Kinaumagahan ko na ang pagtulog kasama si Xander. Sandaling nag-usap muna kami bago nagsimulang ihanda ang mga sarili sa gagawin ngayong araw. "Papa, I'm excited to go back to school po." Ani Xavier habang inaakyat ko siya sa sasakyan. Napangiti naman ako sa tinuran niya. "Talaga Xavier? Mukhang nagugustuhan mo na atang pumasok ng school a?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya habang inaayos ko ang gamit niya sa tabi niya. "Opo papa. I really missed my classmates." "Talaga? Wow! Ibig sabihin niyan maayos na rin kayo ni Harvey?" Natigilan siya sa sinabi ko. Ang sabik niyang mukha ay biglang naging seryoso. Ibig sabihin, hindi pa nga sila ayos nito. Ito kasi ang batang nakasagutan niya nang nakaraan. "Kuya, dito muna po ako sasakay sa likod. Tatabihan ko si Xavier." Sabi ko kay mano

