope you two will get married soon." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabing iyon ni Xavier. Kasal? "You want us to get married lil big boy?" Tanong ni Xander kay Xavier pero na sa akin nakatingin. "Yes Daddy, I want Papa to be my real Papa." Umiwas ako ng tingin pero hindi ko alam kung saan ibabaling ang tingin. Mabuti na lang at walang masyadong tao ngayon sa restaurant. Sobrang nakakahiya kung may makarinig kapag nagkataon. "I like your idea lil big boy. Besides I already kissed him." Mahabaging Diyos. Ano ba itong mga sinasabi ng mag-ama? "At gusto ko na rin ang Papa mo." Mabilis kong tiningan si Xander. Ano ang ibig-niyang sabihin? G–Gusto niya ako? "Yey! Thank you Daddy. I'm going to be the happiest kid in the world. Bagay po talaga kayo ni Papa even you two are both man po." Hindi ko na talaga alam kung ano ang magiging reaksyon. Hiyang-hiya na talaga ako. Hindi na ako nakakain ng maayos sa buong oras ng dinner namin. Hindi na rin ako nakapagsalita ng maayos. Tanging silang mag-ama na lang ang nag-uusap. Nang alam kong nakatulog na Xavier umalis na ako sa tabi niya at lumabas na ako ng kanyang kwarto. Bababa na sana ako nang may bigla na lang humawak sa pulsuhan ko at mabilis akong sinandal sa malapit na pader. "What are you doing to me Jayvee? I don't want to accept it but damn! I already liked you." Pahayag ni boss Xander matapos niya akong halikan sa labi. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD