REESE’S POINT OF VIEW
“Good morning, Coleen,” masuyo kong bati nang magkasalubong ko ito sa sala.
Ngumiti siya, “Good morning din, Reese.” Tugon niya at pagkatapos ay sabay kaming naglakad patungo sa dining area.
Nang makarating kami sa tapat ng pintuan ng dining area ay kaagad na bumungad sa aming harapan si Aerl at Karlo. Abala ang mga ito sa paghahanda ng pagkain, at nang maramdaman nila ang aming pagdating ay pareho silang tumigil at humarap sa aking dalawa ni Coleen.
Nakangiting lumapit si Karlo kay Coleen, at ginawaran niya ito nang isang halik sa pisnge.
“Morning,” malambing niyang bati, at maya-maya ay bumaling ang kanyang tingin sa akin at tinanguhan niya ako.
Tumango din ako pabalik sa kanya at kaagad na pumwesto sa bakanteng silya.
“Did you have a good sleep?” tanong sa akin ni Aerl, habang naglalapag siya ng pagkain sa mesa.
Tipid akong ngumiti at tinulungan siyang ayusin ang mga platong ilalagay sa mesa.
“Hmm, that's good to hear.” Aniya at agad na ring umupo sa kanyang silya.
Sandali akong napahinto nang makita kong nagsimula na silang kumain, lumikot ang aking nga mata upang hanapin si Kaniah, pero kahit anino niya ay hindi ko mahagilap.
“Maaga siyang umalis, sa labas daw kakain.” Bulalas ni Coleen, dahilan para maagaw nito ang aking atensyon.
Tumingin ako sa kanya at nakita kong nakatingin din siya sa akin habang ang asawa naman niya ay abalang-abala sa paglalagay ng pagkain sa kanyang pinggan.
“Is it okay to ask where she went?” kalmadong usal ko.
“It'll be more okay if we knew exactly where she went to, but we don't,” dismayadong sagot niya.
Napabuntong-hininga na lang din ako at nagsimula nang kumain.
“You don't have to worry about her, Reese. That woman is something else,” natatawang pagpapagaan ni Aerl ng aking kalooban. At hindi ko rin mapigilang matawa sa sinabi niya dahil alam ko naman ang tungkol roon.
Pagkatapos niyon ay bumalik na ako sa kinakain ko, at ilang minuto nga lang ay natapos ko na iyon at nagpaalam sa kanilang mauna na dahil may pupuntahan pa ako.
“Saan naman kaya nagpunta ang babaeng iyon?” sa isipan ko at hindi maiwasang makaramdam ng pag-aalala.
Alam kong kaya niyang protektahan ang sarili niya, ang hindi ko lang masiguro ay kung hanggang kailan niya makakayanan?
Habang nag-iisip ay biglang nabuo ang isang ideya sa utak ko ay ‘yon ay ang magmaneho ng aking sasakyan at pupunta sa kahit saan.
*****
“She's not here,” bulong ko sa kawalan ng bumungad sa akin ang walang katao-taong resort.
Isa ito sa mga lugar kung saan kami tumatambay’ng dalawa no’n. Kaya imposibleng makalimutan ko ang lugar na ito. Habang nakatingin sa maaliwalas na araw ay unti-unting kong naramdaman ang kusang paggalaw ng aking katawan, naglakad ako papalapit sa isang bakanteng silya, kung saan kami pumu-pwestong dalawa no’n.
This place holds a very meaningful memories to me, a memories that I kept holding on upto now.
Umupo ako sa silya at patuloy na pinagmasdan ang kalmadong alon ng dagat. Maganda, maaliwalas at malakas ang hangin, Ngunit sakto lamang ang lakas niyon upang liparin ang iyong buhok.
“Hanggang kailan mo kaya ako papahirapan nang ganito, Kaniah?”
“Do you wish to make me suffer until the moment I give up on you?”
At kung iyon man ang plano niya, tiyak akong madidismaya lamang siya. Dahil ngayong nandito na ako sa Pinas ay wala akong balak bumalik sa ibang bansa nang hindi ko siya kasama.
It's a ride or die….
Kaagad na naputol ang pagmumuni-muni ko nang biglang tumunog ang aking cellophane. Kinuha ko iyon mula sa aking bulsa at gano'n na lamang ang pagsalubong ng kilay ko ng makita ko ang pangalan ni Naya sa screen.
“Don't tell me she's in the country?”
Mariin akong napapikit bago ko sinagot ang tawag.
“What is it, Naya?” bungad ko.
“Nasaan ka? Nasa Pilipinas ako ngayon!” masiglang sagot niya.
Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa sinabi niyang iyon. We may knew each other since we were kids, but it's not my obligation to take care of her.
“Ano bang sinasabi mo?” naguguluhang tanong ko pa sa kanya.
Hindi siya kaagad sumagot at isang matinding katahimikan ang naghari sa pagitan ng aming linya. Maya-maya pa ay narinig ko ang isang pamilyar na boses, dahilan upang maikuyom ko ang aking palad.
“Did you went home with him?” malamig ang boses kong tanong kay Naya.
Muling tumahimik ang kabilang linya, at pagkalipas nang ilang segundo ay muling nagsalita ang kapatid ko sa kabilang linya.
“Brother! Ganyan mo ba ako i-welcom–
“Fvck off!” pagputol ko sa sasabihin niya at mabilis na ibinaba ang linya.
Ang kaninang magandang mood ko ay kaagad na nasira, dahil lamang narinig ko ang boses na iyon ni Rouise. Nagtungo ako sa ibang bansa para hindi magtagpo ang landas naming dalawa, tapos ngayon ay malalaman kong magkasama silang dalawa ni Naya? Sobra akong naguguluhan at hindi alam kung Ako ang binabalak nilang dalawa.
Sa inisi ko ay padabog akong tumayo mula sa aking pagkaka-upo at mabibigat ang hakbang na ginawa pabalik sa aking kotse.
Habang nasa kalagitnaan ako ng byahe ay muling nag-ingay ang aking cellphone. Hindi ko na nagawang tingnan kung sino ang tumawag at basta-basta na lamang iyong sinagot.
“What the h*ll, this is Aerl!” bulyaw niya sa kabilang linya kaya agad akong natigilan.
Sa hiya ko ay inihinto ko ang sasakyan sa gilid para maka-usap ito nang maayos.
“I'm sorry, I didn't mean to.” Paghingi ko ng paumanhin.
“I understand. Anyways, nahanap ko ang lokasyon ni Kaniah. And right now, you really have to go to her,” anunsyo niya.
Parang pumantig ang tenga ko, hindi na ako nakasagot dahil ibinaba niya ang linya. Ngunit, maya-maya ay may dumating na isang text galing kay Aerl, at nakalagay roon kung nasaang lokasyon si Kaniah.
Hindi ko mapigilan ang sarili kong mapangiti at kaagad na nagtipa upang pasalamatan siya. At pagkatapos niyon ay mabilis kong pinaharurut ang sasakyan ko upang puntahan si Kaniah.
******
Pagkalipas nang mahigit tatlong oras at narating ko na nga ang lokasyong ibinigay ni Aerl.
“A bar?” mahinang bulalas ko pagkababa ko mula sa aking kotse.
Hindi ako makapaniwala na nandito si Kaniah. Dahil ang alam ko ay hindi siya umiinom at hindi mahilig pumunta sa mga bar, kaya napapa-isip ako kung ano ang ginagawa niya dito.
Huminga ako nang malalim at nagsimulang maglakad papasok sa loob ng bar, at agad nga'ng sumalubong sa akin ang ingay ng mga tao, at ang pinaghalong amoy ng alak at sigarilyo.
Natigilan ako nang biglang bumangga sa akin ang isang babae, hinawakan nito ang balikat ko pero mabilis kong tinabig iyon.
“I'm with someone!” pagtatapos ko ng usapan at nilagpasan ito.
Iginala ko ang paningin ko sa buong lugar, at agad iyong huminto nang mahanap ko si Kaniah. Nandoon siya sa pinakadulong mesa, walang kasama at nakayuko na ang ulo at sa tingin ko ay tulog na ito.
Sa bawat dinadaanan ko ay may mga babaeng humaharang sa akin, pero hindi ko sila pinapansin. Kahit tapunan lang ito ng tingin ay hindi ko ginawa at tuloy-tuloy lang sa paglalakad na para bang si Kaniah lang ang bukod-tanging tao na nasa loob ng lugar na ito.
At nang makalapit ako sa kanya at hindi ko muna kaagad siya hinawakan, ang ginawa ko ay tinapik ko nang mahina ang balikat niya.
“Hm,” ungot niya.
“Let's go home, Kaniah,” mahinang saad ko.
Hindi siya sumagot, kaya bumuntong-hininga muli ako at muling sinabi iyon. Ngunit, wala pa rin akong nakuhang sagot at nang silipin ko ang mukha niya ay nakapikit ang kanyang mga mata.
“I'm going to carry you, okay?” saad ko.
Napahilot ako sa aking sentido at pagkalipas nang ilang sandali ay marahan ko siyang hinawakan at habang ginagawa iyon ay hindi ko mapigilan ang sarili kong mapalunok dahil sa pinaghalong kaba, takot at init sa katawan ko habang nakatingin ako sa kanyang dibd*b na bahagyang nakalantad dahil nakabukas ang tatlong butones ng damit niya.
“Fvck! Control yourself, B*stard.” Sermon ko sa aking sarili at nagsimulang maglakad palabas ng bar.
Maingat ko siyang inilapag sa passenger seat at ang buong akala ko ay hindi siya nagising, kaya gano'n na lang ang gulat ko nang magtama ang mata naming dalawa. Halos mahigit ko ang aking paghinga dahil sa lapit ng mukha naming dalawa.
Diretsyong nakatingin sa mga mata ko ang mga mata niya, at pakiramdam ko ay maging ang kaluluwa ko ay nakita niya dahil sa paraan ng pagtingin niya sa akin.
“Why are you here?” malamig niyang tanong sa ‘kin.
Doon lang ako nagbaba ng tingin at bumaling sa seatbelt upang ilagay iyon sa kanya, pero mabilis niyang pinigilan ang kamay ko dahilan para mapalunok ako.
“We have to go home, Kaniah. You're dru–
“I'm not drunk, Reese,” she cut me off.
Nag-angat ako ng tingin sa kanya, “Uuwi na tayo.” Saad ko at iniwas sa kanya ang tingin ko at handa ng umalis sa harapan niya para makaalis na kami.
Ngunit gano'n na lamang ang gulat ko nang bigla niya akong hinila at siniil niya ng halik ang labi ko. Hindi ako makagalaw sa aking pwesto at gulat na gulat pa rin, kahit na inilayo na niya ang kanyang labi sa akin.
“Hubad, Reese!” she commanded.
TO BE CONTINUE