bc

Class 103

book_age12+
294
FOLLOW
1K
READ
revenge
dark
drama
tragedy
mystery
scary
straight
supernatural
horror
school
like
intro-logo
Blurb

Transfer Student si Jasmin Fajardo sa Kirin Art Academy , Eskwelahan na akala niya ay Normal ngunit hindi pala . Eskwelahan na hindi mo gugustuhing mapunta ang napuntahan niya.

Ano ang gagawin niya kapag nalaman niya ang Sikretong itinatago ng Class 103? Tatakas ba siya ? O isa siya sa lulutas ng Problema kahit na buhay na niya ang nakataya. Tunghayan ang misteryo sa likod ng Class 103.

chap-preview
Free preview
Chapter 1:The Dream
P R O L O U G E Masaya Normal Maayos Isa sa mga diskripsyon ko sa Eskwelahan na kinatatayuan ko ngayon. Pero hindi .... Matapos ang ilang buwan na paglipat ko dito halos hindi na tumahimik ang dati'y normal kong buhay .. Ang buhay na hindi ko inaakalang aabot sa ganito.. bakit?! Ano pa?! Ano pa bang kailangang mangyare? Ano pa bang susunod?! ilan pa ba? Ilan pa ba ang kaylangang mamatay? s**t! Bigla na lang tumulo ang luha ko na kanina lang ay namumuo, nahihirapan na ako, naguguluhan. Ano ba tong napasukan ko? Ano ba talagang meron sa Class 103? -- JASMIN's Point Of View Una kong nakita ang madilim na lugar, teka nasaan ba ako? "Ma? Ma?!" Pagtawag ko agad kay Mama. Pero teka, bakit ba ang dilim? Nag lakad-lakad pa ako habang kinakapa ang paligid dahil wala talaga akong makita, naghihintay na may mahawakan para mabuksan ko ang ilaw. *sniff* *sniff* "Sino yan? Ma?" Nakarinig ako ng pagsinghot, maya maya ay humihikbi—parang lalaki. Nag lakad-lakad pa ako hanggang sa may na-aninagan akong liwanag, nagmadali akong pumunta duon at napadpad ako sa isang lugar na may poste, nakabukas ang ilaw nito na siyang nagbibigay liwanag sa lugar na iyon, pero nasaan ba talaga ako? Lumapit pa ako ng kaunti at may nakita akong isang pigura. Pigura ng lalaki, marahil ay siya yung umiiyak kanina. "Ahmm, Excuse me po? Nasan po ako?" Pero hindi niya ako nilingon kaya lumapit pa ako ng kaunti. Hahawakan ko na sana ang likod ng lalaki ng biglang humarap ito na siya namang ikinagulat ko . WALANG MATA ANG LALAKI! Tatakbo na sana ako dahil sa gulat pero hindi ko alam kung paano niya ako nahawakan, di ko mai-alis ang kamay niya sa braso ko, bigla niyang ibinuka ang kanyang bibig at biglang may lumabas dito na isang tunog "Aaaaakkkkkkkkkkk" yun lang ang lumalabas mula rito, parang tunog ng pinto na bumubukas ng dahan dahan. Nakakakilabot! "Bitawan mo ako !! Bitawan mo ako ! Ahhhhh!" Pilit ko pa din itinatangal ang kamay niyang duguan na nakahawak sa Braso ko Pero umiling siya ng dahan dahan ni hindi ko na alam ang gagawin . Sa sobrang takot ay sinapak ko ang mukha ng lalaki nang—. *Kriiinnngggggg Krinnnggggg* Bigla akong napabangon na ang bilis bilis ng t***k ng puso ko, mabilis ko ding hinabol ang hininga ko, dahil na din sa kaba na nararamdaman. Bangungot nanaman ! akala ko totoo na, ilang gabi na din akong binabagabag ng panaginip na iyon. Napagpasiyahan ko nang bumangon at tutungo na sana sa ibaba upang mag-almusal, kinakailangan ko na din kase maghanda para pumasok, pero hindi ko pa tuluyang nabubuksan ang pintuan ng kwarto ko ay bigla akong nakarinig nang isang bagay na tila ay nabasag. "SIGE ! MAGHIWALAY NA TAYO !!! WALA KADIN NAMANG KWENTA !" Napabuntong hinga na lang ako nang marinig ko ang aking ina na sumisigaw nanaman, hayy.... Ang aga-aga pero pag-aaway agad ang inaatupag nila! Kahit kelan talaga oh!. Ako si Jasmin Fajardo at Welcome sa buhay ko. Ang babaemg sumisigaw kanina ay ang aking butihing ina at inaaway niya ang aking butihing ama. Dahil na din sa nagaganap sa baba ay hindi na lang ako nagpasyang tumuloy at kinuha ko na lang agad ang tuwalya ko para maligo. Naalala ko nanaman yung panaginip ko kanina , parang totoo. Iwinaksi ko na iyon sa aking isipan at tinuloy na lang ang paglalakad. Pumasok na ako sa CR para maligo, nang sa ganun ay makapasok na ako at makaalis sa bahay na ito, alam kong mamaya pa matatapos ang Pag-aaway nila , at kung maari ay iniiwasan kong madawit dito. Mabilis akong kumilos para maisakatuparan ang kanina ko pang gustong gawin. Mukhang tapos na yata ang away nila? Hindi ko na naririnig ang sigawan e. Mabilis kong kinuha ang bag ko at mabilis din akong bumaba ng hagdan at tinungo ang pintuan. Pero katulad kanina ay hindi ko nanaman ito natuloy dahil sa sinabi ni mama na nakapagpatigil sa akin. "Jasmin Huwag ka nang pumasok dahil lilipat ka na ng school" sabi niya na siya namang nag pa buka ng aking bibig ANO?!! Ano bang iniisip niya ? Male-late na ako oh! Kung kelan naman talaga! "H-ha? Ma ! Kaka Start pa lang ng Pasukan ? Tsaka yung Voucher paano ?!" "Hindi ko na kayang makasama ang ama mo , hirap na hirap na ako , aalis tayo at isasama kita , iiwanan na natin yang tatay mo" sabi niya sa akin na may naluluhang ekspresyon. Pero....peroo...... Ugh! Kahit kailan talaga hindi nila iniisip ang kalagayan ko . "Ma ?! Paano yung Pag-aaral ko ? First batch pa naman ako ng K-12 ? Baka di na ako makapag-aral dahil baka mawala yung Voucher ko" medyo napataas na tono na sambit ko, sino ba namang hindi magugulat na out of nowhere bigla na lang siyang magdedesisyon na ilipat ako ako ng School. Kasalukuyan ako ngayong nag-aaral sa Prosperity Academy, and para sabihin ko sa inyo na kaka-start pa lang ng klase nitong mga nakaraang buwan lang. "Gagawa ako ng paraan, kakausapin ko ang Tito mo at ipapapasok kita sa Eskwelahan na pinapasukan niya, Hintayin mo ako at magbibihis lang ako, Pupunta tayo sa School mo ngayon" Tila hindi na ako makagalaw sa kinatatayuan ko ngayon, mukhang papasok ako ngayon sa School ko, hindi para mag-aral, kundi mag-aasikaso ng requirements ko. Hindi na din ako naka angal pa kase alam ko na kapag ganun na ang tono ng boses ni Mama ay wala na akong magagawa. Kaya naman, hinintay ko na lang siyang bumaba para tuluyan na kaming umalis. ————— Hinihintay ko si Mama sa labas ng Facualty Room, inaasikaso na niya ang paglipat ko ng School. Kinukuha na niya ngayon ang mga Requirements ko, nagulat pa nga ang ibang teacher's dun kung bakit daw ako lilipat , mabuti na lang at naroon din ang adviser namin kaya naman napabilis ang pag-aasikaso. Hindi na din ako pumasok sa klase ko, kase nga lilipat din naman ako ng school, Ilang minuto pa akong nag-hintay bago lumabas si mama habang hawak-hawak ang isang brown envelope. Hindi na din naman kami nagtagal at agad na umuwi, nagimpake at umalis ng bahay na hindi alam kung nasaan si Papa. Itutuloy...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.5K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.3K
bc

His Obsession

read
104.3K
bc

The naive Secretary

read
69.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook