Jasmin's POV
Sumakay ako ng elevator at pinindot ang 1st floor, sabi kasi ni Saveena doon daw ang Facualty Room, nagsalamin muna ako, kase may salamin sa elevator pag pasok mo. pag kababa ko agad naman akong kumatok sa Glass door, nakita ko naman agad si Tito Oliver.
"Oh ? Bakit nandito ka na ? Tapos na ba Class niyo ?"
Tanong ni Tito
"Opo Tito , Breaktime na po namin , nagulat nga po ako e"
"hahahaha wag ka mag alala kukuhaan kita ng Schedule mo kay ma'am Mila . oh teka hindi ka na ba kakain?"
"Hindi na po , halos kakapasok ko pa lang naman e"
"Oh sige saglit lang ha , Ma'am Cess alis muna ako ha ? I to-tour ko lang pamangkin ko "
Paalam ni Tito sa teacher sa loob, tumango naman ang teacher na kausap niya at agad naman kaming umalis at bumaba ng hagdanan.
Sinimulan na ni tito na i tour ako mula sa Lobby papunta ng Covered court. Yung School namin Isang Building lang siya pero malaki , nasa labas yung covered court.
Tinuro din sakin kung saan nakapwesto ang Registration at mga Cashier , para daw alam ko kung saan ako magbabayad ng tuiton fee.
Umakyat naman kami ni Tito sa At tinuro ulit saakin ang Facualty Room , kapag daw may mga kailnga ako o sasabihin duon lang daw ako dumeretso . at pinagpatuloy namin yun pataas. Dumaan din kami sa Canteen which is sa 6th Floor at ang daming tao, nakita ko ko pa si Saveena at kumaway lang sakin at ginantihan ko naman siya ng ngiti , umakyat naman kami sa 7th Floor ,ang pinakahuling Floor duon naman ang Rooftop at talaga namang ang sarap ng hangin .
"Oh , dito pwede kang gumawa ng mga assignments mo kapag mas gusto mo ng preskong Hangin."
Tumango lang ako kay tito at dinama ang masarap na simoy nang hangin
"Oh Tara na , tapos na ang 1 hour break niyo may next class ka pa, halika na"
Aalis na sana ako sa kinatatayuan ko nang napansin ko ang isang Kwarto, hindi naman siya kalumaan pero , mukhang inabandona na, baka inaayos ? Haha
"Tito ano naman tong Room na to ? "
"Ahh , yan yung lumang Facualty Room ."
"Ahh kaya po pala parang ang g**o"
Dumeretso na si tito sa Elevator at sumunod naman ako, pero ....
Bago ulit ako makapasok naramdaman kong may dumaan sa likod ko... At .. Hindi ko lang siya naramdaman, dahil nakita ko mismo ang dumaan , nakita ko ang repleksyon niya sa salamin . hindi ko alam kung anong i re-react ko . dahil alam kong kami lang ni tito ang tao dito, dahan dahan akong lumingon sa paroruonan ng babae at nakita kong , pumasok siya sa lumang facualty room .
"Jasmin ! Uyy!"
Nagulat naman ako bigla , sa kadahilanan na ako ay tumili .
"Ano pang tinutunganga mo jan ! Ma lelate ka na , pati ako , juskong bata to"
Singhal ni Tito
"O-opo Sorry Tito "
At pumasok na ako sa Elevator.
"Ibaba na lang kita sa 5th kase dederetso ako ng Facualty , kukunin ko pa mga gamit ko "
"Okay po Tito , Salamat po pala "
*ting*
Bumukas na ang elevator at ako'y bumaba na .
Hindi na ako nag-abalang magtanong kay tito kung sino ba ang nakita ko, dahil alam ko.... alam kong maguguluhan lang siya, alam ko ang nakita ko.
Isang babaeng naka unipormeng Guro . At ito'y duguan.
---ROOM----
Nandito ako ngayon sa upuan ko , tahimik , wala naman kaseng teacher . Sobrang nagmamadali ako kanina pero wala naman pala. Medyo kinikilabutan pa din ako kase, hindi ko alam kung ako ba ang may problema o sadyang may nagpapakita lang talaga sa Eskwelahan na ito . Nawala ang pagmumuni muni ko nang kinilabit ako ni Saveena.
"Bakit?"
Tanong ko .
"Ha? Anong bakit ? hahaha wala ka ba sa sarili mo ? Kanina pa kita kinakausap e , sayang lang pala laway ko kanina Hahaha"
"Ahh pasensya ka na , may iniisip kase ako "
"Halata naman e duhhh"
Sabay Roll ng mata niya , hahaha medyo may pag ka kwela pala itong si Saveena.
"Hi Jasmin ako nga pala si Caryl" pakilala ng isang babae "
"Hello" bati ko naman sa kanya at nakipag shake hands , naka offer kase ang kamay niya .
"Pwedeng maki-upo?"
Tanong niya
"Sus ! Ang bait mo ngayon ah ?" Puna naman ni Saveena
"Aish! Panira ka e noh ! I'm Trying to be Kind!"
"HAHAHA joke lang ito naman"
Tawa naman ni Saveena.
Umupo naman agad si Caryl
"So , Jasmin bakit ka lumipat ?"
"Ahh kase--"
"Ano namang pakialam mo ha ?"
Biglang singit naman ng isa pang babae
"Myghad Adee! Eepal ka rin ba ha ?!" -Caryl
Tapos nagtawanan yung Adee at si Saveena
"E bakit mo ba kase tinatanong ha ?" Pabirong sabi ni Adee
"Ano bang pakealam mo!" Sabay tayo ni Caryl at lumabas ng Room.
"Hahahahahahaha ! Patay ka nanaman adee , nagalit nanaman sayo "-Saveena
"Hayaan mo siya hahahaha hindi naman marunong makisama"
Sagot ni adee, sabay upo sa upuan kung saan umupo si Caryl kanina.
"Hi Jasmin ako nga pala si Marydelle , pero tawagin mo na lang akong Adee "
"Ahh sige. Hello" ngiti ko namang bati sa kanya.
"So Jasmin , bakit ka naman lumipat dito ? Aray!!"
"HAHAHAHAHA baliw ka rin e noh, nung si Caryl ang nagtanong kinuwestiyon mo tapos mag tatanong ka din pala " tumawa nanaman si Saveena , binatukan niya kase si Adee.
"Eh bakit ba , e sa gusto kong malaman e " sabay Roll ng mata
"Oh galit na yan oh , galit na yan oh"-Saveena
"Hahahaha Joke lang , hindi naman ako si Caryl"
Tapos nagtawanan naman silang dalawa. Natigil ang pag tatawanan nila nang biglang may pumasok na teacher , next class na siguro ulit .
"Hala , adee , wala pa si Caryl"
Puna ni saveena, kinilabit niya kase ito sa upuan
"Babalik din yun hehe"-adee.
Third Person POV.
Pagkalabas na Pagkalabas ng Kwarto ay agad na tumakbo si Caryl sa CR pero may nakalagay na sign na nililinis pa ito kaya bumaba siya sa 4th Floor para duon umihi, (A.N: Sa bawat Floor may CR. Pero syempre separate pa din yung boys sa girls, ganun kase sa school namin e, hehe Hello sa mga STI'ers )
Walang tao sa hallway , kase lahat may klase na , pumasok siya sa CR na inis na inis pa din , oo aminado siya na mabilis siyang mainis sa mga bagay bagay pero anong magagawa niya yun siya e, yun yung nararamdaman niya, hindi siya O.A , ganun lang talaga kaliit ang temper niya.
"Hayst! Bwesit na Adee at Saveeng yun ! Badtrip! Nalakahiya tuloy kay Jasmin ! Ang e-epal kase ! "
Ayaw niya kase sa lahat e yung pinapahiya siya kaya hindi na niya napigilan ang sarili kundi mag dadaldal sa harapan ng salamin.
Pumasok siya sa isa sa mga cubicle na yun na nakasimangot pa din ang mukha, narinig niyang nagbukas ang pintuan senyales na may pumasok.
Nag flash na siya at lumabas ng cubicle at muli ay tumingin sa harapan ng salamin , nilabas niya ang lipgloss at naglagay ng kaunti sa labi , kung anong ikinabilis nang inis niya ay siya din namang bilis na mawala ito.
Inayos ng kaunti ang kanyang buhok at nag hugas ng kamay, habang nag pupunas ng kamay ay laking gulat niya nang biglang dumaan ang isang teacher sa likod niya at halos hindi siya makagalaw nang tumingin ito sa salamin . Ito ang Guro nila sa HTML ,si Ms.Tyne
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Ang guro nila na Dalawang Buwan nang Patay.