Jasmin's POV
Katulad nang sinabi ni Mama ay umalis na nga kami sa bahay namin ,mga tatlong oras ang biniyahe namin bago makarating sa bahay ng lola ko kung saan pansamantala daw kaming maninirahan bago siya makahanap ng bahay
Pagkarating namin ,agad naman akong nagmano kay lola
"Aba't talagang tinuloy mo na ang balak mong, hiwalayan ang asawa mo " sambit ni loa, habang nagmamano ako sa kanya.
"Puro naman kase pag lalasing ang inaatupag! sawang sawa na ako "
Sabi naman ni mama na mukhanh bumalik nanaman ang pagkainis at naalala ang mga nangyari.
pumasok na ako sa bahay para uminom ng tubig
at sumunod naman sina Mama at Lola, naupo sila sa sofa na naroon sa sala at ako naman ay nagtungo ng kusina para uminom.
"Oh e ano ang balak mo kay Jasmin ? Dahil sa pag aaway niyong dalawa e pati anak niyo nadadamay "
Singhal nanaman ni lola kay mama.
Hayyst… Buti pa si lola inaalala yung kalagayan ko, samantalang si mama ....
"Kinausap ko na si Oli ipapasok daw niya dun sa School na pinagtuturuan niya , Dala ko na lahat nang kaylangang asikasuhin at sa Lunes papasok na yan si Jasmin"
Sagot ni mama habang paakyat ng hagdan.
Narinig naming pumasok na si mama sa kwarto dala ang mga gamit namin para ayusin.
"Oh sige Apo kumain ka na diyan may iniluto akong Adobo para sa inyo sandali lang at aayusin ko ang mga halaman ko "
"Sige po lola "
At lumabas na nga si lola
,pumunta naman ako sa kusina para kumain .
Pagkatapos kong kumain ay agad naman akong nag bukas ng Internet, sobrang Boring kase walang Internet dito hindi kagaya sa bahay .
Chi-nat ko ang mga dati kong Classmate kahit na Dalawang buwan ko lang silang nakasama ay naging Close ko naman silang lahat .
Maya-maya ay may pumasok na lalaki sa bahay , si tito Oliver pala
"Oh Jas nasan ang mama mo ?"
"Nasa Taas po Tito"
"Ah, oh kumusta naman ?"
Tanong niya habang umupo sa Sofa.
"Okay naman po tito , kaso sina mama hindi e"
"Okay lang yan . Maaayos din nila yan normal lang yan sa mag asawa , Nga pala naayos ko na yung sa School na papasukan mo pwede ka nang lumipat kaya kukunin ko na ang mga Requirements mo sa mama mo at ako ang mag aasikaso "
Saad niya kaya pala siya nandito, bumaba na din si mama at nag kamustahan naman sila tsaka ibinigay ang mga Requirements ko at agad namang Umuwi si Tito Oliver.
"Oh sige na anak Bukas ay pwede ka na daw pumasok kahit na naka Sibilyan ka pa , sasamahan naman kita kase bibili tayo ng Uniform"
"Okay po "
Sagot ko at aakyat na din sana ako sa kwarto para mag pahinga nang...
"Ah anak pwede ba kitang makausap?"
Agad naman akong bumalik duon
"Ano yun ma ?''
Huminga muna siya ng malalim bago siya nag pakawala ng isang buntong hininga
" pasensya ka na ha ? Alam ko namang nadadamay ka sa away namin ng papa mo , pero kase ... hindi ko na kaya ang makasama pa siya .. alam mo naman ang hirap ko sa tuwing umuuwi siya nang lasing "
Sabi ni mama saakin na pa iyak na , agad naman akong nakaramdam ng awa sa kanya.
"Ma, okay lang naiintindihan po kita "
at niyakap ko siya at niyakap niya din ako
"Salamat anak.. salamat ,o sige na, umakyat ka na at mag pahinga maaga pa tayo bukas "
Habang kumakalas sa yakap namin, kaya umakyat na ako at nahiga sa kama ko
habang nag iinternet ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
----
Madilim ..
Wait .. na-nasaan ako ?
"Tao po ??"
Mulat na mulat naman ang mata ko pero wala talaga akong makita kahit na anong liwanag .. parang black out na ewan..
"Mama ?? Lola ?"
Pero walang sumasagot .
*sniff* *sniff*
may sumisinghot na sinundan naman ng mahinang pag hikbi
"Sino yan?"
Kinakabahan na tanong ko
"Wala akong ginagawang masama " sabi ng hikbi pero pabulong , unti unti ako nakakita ng liwanag
Isang lugar.... nasa kalsada ako .. at may Nakatayong poste, na may bombilya na siyang nagbibigay ng ilaw sa lugar na ito , teka ? Parang al--
Nang may humawak sa paa ko , nakita ko ang isang kamay ..
Isang DUGUANG KAMAY !!! kamay ng isang LALAKI ! kitang kita ko din ang nag mamay ari ng kamay , unti unting tumaas ang ulo nang lalaki at tumingin sakin na labis kong ikinagulat
Yung LALAKI , WALANG MATA ! umiling siya nang dahan dahan at ibinuka ang bibig niya at narinig ko nanaman ang tunog na nangagaling sa bibig niya "Aaaaaaaakkkkk" parang tunog nang pinto na unti unting bumubukas
Hindi ako makagalaw sh*t ! Nababangungot nanaman ata ako !
"MAAAAAAAAAAAAAAA!"
"Jasmmin !! jassminn! Anak ! Gising !"
Sigaw ni mama At agad akong namulat , ang bilis nang t***k ng puso ko . Nakita ko din si lola na pumasok at may dalang tubig .
"Anak ? Anong nangyari??!"
Balisa at nag aalalang tanong ni Mama saakin
"Y-yung L-la-lalaki! W-wala-ng ma-mata" paputol paputol na sabi ko
Binigay naman ni lola ang tubig na hawak niya at agad akong uminom
Pawis na pawis ako at kinakabahn pa din ,nang medyo kumalma ako ay kinuwento ko sa kanila ang panaginip ko
"Hay talaga naman , wag ka na kasing manuod nang mga nakakatakot apo"
Saad ni lola
"Oo nga anak iwasan mo ang panunuod"
"Pero ma , hindi naman po ako nanunuod ng katatakutan"
Sagot ko
"Hala sige , magdasal ka na lang at kalimutan ang napaniginipan mo , panaginip lang yun "
Sabi ni lola at lumabas na ng kwarto ko
"Oo nga anak panaginip lang yun , sige na matulog ka na ulit"
At sumunod na din si mama
Ilang oras pa ang hinintay ko bago ako ulit makatulog .
*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*
"KIRIN ART ACADEMY"
Basa ko sa nakapaskil na Pangalan ng eskwelahan namin
" Oo dito ka mag aaral sa school na to "
Saad ni Tito Oliver na kasama namin ngayon ni mama
Pumasok na kami sa School at hindi maipagkakaila na napakaganda nga nitong eskwelahan at malaki din
Dumeretso kami nina mama at tito sa harapan ng isang Room .
"Jasmin ito ang magiging Room mo inasikaso ko na lahat ng Requirements mo , ito na din ang magiging Section mo for the Whole Year" sabi ni Tito Oliver nang nakangiti .
"umuwi ka na lang agad pagkatapos ng Klase mo , ako na din bibili ng Uniform mo para bukas naka uniform ka na "
sabi ni Mama at agad na nag paalam samin ni Tito.
Pumasok kami ni Tito sa Loob at natigilan ang lahat sa ginagawa nila
"Maam Mila Goodmorning , she's the new student "
Ngumiti naman ang babaeng nasa harapan namin na tinatawag ni Tito na Ma'am Mila
"Ah sige Sir ako na pong bahala"
Sabi ni ma'am Mila
"Okay ma'am Thank You"
Sagot ni Tito , bago lumabas ay sinabi saakin ni tito na kapag Breaktime ay Puntahan ko siya sa Faculty sa Ground Floor daw at siya daw mag to-tour sa akin.
At tuluyan na ngang lumabas si Tito
Nanatili naman akong nakatayo sa harapan .
"Okay Class She is your New Classmate . Please Introduce your self "
"GoodMorning My name is Jasmin Fajardo 16 y.o Nice to meet you "
Bati ko na nakangiti sa kanila nakikita ko naman na nakangiti din sila
pina upo ako ni Ma'am Mila sa bakanteng Upuan . At agad na umupo ,nag disscus lang si ma'am.
Math pala ang Subject niya hindi nagtagal ay agad namang natapos ang klase at kinausap ako ng katabi ko .
"Hi SAVEENA nga pala , anong pangalan mo ?"
"Jasmin " ngiting bati ko
"Hahaha di ko kase masyado narinig yung pangalan mo kanina e"
Kaya pala hahaha
Nakita ko namang nagtayuan na yung iba .
"Anong next subject?"
Tanong ko
"Breaktime na , gusto mo samahan kita sa Canteen? sa itaas lang yun"
Breaktime na pala , sana pala ti-nour na lang ako ni Tito .
"Ah hindi okay lang , pupunta kase ako sa Faculty e. I To-Tour ako nung Tito ko, Teacher din kase siya"
"Ahh! Si Sir Oliver ? Talaga ? kaya pala sige sige . "
Aalis na sana ako nang may itanong ako sa kanya
"Nga pala anong Section natin?"
"103, Class 103"
nakangiti niyang sagot
"Ah sige Salamat Saveena"
AT lumabas na ako ng Room.