Katulad ng mga ginawa namin kahapon ay ganon din ang mga ginawa namin ngayon. Kumain, naglaro, naligo at namasyal. Sinusulit talaga ang huling araw dito sa resort dahil sa pag-uwi namin, balik ulit sa normal ang lahat. Magiging busy na rin kasi si Xander sa kanyang kompanya kaya baka matatagalan pa bago ulit kami makakapag-bonding ng ganito o baka nga hindi na. Nang sumapit ang hapunan ay kasabay naming kumain sina Rafael at Keen Mark. Isa sa mga restaurant dito sa kanyang resort kami kumain. Ang dalawang lalaki lamang ang nag-uusap habang kumakain. Pareho kaming tahimik ni Keen Mark. Katulad ko ay matahimikin din ito at magsasalita lamang kapag kakausapin. Pagkatapos kumain tumungo na kami sa aming kwarto. Hindi na kami nagkulitan pa ni Xavier. Nakatulog kasi agad dala na rin siguro n

