Kinabukasan ay maaga akong nagising. Walang pagdadalawang-isip na umalis agad ako sa kwarto ni Xander. Mahimbing ang tulog ng dalawa kaya 'di ko sila naistorbo.
Naalala ko ang nangyari kagabi. Hindi ko lubos maisip na papayag si Xander sa kagustuhan ng anak. Sa katunayan ay nag-usap pa kami ng masinsinan pagkatulog ni Xavier sa gitna namin. Ang bata rin ang naging laman ng pag-uusap. Kahit daw siya ay labis ang pagtataka sa pakikitungo nito sa akin. Siguro'y nararamdaman ng bata na mabuti raw akong tao. Tuwang-tuwa ako dahil doon.
Napangiti ako habang pababa ng hagdanan. Pero agad napalis iyon nang maalala ko rin ang halos nakahubad na katawan ni Xander. May kakaibang init akong naramdaman kagabi. Napailing-iling ako para iwaglit ang isipang iyon pero tila mas pinapaalala pa sa 'kin.
Sinalubong ako ni Xavier ng maraming tanong nang magising siya. Kahit papaano'y nakasagot ako ng maayos nang hindi siya nagtatampo.
Papalabas na kami ng bahay dahil magsisimba kaming dalawa nang tawagin kami ni Xander. Paglingon namin sa kanya, halos mapanganga ako sa hitsura.
Nakasuot siya ng brown long sleeve polo na nakatuck-in sa maong pants. Ang sapin sa paa niya'y itim na leather shoes. Bagay na bagay sa kanya ang suot. Nagmukha siyang mas bata sa kanyang edad. Bumilis ang t***k ng puso ko.
Saan kaya siya pupunta.
"Bakit Daddy?" Tanong ni Xavier sa kanya.
"Pwede ba akong sumama?"
Nagulat ako sa sinabi niya. Si Xander, sasamang magsisimba sa amin? Tama ba ang narinig ko.
Napatalon naman si Xavier at tuwang-tuwang nilapitan ang kanyang ama. Dahil dito, nalaman kong matagal na pala siyang hindi nakakapagsimba dahil sa kompanya at si Ate Ida lamang ang sumasama sa bata.
Nginitian ni Xander ang anak sabay gulo sa buhok nito. Nang balingan niya ako ng tingin, sumirko-sirko ang puso ko lalo pa't ngumiti siya sa akin.
"Daddy, bakit dito sa car na 'to tayo sumakay? 'Di ba po matagal niyo itong hindi ginagamit?" Usisa ni Xavier nang makapasok kami sa kotse. Napatingin si Xander sa anak na kasulukuyang nakaupo sa hita ko.
Kahit ako ay nagtataka dahil hindi naman ito ang kotseng ginamit niya noong nagdinner kami. Kunsabagay, marami naman siyang sasakyan at kahit alin ay pwede niyang gamitin.
"I feel like I want to drive this car again son. Matagal ko na rin kasi itong hindi ginagamit." Paliwanag ni Xander sa anak.
"Okay po Dad."
Naging maingay lang ang biyahe namin dahil sa mga tanong ni Xavier. Silang dalawa nga lang ni Xander ang nag-uusap. Tahimik lang akong nakikinig sa kanila dahil wala rin naman akong sasabihin.
Makalipas ang kalahating oras ay narating namin ang simbahan. Pagkatapos naman ng misa ay nag-aya si Xavier na mamasyal raw muna kami.
Napamulagat ako. Kaming tatlo? Mamamasyal?
"Hindi po ba talaga kayo busy Daddy?"
"Daddy's not busy Lil big boy. And I want to spend a day with you. It's been a long time since that we didn't have a father and a son date."
"That's because your always busy po. Pero masaya ako Daddy dahil nalabas tayo ulit at kasama pa natin si Papa Jayvee. Family date!"
Napapaawang ang bibig ko sa sinabi ni Xavier.
Anong family date?
Napatingin ako kay Xander para tingnan kung ano ang reaksyon niya. Nakangiti lamang siya sa sinabi ng anak niya.
Pakiramdam ko'y uminit ang aking pisngi. Kinagat ko na lang din ang aking labi dahil sa pabilis na pagtibok ng puso ko. Ang dami na talagang pagkakataon na ganito. Palagi na lang akong nahihiya sa mga pinagsasabi ni Xavier sa Daddy niya.
"You're right." Sambit ni Xander na ikinanganga ko. Sinang-ayunan niya ang sinabi ng anak.
Anong nangyayari?
NAPANGITI ako sa reaksyon ni Xavier. Tuwang-tuwa kasi siya habang nakasakay sa isang ride rito sa amusement park ng mall na kinaroroonan namin. Nakatingin lang kami ni Xander sa kanya. Panay pa ang sigaw niya sa amin ng ama.
"He seem so happy this fast few days." Ani Boss Xander na nasa tabi ko. Nagtaka ako. Ibig ba niyang sabihin ay hindi masaya si Xavier dati? Bakit naman? Nakikita ko namang masiyahing bata si Xavier.
"After his mother died, he became a very sad kid. He don't even talk to other people exept to me and Nay Ida."
Nagulat ako sa pag-oopen up ni Xander sa akin tungkol sa anak niya. Ganito rin ang sinabi sa akin ni Ate Ida tungkol sa anak niya.
Malungkot isipin na ganoon pala ang pinagdaanan ng bata. Napakabata pa ni Xavier para maranasan ang ganoong kalungkutan.
"Until you came..." Sa gilid ng aking mga mata, nakita kong nakatingin si Xander sa akin.
Bumaling ako ng tingin sa kanya at agad kong nasalo ang kanyang mala-asul na mata. Nagharumentado ang puso ko sa kaba.
"Daddy! Papa!" Naputol ang titigan namin nang tawagin kami ni Xavier.
"Did you enjoy it?" Tanong ni Xander nang makalapit ito sa amin. Binuhat din niya ito.
"Yes po, Daddy. I enjoyed it a lot." Tuwang pahayag nito.
"Where do you want to ride next?"
"Bumpcar!"
"Okay! Bump Car. Here we come."
Iyon nga ang sunod na pinuntahan namin. This time, sinamahan na namin si Xavier.
"Sige Papa banggain mo pa si Daddy!" Sigaw ni Xavier at binangga nga namin ang sinasakyan ni Xander. Dalawa kami ni Xavier sa isang kotse at si Xander lang ang sa isa.
Tuwang-tuwa si Xavier sa tuwing binabangga namin ang Daddy niya. Si Xander naman ay umaalis palayo. Nagpapahabol siya sa anak niya na gustong-gusto naman nito.
Matapos ang bump Car na yun, sumakay pa sa ilang rides si Xavier. May mga times na kasama ako pero mostly siya lang mag-isa dahil pambata ang mga rides dito.
Nang halos masakyan na ni Xavier ang lahat ay nag-aya siyang kumain. Nagutom siguro sa sobrang paglalaro at kakasakay.
Sa isang sikat na fast food chain kami kumain na paborito ng mga bata. Nag-order ng marami si Xander para sa aming tatlo. Nahiya ako dahil kasabay ko na naman silang kumain. Hindi tuloy ako nakakain ng maayos dahil kaharap ko si Xander dagdagan pa ng kapupunas ko sa bibig ni Xavier dahil sa kumakalat na sauce ng spaghetti rito.
"Hayaan mo na Jayvee. Wipe it later. Kumain ka na muna." Natigilan ako sa sinabi ni Xander. Gayunpaman, sinunod ko ang utos niya.
Matapos kumain, nagpahinga lang kami ng kaunti bago umalis. Nang tinatahak ang daan pauwi, nakatulog naman sa kandungan ko si Xavier. Nakayakap ito sa akin.
"He's really tired." Sambit ni Xander. "You made him happy today."
"H—Hindi ko naman napasaya si Xavier, Sir. Ikaw ang nagpasaya sa kanya ngayon dahil pinasyal niyo siya kanina. Mukhang matagal ng gusto ng bata na makasama ka." Paliwanag ko. Totoo naman kasi na siya ang nagbigay kaligayahan sa anak niya.
"Yeah, sort of, but you're still part of the reason why Xavier's very happy today." Sa totoo lang, hindi ko maitindihan ang pinagsasabi niya. Wala naman talaga akong ginawa para mapasaya si Xavier.
Pinili ko na lang ang maging tahimik. Hindi ko naman pwedeng kontrahin kung anong sinasabi niya dahil siya ang boss ko.
"And thank you for that." Ito ang unang beses na nagpasalamat siya sa akin. Pakiramdam ko'y umakyat lahat ng dugo sa katawan ko papunta sa aking pisngi. "Thank you for making my son happy."
Bumaling siya ng tingin sa akin.
"Even me."
NAGING matiwasay ang trabaho ko sa mga sumunod na araw. Hindi ako gaanong nahirapan sa pag-aalaga kay Xavier kahit na minsan ay may pagkamakulit siya ay pagkamapasaway.
Iba kung maiituring si Xavier. Matured siya kung mag-isip. Nakikinig kapag pinagsasabihan. 'Yon nga lang, minsan pinaninindigan niya talaga kung ano ang gusto niya. After all, isa pa rin siyang bata.
Kahit na kunti lang ang alam ko sa pag-aalaga ng bata, hindi naman ako nahihirapan dahil nandyan naman si ate. At paunti-unti nasasanay na rin ako sa ginagawa.
"Papa Jayvee I think I can't go to school." Napatingin ako kay Xavier. Katabi ko siya dito sa backseat ng kotseng sinasakyan namin. Patungo kami ngayon sa paaralan na papasukan niya. Unang araw niya ngayon bilang kinder one.
"Napag-usapan na natin 'to 'di ba, Xavier?"
"I'm afraid Papa Jayvee e."
"Bakit ka naman matatakot? Nandito naman ako. Hindi kita iiwan doon, okay?" Kailangan kong palakasin ang loob niya. Lumaki kasi siyang nasa bahay lang at tanging mga laruan ang kalaro.
Hindi na umimik si Xavier at niyakap lang ako. Nararamdaman ko sa bata na parang hindi pa siya handang pumasok ngayon. Ilang araw ko na rin siyang kinakausap hinggil dito para mapapayag lang mag-aral.
"Gusto mong bumalik ng bahay?" Ayaw ko nang pilitin si Xavier kung ayaw niya talaga. Mahihirapan lang siya at baka mas lalo pang matakot.
"No Papa. I want to go to school. It's just that... I'm afraid po." Saad niya.
"Bakit ka naman matatakot? Hindi ka naman nila sasaktan doon. Uupo ka lang at tuturuan ng teacher mo. Hindi naman kita iiwan. Nasa labas lang ako ng classroom mo."
"Okay po Papa Jayvee. Don't leave me there po a." Nginitian ko siya at inabot ng dalawang hintuturo ko ang magkabilang gilid ng bibig niya at pinorma ng ito sa isang ngiti.
"Hindi ka iiwan ng Papa Jayvee. Babantayan ko ang lil big boy namin."
Mahigpit ang pagkakahawak ng kamay sa akin ni Xavier habang tinatahak namin ang kanyang magiging classroom. Maganda ang kanyang school. Isa kasi itong International School. Eskwelahan para sa mga mayayaman.
Tumigil kami nang marating namin ang kanyang classroom. Pinantayan ko ang taas ni Xavier at hinawakan ang balikat niya.
"Dito na lang ang Papa Jayvee ha. Si teacher mo na ang bahala sayo. Hindi aalis ang Papa mo rito, pangako." Napatango lang si Xavier. May bahid pa rin ng takot ang kanyang mukha pero hindi na ito katulad kanina.
Ginulo ko ng bahagya ang buhok niya sabay ngiti bago tumayo. "Halika na." Inaya ko na siya papasok sa classroom. Sinalubong kami ng teacher niya. May hinabilin pa ako kay Xavier bago siya pinaubaya rito.
"HOW WAS your first day in school?" Tanong ni Xander kay Xavier nang makauwi siya galing sa trabaho. Buhat niya ito habang paakyat ng kwarto. Nakasunod naman ako sa kanila.
"I enjoyed a lot po."
"That's good." Ibinaba na ni Xander si Xavier nang makarating kami sa kwarto niya. Kanina pa ako kinakabahan habang nakatingin sa kanila dahil sa kwarto naman ako ni Xander matutulog mamaya at kakagawan iyon ni Xavier. Pinilit na naman kasi niya ang kanyang Daddy na roon kami matulog ulit.
"Let's go inside." Aya niya at pumasok na kaming tatlo. Tapos na kaming kumain ni Xavier. Hindi naman namin kasabay si Xander na kumain dahil tumawag siya kanina na late siyang makakauwi dahil may meeting pa siya sa isang investor. Nakapagdinner na rin daw siya kasama nito.
"I'm going to take a shower first." Ani Xander sa amin ni Xavier nang makapasok sa loob ng kwarto niya.
"Okay po Dad."
Umalis na si Xander at tumungo ng banyo. Doon lamang ako nakahinga ng maluwag.
"Halika na po kayo Papa Jayvee. Higa na tayo."
Tumalima ako at sumunod na kay Xavier.
"Hahahaha. Daddy hahaha tama na po. Hahaha." Tili ni Xavier dahil sa pangingiliti ng Daddy niya.
Tapos ng mag-shower si Xander at nakasuot na siya ng pajama at puting sando. Nagkukulitan sila ni Xavier habang ako ay nakangiting nakatingin lang sa kanila. Ang saya nilang pagmasdang dalawa.
Tumigil si Xander sa pagkikiliti sa anak dahil mukhang naghahabol na ito ng hininga. Nang makabawi ito, muli naman itong kiniliti ni Xander pero hindi rin nagtagal. Mayamaya pa'y lumapit si Xavier sa tenga ni Xander at may binulong doon.
Medyo na-intimmidate ako nang matapos bumulong ni Xavier, sabay nila akong tiningnan habang nakangisi.
"Ready ka na Daddy?"
"Yes lil big boy." Pagtugon naman ni Xander sa tanong ng anak.
"In one, two, three..."
Pagkatapos nilang magbilang ay pareho nila akong kiniliti. Tawa ako ng tawa dahil sa sobrang kiliting nararamdaman ko. Dinadaganan ako ni Xavier at kinikiliti naman ni Xander.
"This is my revenge, Papa Jayvee." Sabi ni Xavier habang patuloy pa rin sa pangingiliti sa akin.Tawa pa rin ako ng tawa at halos hindi na makahinga.
"Daddy hawakan mo siya dali." Utos ni Xavier sa Daddy niya nang makawala ako. "Daddy kilitiin mo pa siya."
Sinusubukang huliin ni Xander ang kamay ko pero pilit kong inilalayo iyon. Wrong move dahil, iyon ang dahilan kung bakit niya ako dinaganan.
"Got it!" Sabi niya pero napatigil naman siya nang mapagtantong nakadagan pala siya sa akin. Parang hindi niya inaasahan ang ginawa niya.
Magkadikit ang aming katawan dahil naglagay siya ng bigat. Ramdam ko ang mga nakaumbok sa harap ng katawan niya. Magkalapit rin ang aming mukha at kunting pagkakamali lang ay maghahalikan na kami.
Bumilis ng t***k ng puso ko. Hindi ko akalain na ganito siya kalapit sa akin. Wala ng espasyo sa pagitan ng aming katawan.
Sa sobrang lapit ng mukha niya mas lalo akong humanga sa angking kagwapuhan niya. Lalo na sa mga mata niya. Tunay ngang napakaganda ng mga ito. Naamoy ko rin ang mabangong hininga niya at sabong ginamit sa pagligo.
Hindi ko alam kung gaano katagal na sandali na nakakatitig ang mga mata ng isa't-isa.
Mayamaya pa'y mas lalong dumikit ang katawan niya sa akin ng daganan ni Xavier ang likod niya. At gumagalaw siya sa taas. Parang nagtatalon siya habang nakaupo kaya ang nangyari bahagyang nagtataas-baba rin ang katawan ni Xander sa akin. Mabuti na lang at hindi rin bumaba ang ulo ni Xander dahil kung nagkataon, mahahalikan niya ako. Kaso nga lang dahil sa pagtatalong ni Xavier nakakailang ang galaw namin ni Xander.
"Jump! Jump! Jump!" pasigaw-sigaw pa si Xavier habang ganoon pa rin ang ginagawa.
Sobrang nakakailang.
"S–Sir." Nauutal na sambit ko sa kanya.
"Xavier, get off my back. Jayvee's can't breath already." Napatigil naman si Xavier at umalis sa likod ni Xander.
"Sorry." Wika ni Xander nang makaalis siya sa pagkakadagan sa akin. Hindi pa ako nakakagalaw dahil nabigla ako sa ginawa niya bago umalis. Hindi nga siya umalis agad nang umalis si Xavier sa likod niya. Tinitigan niya muna ako at doon na ako nabigla sa sunod niyang ginawa.
***