Saveena's POV Hindi ako makapaniwala. Akala ko...akala ko si Jhunrey lang ang nawala sa amin. Pero... Pati pala ang mga kaklase namin na naiwan dito ay napahamak din. Mukhang sobrang dami nang nangyari kanina .. Kaya naman hindi ko nanaman napigilang umiyak. Natigilan kami nang bigla kaming nakarinig nang isang sigaw. "S-sino kaya yun?" Bakas ang takot na saad ni Angel "Tara puntahan natin" Ano?! Nababaliw na ba siya ? "What?! Hindi mo ba iniisip na baka tayo naman ang mapahamak Paul ?!" Nangangalaiti kong saad . Muntika-muntikan na ako kanina, at akala ko talaga hindi na ako maliligtas pa . "E ikaw ! Hindi mo ba naiisip ang mga kaklase natin na ngayon ay nasa kalagayan mo lang kanina na nais makaligtas!? Hindi ba dapat tulungan din natin sila gaya ng ginawa naming pagtulong s

