Nang maging malalim na ang pagtulog ni Xavier, nagdesisyon na akong lumabas ng kanyang kwarto. Dahan-dahan kong isinara ang pinto para hindi siya magising. Pagbitaw ko sa door knob at sa mabilis na pangyayari, hindi ko na malayan na nakasandal na ako sa isang pinto na sa loob ng isang kwarto at may labing nakalapat na sa labi ko. "Damn Jayvee! I really miss you." Sabi ni Xander ng ihiwalay ang kanyang labi sa akin. Habol ang kanyang paghinga at ganon din ako. Tigagal akong nakatitig sa kanyang mukha at mata. Muli niya akong hinalikan at sinimulan na niyang pagalawin ang kanyang labi. Gulat man sa nangyari, tumugon na lang din ako. Nagtataka ako kung bakit niya ito ginawa, hindi ko na lang pinansin at ipinagsawalang bahala na lamang. Isa lang kasi ang nangingibabaw sa akin ngayon, ang m

