Kung may mas higit pa sa salitang napakasaya, iyon na marahil ang nararamdaman ko ngayon. Sa bawat araw magbuhat nang magpropose si Xander ay puro saya na lang ang nararamdaman ko. Hindi ko akalain na maari pang mangyari ang bagay na sa tingin ko ay napakaimposible ng mangyari. Inalok na ako ni Xander ng panghambambuhay na kasama at kapiling siya. At sa susunod na buwan na gaganapin ang seremonya ng aming pag-iisang dibdib. Pinaghahandaan na namin ang pagpunta sa America dahil doon ang napili niyang pagdadausan ng aming kasal. Ayon kay Xander, isang simpleng kasalan lang ang magaganap at pagkatapos niyon ay dederetso na agad kami sa hotel kung saan kami magsasama sa unang gabi bilang mag-asawa. Magtatagal lang kami ng isang linggo roon at pagkatapos ay babalik uli kami ng Pilipinas.

