KANIAH'S POV
As I stood before my sister's grave, ang araw ay nagbibigay ng malungkot na liwanag sa lapida. Naramdaman ko ang pamilyar na sakit sa dibdib ko, ang bigat ng sisi at lungkot na dumudurog sa akin. Ipinikit ko ang aking mga mata, sinusubukang itaboy ang alaala, pero kahit anong gawin ko ay nananatili pa rin iyong nakatatak.
I had just arrived from school, the ordinary day suddenly turned into a nightmare. The moment I opened the door, I was met with a scene that would haunt me forever.
Nakita ko ang kapatid ko, ang kanyang mga mata ay napupuno sa takot, ang kanyang tinig ay nananawagan sa mga taong wala kaming balak tantanan.
"Pakiusap, huwag niyo siyang saktan! Ako na lang ang saktan niyo kapalit ng kalayaan niya! Nakikiusap ako!”
Those words were etched in my mind, a painful reminder of what happened. Years had passed, but the memory still felt like it happened yesterday.
Ang kanyang mga sigaw ay patuloy na umaalingawngaw sa aking isipan, na nagpapahirap sa akin hanggang ngayon. Naramdaman ko ang pamilyar na sakit sa dibdib ko, ang bigat ng sisi at lungkot na dumudurog sa akin.
Ipinikit ko ang aking mga mata, sinusubukang itaboy ang alaala, pero nanatili ito, at hindi ko magawang kalimutan. Ang sakripisyo ng kapatid ko ay magpakailanman na nakaukit sa aking isipan, isang masakit na paalala ng kung ano ang nawala sa ‘kin.
Kaya’t hanggang ngayon ay hindi ako matahimik, gabi-gabi akong dinadalaw ng bangungut at hindi ko alam kung hanggang kailan ito mananatili sa utak ko.
“Konti na lang at makakamit na natin ang hustisyang nararapat para sa atin, Rina.” Saad ko habang nakatingin sa kanyang puntod.
Ilang minuto pa akong nanatili roon hanggang sa nakapagdesisyon akong magpaalam na dahil kailangan ko nang umuwi. Ngunit, nang makailang hakbang pa lamang ako ay natanaw ko ang isang pamilyar na tao sa aking harapan. Ang galit ay nagsimulang gumapang sa buong sistema ko, ang aking hakbang ay mas lalong bumilis.
Nagtagpo ang aming mga mata at hindi ko mapigilang mapatiim-bagang ng makita kong ngumiti ito sa akin.
“Karyl—
“Ang lakas ng loob mong magpakita sa harapan ko!” galit kong bungad sa kanya kasabay ng paglagapak ng aking kamao sa kanyang pisnge.
Hindi ako makapaniwala na pagkatapos ng ginawa niya sa aking magkapatid ay mag gana pa siyang iharap ang kanyang pagmumukha sa akin.
Napangisi ako ng mahagip ng paningin ko ang namumuong d*go sa kaliwang labi niya. Nakatutok ang aking b*ril sa kanya at handa na akong iputok iyon kapag nagpupumilit pa siya sa kanyang gusto.
“Sobrang tagal na no’n, Ana–
“Hindi kita itinuring Ama! Kaya wag na wag mo akong tatawaging Anak! Dahil sa araw na ipinagkaluno mo kami sa mga dem*nyong iyon ay siya ring araw kung kailan naputol ang ugnayan namin sa inyo!” nang-gagalaiting sigaw ko.
Hindi siya makagalaw at nanatiling nakatingin sa akin. Ang kanyang mga mata ay nagbabadyang kumuha at tiyak kong babagsak iyon kahit ano mang oras.
Pero wala akong pakialam. Ngayon pa siya magpapakita sa harapan ko kung kailan huli na ang lahat at wala na ang kapatid ko.
“Handa akong pagbayaran ang lahat ng kasalanan ginawa ko sa inyong dalawa ng kapatid mo, Karylle. N-nakikiusap akong bigyan mo ako ng p-pagkakataon upang m-makabawi sa iny–
“Edi dapat mam*tay ka!” pigil ko sa kanya.
Bakas ang matinding gulat sa kanyang mukha dahil sa sinabi ko, at bahagyang nanlaki ang mga mata niya habang tinitingnan ako.
“Gusto mong makabawi? Then you have to d!3. Ngunit, kahit mam*tay ka pa ay hindi pa rin kita mapapatawad! Kayong lahat na sumira ng buhay ko! Kayong mga dem*nyong sumira ng katauhan ko, kayong mga taong nag-alis ng karapatan sa akin upang sumaya!”
Habang sinasabi ang mga salitang iyon ay pinipigilan ko ang aking sariling maluha. Isa ito sa mga bagay na hindi ko maintindihan, bakit kung kailan wala na ang taong siniraan nila ng buhay ay saka sila magpapakita at hihinge ng kapatawaran.
Kung kailan huli at sira na ang lahat ay doon lang sila lilitaw.
Kung kailan ay tuluyan na akong nawala sa katinuan ay doon lang sila haharap sa akin at lumuhod sa harapan ko.
Sobrang daming katanungan na tumatakbo sa isip ko. At iilan lamang roon ay kung bakit ngayon pa?
At kung bakit hindi nila iyon magawa sa mga panahon na nasa madilim na sulok pa lang kami at sinusubukang makalimot?
At kung bakit ngayon pa kung kailan hindi ko na kailangan ang mga iyon ay dahil ako na mismo ang maghahanap ng hustisya at ako na mismo ang kikilos para tapusin silang lahat.
“Karyl–
“P*tangina! Wag mo akong tawagin sa pangalan na ‘yan!” sigaw ko at dalawang beses na kinalabit ang b*ril, dahilan upang makagawa iyon ng ingay.
“Ayaw na ayaw kong marinig ang pangalan na ‘yan, lalong-lalo na kung galing d'yan sa marumi mong bibig!”
“Isinusumpa ko ang pangalang ‘yan at isang malaking kawalang hiyaan ang maging kadugo mo!” mariing saad ko sa mismong pagmumukha niya.
Mula sa pagiging emosyonal ay agad na nag-uban ang aking ekspresyon at naging seryoso iyon.
Bumaba ang tingin ko sa bulaklak na hawak niya, kusang gumalaw ang katawan ko at kinuha iyon.
“Hindi pwede makapasok ang mga basurang ito dito,” walang kasing lamig kong saad at nilagpasan siya.
Habang naglalakad ko at pinagbab*ril ko ang bulaklak na dala niya at nang tuluyan iyon masira ay itinapon ko iyon sa basurahan at agad na dumiretsyo sa aking sasakyan.
At eksaktong pagkapasok ko sa aking kotse ay tumunog ang aking cellphone, kaya kaagad ko iyong sinagot.
“Saan ka na? Bilisan mo na dahil may lalakarin tayo ngayon,” Bungad ni Aerl.
Hindi ako sumagot at binabaan siya ng linya, kasunod niyon ay ang mabilis kong pagpatakbo ng aking sasakyan. Hindi ako lumingon-lingon pa at nakatutok lamang sa harapan at seryosong nagmamaneho.
*****
“Putcha! Tirhan mo naman ako!” Asik ni Aerl ng wala na siyang maabutang kalaban.
Tipid ko siyang nginisihan at muling nagpatuloy sa aking paglalakad Hanggang sa narating ko ang basement.
Kumunot ang aking noo ng makita ko ang isang senaryo na nagpaalala sa akin ng aking nakaraan. Natigilan ako at hindi makagalaw ng bumungad sa akin ang ilang bilang ng babae.
Nakatali at gutay-gutay ang mga damit.
“P-pakiusap…. W-wag niyo p-po kaming s-saktan,” umiiyak nitong saad.
Humakbang ako nang isang beses, ngunit agad rin akong huminto ng makita ko ang pagdaloy ng takot sa mga mata nila.
“Kani– what the h*ll,” rinig kong boses ni Aerl, mula sa aking likuran.
Nakatitig lamang ako sa kanila at sa bawat segundong lumilipas ay mas lalo akong nakaramdaman ng pait. Ang iilan sa kanila ay mga bata pa, at ‘yon ang mas nakakagalit.
“P-please po, p-pagod na p-pagod na p-po ako,”
Parang dinurog ang puso ko nang marinig ko iyon sa mas bata sa kanila. Hindi ko na napigilan ang kusang paggalaw ng mga paa ko at agad na lumapit sa direksyon nila.
Mahigpit kong niyakap ang mas maliit sa kanila. Sobrang higpit niyon, hindi ko alam kung napapagaan ko ba ang loob niya o nasasaktan ko na siya dahil sa higpit ng pagkakayakap ko sa kanya.
“Nandito kami para iligtas kayo, kaya wag kayong matakot,” mahinahong bulong ko.
Ilang sandali pa ay lumingon ako kay Aerl, nakamasid lang din ito sa amin at nasa kanyang likuran ang aming mga tauhan.
“Take the girls, at dalhin mo sila sa hospital. Siguraduhin mong may mga tauhan tayong magbabantay sa bawat kwarto na kalalagyan nila.” Saad ko at tumango naman siya.
Napangiti ako ng hindi bumitaw sa pagkakayakap sa akin ang isang batang babae. Kaya bahagya ko siyang inilayo upang silipin ang kanyang mukha.
“Huwag kang matakot,” saad ko at hinawakan ang kabilang pisnge niya. “Mga kaibigan ko sila at babantayan nila kayo. Kaya sumama na kayo sa kanila at maya-maya ay susunod ako sa inyo.” pagpapagaan ko ng kanyang loob.
Kaagad na ngumiti ang bata at kaagad na lumapit kay Aerl.
“Bilisan niyo na, pasasabugin ko muna ang lugar na ito bago ako umalis.” Usal ko.
Tumango si Aerl at nagsimula na silang maglakad palabas ng basement. Agad kong inilabas ang mga kagamitan na nasa loob ng aking bag at isa-isang in-install ang Bomba.
“I'll be turning this place into h*ll, tutal mga dem*nyo naman kayo.” saad ko at nagsimulang maglakad palabas ng basement.
At nang tuluyan akong makalabas at pinindot ko na ang botton at agad na umaalingawngaw ang malakas na tunog ng pagsabog.
TO BE CONTINUE