Chapter 2

2949 Words
"Anong kailangan mo kay Sir?" Tanong ng sekretarya ni Xander nang tinungo ko ang kanyang opisina para pag-usapan ang tungkol sa trabahong inaalok niya. "May ipapaalam lang ako sa kanya," sagot ko. "Pwede ba akong pumasok?" "No! Hindi ka allowed pumasok ng basta-basta sa office niya unless you have an appointment to him. If you have something to say, sa akin mo na lang sabihin. Hindi pwedeng maistorbo si Sir Xander ng kung sinu-sino lang." Mataray na sabi nito sa akin. "Personal kasi ito Ma'am. May pahintulot niya ako at alam niya kung bakit ko siya kakausapin." Tinaasan lang ako ng kilay. Hindi siya naging kumbensido sa paliwanag ko. "Importante talaga ito Ma'am." "Hindi ka talaga pwedeng pumasok. Ako ang mapapagalitan ni Sir Xan---" hindi na nito natapos ang sasabihin dahil may tumawag ng pangalan ko mula sa aking likuran. "Kuya Jayvee!" Sigaw ng isang bata sa pangalan ko. Sa boses pa lang, napagsino ko na agad ito. Napalingon ako kay Xavier na nagtatakbo papunta sa akin. Hinawakan agad nito ang kamay ko. "Kuya Jayvee. Please, pumayag ka na po." Ngumiti ako at umupo upang pantayan ang taas nito. "Oo Xavier, pumapayag na ako." "Sure ka po?" Naniniguradong tanong nito. Tumango ako bilang tugon at ginulo ang buhok nito. "Yes! Yes! You're going to be my nanny! Thank you po Kuya Jayvee." May kung anong humaplos sa puso ko sa masayang reaksyon nito. Hindi ko talaga alam kung bakit ganito sa akin ang batang ito at gustong-gusto akong maging tagapag-alaga niya. Tumayo ako at muling hibarap ang sekretarya na ngayon ay nakalukot ang mukha. Marahil nagtaka sa nakita. "Bakit mo kinakausap si Xavier? Hindi mo ba alam na anak siya ni Sir Xander?" "You don't care," ang sabat ni Xavier habang nakatingin ng masama rito. Bumaling ito ng tingin sa akin at inaya ako. "Halika na po." Binuksan nito ang opisina ni Xander at hinila ako papasok. Bakas ang pagtataka sa mukha ng sekretarya nang lingunin ko ito. Hindi ko na lang pinansin. Sumalubong sa akin ang malamig na hangin ng opisina. Amoy na amoy ko rin ang mabangong paligid nito. Naabutan namin si Xander na nakaupo sa kanyang swivel chair at seryosong nakatitig sa mga papeles na nasa mesa niya. "Yes Stella, what is it?" Tanong nito na akala siguro ang sekretarya niya ang pumasok. Stella pala ang pangalan ng babaeng iyon? "Daddy!" Sigaw ng bata. Mabilis na napatingin si Xander sa direksyon namin. Binitawan ni Xavier ang kamay ko at tumakbo papunta sa ama. Agad na ipinaalam nito sa kanya ang pagpayag kong maging tagapag-alaga. "Really?" Tanong ni Xander dito. Napabaling siya sa akin. Sa ginawa niya'y parang binuhusan ako ng malamig na tubig. Ningitian niya ako. Halos kumawala ang puso ko. Ito ang unang beses na makita ko siyang ngumiti. At mas lalo siyang gumagwapo sa paningin ko. "Are you sure about it?" Nananiguradong wika niya. "Yes Sir. Pumapayag na ako sa trabahong inaalok niyo." "See dad? He agreed already." Ani Xavier. Muli itong lumapit sa akin at nagpabuhat. "He really likes you a lot. When will you start?" "Kahit anong araw Sir." "How about you Xavier? Kailan mo gustong mag-umpisa si Jayvee?" Tumingin muna sa akin si Xavier bago sumagot sa daddy niya. "This day po dad." "It's too fast Xavier. Kakapayag lang ni Jayvee. He still have to resign first from his work here." "Okay lang Sir kahit ngayon na." Saad ko. "Yey! See dad. He agreed again. He's going to be my boy nanny. My boy nanny!" "Are you sure?" Mukhang hindi pa rin kumbensido si Xander. Hindi na ako nagsalita. Tumango na lang ako bilang tugon at bahagya siyang nginitian. "Okay then. I have to call the HR for your resignation." "Pwedeng ako na lang po ang gagawa ng resignation ko?" Agad na sabi ko. Mas gusto ko kasi na ako mismo ang papasa ng resignation paper para makapag-paalam din ako sa mga katrabaho ko. "O–Okay." "Pero bago po ako aalis, pwede po ba kayong makausap ng personal?" "So what are we going to talk about? May problem ba sa offer ko?" Panimulang tanong niya. Magkaharap kami sa mesa niya. Si Xavier naman ay nasa sofa lang at naglalaro sa cellphone. "Tungkol sana ito sa magiging sahod ko." Pakiramdam ko mauubusan ako ng dugo sa sasabihin kong ito. Labis ang kahihiyang nararamdaman ko. "Yes. What about your salary? Maliit ba? If you want, I can raise it." Nag-ipon ako ng lakas para masabi ang lahat. "Hindi sa gano'n Sir. Malaki na ang ino-offer niyo. Ang gusto ko lang sanang sabihin ay kung pwede ba akong mag-cash advance. Kailangan na kailangan ko po kasi ngayon ng pera." Kaya mo 'to Jayvee. Para kay Papa. Hindi ako pwedeng panghinaan ng loob. "Oh! Okay? I'm gonna tell the accounting office to give you the cash right away." Natigilan ako. Pumayag siya agad? Hindi man lang ba niya itatanong kung saan ko gagamitin ang pera? Ang bilis naman niya akong pagkatiwalaan. Akala ko'y mahihirapan ako sa pakikipag-usap sa kanya tungkol sa bagay na ito. Marahil sa tinanggap ko ang trabahong inalok niya kaya mabilis siyang pumayag. Marahil iniisip niya na hindi rin kasi ganoon kadali para sa akin na tanggapin ang trabaho. "Salamat Sir. Pasensya na kayo kung nag-CA agad ako kahit hindi pa ako nakakapagsimula sa trabaho." "You don't need to apologize, Jayvee. There's nothing wrong with that and I know that there's must be a big reason behind it." "Maraming salamat talaga Sir." Binigyan niya lang ako ng naniniguradong ngiti. Matapos pirmahan ng head namin ang resignation letter ko ay ipinasa ko na agad ito sa HR. Mabilis ang naging aprroval dahil na rin sa abiso ni Xander. Nakuha ko rin agad ang huling sahod ko at ang cash advance. Niligpit ko na rin ang gamit sa table at nagpaalam sa mga kasamahan. Si Jordan ay gulat na gulat pero ipinaliwanag ko na lang ng maayos sa kanya ang nangyari. Nag-eempake agad ako pag-uwi ko ng bahay. Hindi na nagulat si Mama dahil nakausap ko na rin siya tungkol dito bago ko pa kausapin si Xander. Nang una ay hindi siya pumayag pero sa huli, napapayag ko rin. Naghahalo ang nararamdaman ko. Kinakabahan ako sa pinasok ko pero nasasabik din ako dahil dahil sa unang pagkakataon ay makikita ko na ang bahay ni Xander. Makakasama ko pa siya sa iisang bubong. Pero bilang tagapag-alaga ng anak niya. Nalula ako sa ganda at laki ng bahay ni Xander. Pagbungad mula sa main door ay agad na mapapansin ang mataas na hagdanan. Kumikinang na chandelier sa gitna ng kesame. Mula sa ilaw nito, malinaw na hinahayag kung gaano kakintab ang sahig ng bahay na yari sa tiles. Marami ring mga gamit na sa palagay ko'y mamahalin. Maganda at malaki ang bahay ngunit tila may isang bagay akong napansin. Nababalot ito ng kalungkutan na hindi ko mawari. "Manang Ida siya na po ang bagong tagapag-alaga ni Xavier." Pagpapakilala sa akin ng driver na si kuya Albert sa isang babae na sa tansya ko ay nasa lagpas singkwenta ang edad. "Siya na ba iyon Albert? Ang akala ko'y babae ang bagong tagapag-alaga ni Xavier? Isang lalaki pala." Pagtatakang tugon ng matandang babae na tinawag ni Kuya Albert na Manang Ida. "Ano nga palang pangalan mo iho?" "Jayvee po." Magalang na tugon ko. "Jayvee." Pag-uulit nito. Ako nga pala si Ida. Tawagin mo na lang akong ate Ida. O siya, ihatid na natin sa kwarto iyang si Xavier nang maituro ko narin sayo ang kwarto mo." Nagpatiuna sa Ate Ida habang nakasunod ako sa kanya. Tinungo namin ang hagdan paitaas. "Mukhang gusto ka ng bata Jayvee. Maliban sa akin at kay Xavier, wala nang nakakahawak sa bata ng ganyan." Wika nito. "Talaga po?" "Oo hijo. Iyong tagapag-alaga niyang si Girly ay ayaw niyang hinahawakan siya nito." Nagtanong ako. "Hindi ko nga alam sa batang iyan, mailap sa ibang tao." Napatango na lamang ako. Nagtanong ito sa akin kung paano ako pumayag na maging tagapag-alaga ni Xavier at umalis sa dating trabaho. Ikinuwento ko naman sa kanya ang dahilan. "Ah, gano'n ba hijo? Kawawa ka namang bata ka." Ngumiti lang ako sa sinabi niya. Malaki ang kabuuan ng kwarto ni Xavier pagpasok namin dito. Malaki ang kama at maraming laruang pambata. Habang iniikot ang paningin, napukaw ng isang picture frame ng isang babae na nasa tabi ng kama ang atensyon ko. Kilala ko siya. Siya si Isabelle Navarro. Isang sikat at magaling na artista. Tunay ngang napakaganda niya. Napakaamo pa ng mukha. Bagay na bagay na nga sila ni Xander. Nabalik ang atensyon ko nang muling magsalita si Ate Ida. Inutos niyang ilapag ko si Xavier sa higaan na agad ko namang sinunod. Nang ilalagay ko na si Xavier, bigla siyang gumalaw at nagmulat. Tininingnan niya ako ng may pagtataka. Bumangon siya at mabilis akong niyakap. "Please sleep beside me, Papa Jayvee." Nagulat ako sa pagtawag niya ng 'papa' sa akin. Hindi ko nawari ang naramdaman. Mas kakaiba iyon sa pagtawag niya sa akin ng 'kuya' lang. "Oo Xavier, sa tabi mo lang ako pero bitaw ka muna sa akin para makahiga tayo ng maayos ha." Bumitaw nga siya sa akin pero mabilis niyang hinawakan ang kamay ko paglagay ko sa kanya sa kama. "Talagang gustong-gusto ka ni Xavier, Jayvee. Ganyan na ganyan din siya sa kanyang Mommy nang nabubuhay pa ito." Bahagya lamang akong ngumiti kay Ate Ida at muling ibinaling ang atensyon kay Xavier na ngayon ay nakayakap sa akin. Nakaunan siya sa braso ko habang sinusuklay ko ang kanyang buhok. Hinawi ko rin ang mga ilang hibla na nakatakip sa kanyang mga mata. "Pa'no Jayvee mukhang hindi kita mahahatid sa kwarto mo ngayon. Puntahan mo na lamang ako sa kusina mamaya." Pagpapaalam ni Ate Ida. "Sige po." Tugon ko at umalis na ito. Muling gumalaw si Xavier at mas hinigpitan pa ang pagyakap sa akin. Napailing na lang ako. Hanggang ngayon hindi ko lubos maisip na ganito sa akin ang bata. Wala akong ideya kung paano niya ako nagustuhan. Naalimpungatan ako nang bumagsak ang isang paa ko sa sahig. Nakatulog pala ako habang katabi si Xavier. Hindi na siya nakayakap sa akin kaya umalis na ako ng kama. Bago lumabas ng kwarto ay inayos ko muna ang kumot sa kanya. Bumaba ako at hinanap si Ate Ida. Tinanong ko sa kanya ang maleta ko. Itinuro na rin niya sa akin ang magiging kwarto ko. Maganda ang kwarto kahit hindi iyon ganoon kalaki. Isang single bed at cabinet lang ang nandoon. Napahugot ako ng hangin bago sinimulan ang pag-aayos ng mga dalang damit. Magsisimula na talaga ako ngayon sa panibago kong trabaho. Sana hindi ako mahirapan sa pag-aalaga kay Xavier. Pero sa tingin ko, hindi siya mahirap alagaan dahil mabait siyang bata. Matapos ayusin ang mga gamit, lumabas na ako ng kwarto at pumunta sa kusina para uminom ng tubig. Pagdating ko roon, nakarinig ako ng busina mula sa labas. Ilang sandali pa'y pumasok si Xavier. Sumirko ang puso ko nang magkasalubong ang tingin namin. Lumapit sa kanya si Ate Ida at kinuha ang kanyang mga gamit. Pagkaalis nito ay agad siyang lumapit sa akin. "G–Good evening Sir." "Good evening too, Jayvee. So how's your first day here?" Biglang tanong niya sa akin. Sinubukan ko munang pakalmahin ang sarili bago sumagot. "Maayos naman Sir." Hindi na ako makatitig sa mga mata niya. "Good. I hope you're okay with your new job." Hindi na ako tumugon at nanitili lang sa pagkakatungo. Hindi na rin siya nagsalita kaya naging tahimik ang paligid. Magpapaalam na sana ako nang marinig ko ang sigaw ni Xavier. "Daddy!" "How's my lil big boy?" Tanong niya sa bata nang makalapit ito sa kanya at yumakap. "Great! And I'm happy po." Nagtataka siyang tumingin kay Ate Ida na nasa gilid lang nilang dalawa. Nagkibit-balikat ito sa kanya bilang tugon. "I noticed that you've been this happy for these past few days. Can you tell me the reason?" "Kasi Daddy, pumayag na si Papa Jayvee na alagaan ako. Tapos nandito po siya kaya masayang-masaya po ako!" Kumunot ang noo niya sa sinabi ni Xavier. Bumaling siya ng tingin sa akin. Napatingin din si Xavier at bigla na lang tumakbo papunta sa pwesto ko. Nagpabuhat ito sa akin at sinabing lumapit kami sa Daddy niya. "Masayang-masaya po ako kasi may bago akong Daddy at si Papa Jayvee iyon." Masayang sabi ni Xavier at hinalikan ako sa pisngi. Tumingin ako kay Xander na matamang nakatitig sa akin. Hindi ko mabasa ang ekspresyon sa kanyang mukha. Pero alam kong may pagtataka siya dahil sa narinig. Napaiwas na lamang ako ng tingin. "So may bago ka na palang Daddy ngayon lil big boy?" "Opo. Sana okay lang sa inyo na tawagin kong Papa si Papa Jayvee po?" Matagal bago sumagot si Xander kaya mas lalo akong kinabahan. Sa tingin ko hindi talaga siya masaya na tawagin akong 'Papa' ng anak niya. "Of course lil big boy. It's okay to Daddy." Ikiniluwag ng paghinga ko ang naging sagot niya. NAGULAT ako ng bigla akong hinila ni Xavier pagkatapos ko siyang bihisan ng pantulog papunta sa kwarto ng Daddy niya. Pinigilan ko siya pero 'di niya pinansin ang sinabi ko. Nanlaki ang mga mata ko nang pagbukas ng pinto, sumalubong sa amin ang halos hubo't hubad na si Xander at tanging boxer shorts lang ang saplot sa katawan. Napalunok ako habang pinapasadahan ng tingin ang kanyang katawan. Hindi ko maiwasang mamangha. Bawat matitigas na muscles sa braso't binti, sa malapad na dibdib at sa mga maliliit na pandesal sa tiyan, lahat ng 'yon parang perpektong hinulma ng isang magaling na iskulptor na para lang sa kanya. Hindi ko namalayang nakatitig na pala ako ng matagal sa katawan niya. Kung hindi lang ako hinila ni Xavier, hindi ko pa sana iaalis ang tingin ko sa kanya. Labis na ang kabang nararamdaman ko. Handa na akong pagalitan niya dahil sa pagpasok ko rito sa kwarto niya ng walang pahintulot. "What's this Xavier?" "We went here because I want Papa Jayvee to see your room. And Dad, can we sleep here with you?" Literal na namilog ang mata ko dahil sa naging tanong ni Xavier. Anong dito kami matutulog ang sinasabi niya? "Pasensya na po kayo Sir. Sinama lang ako ni Xavier dito." Depensa ko. "Sige na po Daddy. Please, pumayag ka na." Nagsusumamong sabi ni Xavier. Nakanguso pa ito habang nakasaklop ang mga palad. Ako? Matutulog kasama sila? Diyos ko. Ano ba itong pinagsasabi ng batang ito. Kailangan kong kausapin si Xavier tungkol dito. Lumuhod ako upang pantayan ang taas nito. "Xavier, hindi ako pwedeng matulog dito sa kwarto ng Daddy mo. May sarili akong kwarto kwarto at doon na lang ako matutulog ha. Ikaw na lang dito okay?" "Pero Papa, I want it. Sige na Papa, please huwag ka na alis. Im sure, Daddy will agree with it, right Daddy?" Pamimilit ni Xavier sabay tingin kay Xander. Napaangat ako ng tingin sa kanya. Hinihintay ang kanyang sagot. "Do you really want your Papa to sleep here?" Tanong niya sa bata. "Yes, Dad. Just this once lang po Daddy. Sige na. Please payag ka na po, please." "Xavier, hindi talaga pwede ang gusto mo." "No Papa. Gusto ko dito ka matulog. Sige na po please... Payag ka na." Pamimilit pa rin nito. "Pero Xavier, hindi nga talaga pwe--" "Papa please..." Magsasalita pa sana ako pero hindi ko na lang itinuloy dahil mukhang maiiyak na ito. "It's okay Jayvee. You can sleep here." Napasinghap ako at nagulat nang magsalita si Xander. Tama ba ang narinig ko? Pumayag siyang dito ako matulog? "Xavier, don't cry baby. Your Papa will sleep here tonight." Ang maiiyak na mukha ni Xavier ay napalitan ng tuwa. Napatingin agad ito sa ama. "Talaga daddy? Yey!" Ngiti lang ang itinugon ni Xander sa anak. Tumingin ulit sa akin si Xavier na tuwang-tuwa habang nakataas ang dalawang kamay sa ere. "Yey! See, Papa? Pumayag na si Daddy. Kaya sige na po payag ka na, please." Bumaling ako kay Sir Xander. Nakuha naman niya ang ibig kong iparating kaya tumango siya. Hindi ako makapaniwalang pinayagan talaga niya si Xavier na dito ako matutulog ngayong gabi. Masasabi ko talagang mahal na mahal niya ang kanyang anak at lahat ng hihilingin nito ay binibigay niya. "You know what, I'm getting jealous with you." Napapiksi ako. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Alam kong susumbatan niya ako. Magkaharap kami ngayon. Si Xavier naman sa kama niya at naglalaro sa kanyang cellphone. "Pasensya na kayo Sir kung nagiging ganoon ang bata sa akin. K–Kung gusto niyo aalis na lang ako at babalik sa dati kong trabaho. Huwag kayong mag-alala, pagtatrabahuan ko ang perang hiniram ko sa inyo. Pasensya na talaga Sir." Nakatungong saad ko. Bigla ko kasing naisip na habang maaga pa, aalis na ako. Baka masira ko pa ang pakikitungo ng mag-ama at ako pa ang magiging dahilan kung lalayo ang loob ni Xavier sa kanya. "Why are you apologizing? Bakit? Pinapaalis ba kita? I just said that I'm getting jealous because Xavier's sweet with you. Hindi ba ako marunong magbiro?" Napatingin naman agad ako sa kanya. Anong ibig niyang sabihing hindi siya marunong magbiro? Kung ganon... "I'm just joking." Sabi niya pero seryoso pa rin siyang tingnan. Binibiro lang pala niya ako? Mukha kasi siyang seryoso kanina sa pagkakasabi niyang nagseselos siya sa akin kay Xavier. Tama nga siya't hindi siya marunong magbiro. "Tabihan mo na si Xavier sa kama. I'm going to take a shower first." Aniya at dumaan siya sa tabi ko. Hindi ko na siya nilingon at napabuntong-hininga na lamang. Hindi man halata sa akin dahil sa gusto ko, hindi ko pa rin lubos maisip na pumayag talaga siya na rito ako matutulog sa kanyang kwarto. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD