CHAPTER 03

1404 Words
REESE’S POV “Paulit-ulit ka na niyang itinutulak palayo, pero bakit patuloy mo pa ring ipinagpipilitan ang sarili mo sa kanya, Reese?!” bulyaw sa akin ni Naya. Imbes na sagutin siya ay ipinagpatuloy ko lang ang pag-aayos ng aking gamit, at binabalewala ang lahat ng sinasabi niya. “P*TA NAMAN, REESE OH! Nandito na ako eh, pero bakit siya pa rin ang gusto mo? Ano bang gusto mong gawin ko para maibaling mo sa akin ang nararamdaman mo?” Sa sandaling iyon ay natigilan ako. Naiwang naka-angat sa ere ang aking kamay at kasunod niyon ang dahan-dahan kong pagharap sa kanya. Malalim akong bumuntong-hininga ng makita ko ang kanyang pag-iyak. At hindi ko maiwasang ma-guilty sa nasaksihan kong iyon. Kaya humakbang ako palapit sa kanya at pinunasan ang kanyang luha. “Patawarin mo ako, Naya. Pero, kahit anong gawin ko ay si Kaniah ang mahal ko.” Saad ko. Kitang-kita ko kung papaano siya natigilan. Mabilis niyang inalis ang kamay kong nakahawak sa kanyang pisnge. Yumuko siya at iniiwasan ang aking tingin. “K-kung alam ko lang na mangyayari ito, dapat sana ay pumayag na ako noon na magpakasal sa iyo,” mahinang saad niya at mabilis akong tinalikuran. Muli akong bumuntong-hininga at kaagad na ibinalik ang atensyon ko sa aking ginagawa. Buo na ang desisyon ko. Mananatili ako sa Pilipinas, tatanggapin ko ang lahat ng masasakit na salitang ibabato ni Kaniah sa akin. Hahayaan ko siyang saktan ako kung sa ganoo'ng paraan ay unti-unting humilom ang sugat na idinulot ko sa kanya. “Sir, nakahanda na po ang sasakyan niyo.” Anunsyo ng isa sa mga tauhan ko. Tumango ako at agad na tinapos ang aking ginagawa. My men carry one of my language and went straight into the car. Pero, bago pa man ako tuluyang pumasok sa loob ng aking sasakyan at sinulyapan ko muna ng tingin ang kabuuan ng mansyon. And the idea of me leaving this house is such a relief, dahil sa t'wing nandito ako ay nasasakal ako na hindi ko maintindihan. Siguro dahil kinamumuhian ko rin ang iilan sa mga kamag-anak kong nanirahan dito bago ako. “If only I didn't treasure this house so much, I had burned it to the ground a long time ago,” bulong ko at nagpatuloy sa aking paglalakad. ***** “Keep an eye on Naya, I'm sure she's plotting about something.” Bilin ko sa aking tauhan. Tumango lamang ito at pagkatapos niyon ay tinapik ko ang kanyang balikat at kaagad na umakyat sa private plane na pagmamay-ari ko. Ako rin ang magmamaneho nito kaya hawak ko ang oras ko. And when everything is set, nagsimula na akong paliparin ang aking eroplano at tahimik na bumyahe. “Gagawin ko ang lahat hanggang sa mapatawad mo ako, Kaniah.” ***** THIRD PERSON'S POV “T*ngina! Hanggang kailan ba ‘to matatapos!” naiinis na bulyaw ni Aerl habang patuloy na nakikipag-palitan bg putok ng b*ril sa mga armadong lalaki. Sandaling bumaling sa kanya ang dalagang si Kaniah, maya-maya pa ay natanaw nito ang isang kalaban na papalapit sa direksyon ni Aerl. Muling bumalik sa pagiging seryoso ang kanyang mukha at tumakbo para lapitan ang kalaban at walang kahirap-hirap itong pinabagsak. “I really could count on you, Kaniah.” pasasalamat ni Aerl. Sinamaan siya ng tingin ni Kaniah, “You should pay me for saving your a*s, every d*mn time, Aerl.” Asik niya at tinalikuran ang binata. Humalakhak lamang si Aerl at muling nakipagbakbakan. At pagkalipas ng mahigit dalawang oras ay naging tahimik rin ang paligid. Bakas ang pagod sa kanilang mga mukha habang tinitingnan ang bawat sulok nang kita ng kanilang kalaban. “Hm, they're also working for the Valderama’s,” bulong ni Aerl. Ngunit sapat na iyon para marinig ni Kaniah. Lumapit siya sa binata at unti-unting sumilay ang ngisi sa kanyang labi, dahil sulit ang kanyang pagpapagod. “Nasisiyahan ka talaga sa t'wing nalalaman mo na konektado ang mga ‘to sa pamilyang kinamumuhian mo, ano?” hindi mapigilang komento ni Aerl. Nag-angat ng tingin si Kaniah sa kanya, “Sa sobrang saya ko ay gusto kong magpa-party, Aerl.” Tugon ni at muling tinalikuran ang binata. Malalim na bumuntong-hininga si Aerl at inutusan ang kanilang mga tauhan na iligpit ang mga nagkalat na katawan sa buong lugar. Agad naman nila itong sinunod at agad na sumunod si Aerl kay Kaniah, pabalik sa kanilang rest house dahil pinapabalik na sila ng kanilang boss. “Ano kaya’ng meron at pinabalik tayo kaagad?” nagtatakang usal ni Aerl, habang pinapaandar ang sinasakyan nilang kotse. Hindi sumagot si Kaniah at nakatanaw lang sa bintana ng kotse at nasa malayo ang isipan. Hanggang sa tuluyan ng pinaharurut ni Aerl ang kotse ay nanatili pa rin sa bintana ang kanyang tingin. ***** “Boss, what's going on?” bungad ni Aerl pagkarating nila sa kanilang rest house. Nagsalubong ang kilay ni Kaniah, nang bumaling sa kanya ang tingin ng kanilang Boss. “Go inside, Kaniah.” utos nito. Tumango lamang si Kaniah at nagsimulang maglakad papasok sa loob ng rest house, Ngunit gano'n na lamang ang gulat niya ng makita ni si Reese. Nakaupo ito sa sala at nakatingin sa kanya. Kaagad na tumiim ang bagang ng dalaga, kasabay nito ang pag-iwas niya ng tingin sa binata at malaki ang mga hakbang na ginawa paakyat sa hagdan. “Kaniah!” Pagtawag sa kanya ng binata, pero hindi niya ito pinakinggan. Tuloy-tuloy lang siya sa paghakbang at nang akmang bubuksan na niya ang pintuan ng kanyang kwarto, ay malakas siyang hinatak ng binata paharap sa kanya. Dahilan upang mas lalong sumabog ang galit ng dalaga. "If you want to die, then wait for your turn. It's too early to kill you," she said, her words sending a chill down Reese's spine. Hindi makagalaw si Reese sa kanyang kinatatayuan. Tahimik siyang nakatayo, ang kanyang mga mata ay naging malikot, pero nakatutok pa rin iyon sa dalaga na para bang may hinahanap siya. “Ilang beses ko bang dapat ipamuksa sa iyo na ayaw kitang makita?!” sigaw ng dalaga at umaalingawngaw iyon sa buong palapag. “Then k*ll me, Kaniah. Kung iyon ang gusto mo ay gawin mo na. Wala na akong pakialam kahit pat*yin mo pa ako, ngayon mismo.” tugon ni Reese. Bahagyang tumabinge ang ulo ni Kaniah, at ilang sandali lang ay may kinuha ito sa kanyang likuran at nanlamig ang katawan ng binata ng makita niya ang b*ril na hawak nito at ikinasa iyon ni Kaniah sa mismong pagmumukha niya. “Tingin mo hindi ko iyon kayang gawin? Really, huh?” sarkastikong saad ng dalaga. Napalunok ang binata, nanatili pa ring nakahawak sa braso ng dalaga, “Alam kong galit na galit ka sa ‘kin. Kaya nandito ako ngayon sa harapan mo Kara tanggapin lahat ng galit na ibabato mo sa ‘kin. I'm willing to wait until you forgive me, kan– “Fvck that forgiveness! Mapapatawad lang kita kapag umalis ka sa harapan ko! Bumalik ka sa pamilya mo at wag na wag kang magpapakita sa akin, Valderama.” mariing singhal nito. Agad na gumapang ang sakit sa mga mata ng binata dahil sa itinawag ng dalaga sa kanya. She used to call her on his name. But now, she's using that last name, the last name she hated the most. “My life was already a living h*ll. And still, you dare to show your face in front of me? What kind of spirit do you possessed, Valderama?” hindi makapaniwalang ani Kaniah. “Crossed the line and disturb me again, I will make your rest, Forever. I'm sure you know exactly who k*lled some of your relatives. Malapit ko na silang maubos, kaya wala ng rason para manatili kang buhay.” muling saad nito. Maya-maya ay pareho silang napalingon sa kaliwang direksyon dahil sa biglang pagsulpot ng Boss ni Kaniah. Nakatitig ito sa dalaga at nakikipag-usap sa kanya sa pamamagitan ng kanilang mga mata. Walang magawa ang dalaga kundi ang ibaba ang kanyang b*ril at mabilis na pumasok sa loob ng kanyang kwarto at pabatong isinara ang pintuan nito. “Sorry about that, Reese.” Saad ng Boss. Tipid na tumango si Reese, “It's okay Sir, I understand her very well.” Matapos sabihin iyon ni Reese at muli siyang bumaling sa pintuan ng kwarto nang dalaga. Sandali niya pa iyong tinitigan bago nagsimulang tumalikod at umalis sa lugar na iyon. TO BE CONTINUE
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD