"Ba't ang tagal mo? Diyos ko naman Jayvee sinayang mo ang pagkakataon na marinig ang inspirational message ng guest speaker natin." "Pasensya naman Jord, naflat kasi 'yong gulong ng taksing sinakyan ko." "Uo na uo na. Atsaka nagteks ka pa talaga na sunduin ka rito sa labas ng venue ano?" "Salamat bestfriend." "Ewan ko sayo." Dahil ayaw na niyang makipagtalo, si Jayvee na mismo ang humila sa kamay ng bestfriend papasok sa venue na pinagdausan ng annual executive night ng kanilang department. Business Administration kasi ang kanyang kinuha. Huling taon na niya ito dahil sa susunod na buwan ay gagraduate na siya. Ngunit nang makapasok at makita ang kababa lang na lalaki mula sa stage ay napahinto siya. Xander. Xander Montenegro. Hindi niya akalain na ganito pala ito kagwapo sa persona

