Jasmin's POV
Pagkatapos ng isang subject ay agad naman kaming lumabas para sa susunod na breaktime, this time ay sumama ako kina Saveena pinakilala din nila ako sa mga kasamahan nila Si Heidi, Si Rina at Si Jhunrey. Ika nga ni Adee si Jhunrey daw ang nag iisang Sang're sa kanila, kaya naman nag-eenjoy ako sa company nila .
"T-teka ? Paano yung bag ni Caryl ? Hindi pa pala siya bumabalik since nung nag walk out siya" saad ni Heidi lalabas na sana kami ng room nang bigla siyang nagsalita. Nagkatinginan pa ang lahat bago nagsalita si Rina.
"Oo nga T*ng-ina kase neto ni Adee e, ang lakas ng Trip, alam mo namang madamdamin yun"
"Sus kasalanan ko ba yun , marunong din dapat siyang sumabay sa mga Trip natin" pag-depensa naman ni Adee sa sinabi ni Rina.
Dahil siguro sa pagtatalo nina Adee ay napagpasiyahan ni Heidi na siya na lang ang kumuha. Ibibigay na lang niya siguro mamaya kay Caryl. Nasa kalagitnaan na kami ng pasilyo nang bigla namang napasigaw ng impit si Jhunrey, kaya napatingin kami sa kanya.
"Ay Bhe yung Statistic ko pala naiwan ko"
"Siraulo ka talagang bakla ka ! Puntahan mo na kokopya pa ako sayo" sigaw ulit ni Rina na parang walang pakialam kung may makakarinig ba sa kanya.
Natatawa naman ako ng bahagya kase dalawang buwan pa lang naman sila nagkakasama e, ang close close na nila sa isa't-isa yung tipong hindi nila minamasama yung mga sinasabi nila.
"Ito si Rina, Hoy ! " saway ni Saveena nang madinig ang sinabi ni Rina, siguro kase nagmura ito kanina, napansin ko naman na nag peace sign pa siya kay Saveena at inirapan naman siya nito. Hay ang kukulit naman nila.
Agad namang binalikan ni Junrey ang notebook at agad naman kaming pumunta sa canteen nang makuha na niya ito. Pagdating naman doon ay humanap agad kami ng mapwe-pwestuhan at madali namang um-order sina Adee, sila na kasi ang nag-boluntaryo na bibili ng kakainin namin. Nakabalik naman sila agad at mabilis na nilantakan ang mga nakahain, mabuti na lang talaga at kakaunti pa lang ang naritong mga istudyante.
Habang kumakain kami e lumapit ang isa naming kaklase. Kung hindi ako nagkakamali Jeffrix ang pangalan niya.
"Adee! adee! " hinihingal niyang sambit habang papalapit sa amin. Puno naman kami ng pagtataka kung bakit ba ito nagmamadali.
"Bakit?" Tanong naman ni Adee na katabi ko.
"Si Caryl !"
"Oh anong meron kay Caryl ?" Pagtatanong na din ni Saveena, hindi ko maipaliwanag kung ano ba ang gustong sabihin ni Jeffrix, pero na se-sense ko na hindi ito maganda.
"Pu-puntahan niyo na lang siya sa baba"
Bakas ang takot at kaba sa mukha niya at mabilis naman siyang tumakbo papalayo sa amin. Napatayo naman kami at tsaka tinungo ang lobby.
Nang makababa kami ay gumuhit sa amin ang pagtataka, napakadaming istudyante kasi na akala mo ay may artistang dumating. Lumapit kami sa Adviser namin na si Ma'am Mila. Katulad ni Jeffrix ay nakaguhit din sa mukha niya ang oag-aalala.
"Ma'am ano pong meron ?" Lumingon naman agad sa amin si Ma'am Mila, imbes na sagutin ang tanong ni Heidi ay tinanong niya din kami.
"Diba kaibigan niyo si Caryl?"
Tumango naman sina Saveena, I can't considered naman na kaibigan ko na si Caryl dahil kanina ko lang naman siya nakita at nakilala
"Tawagan niyo Parents niya susugod siya sa hospital"
"What?! Ano po bang nangyare maam?" Napatingin ako kina Saveena at halata ang pag-kagulat sa kanila, now that explains, kaya naman pala ganun na lang ang reaksiyon ni Jeffrix kanina, Actually medyo nagulat din ako pero bakit na-Hospital siya? dahil ba kay Adee?
"E kase nakita siya sa CR nakatulala at takot na takot." Pagpapaliwanag pa ni Ma'am.
Napunta naman ang atensiyon ko kay ma'am Mila, halata sa kanya na naiiyak siya. Hindi naman siguro maiiwasan yun lalo na't advisory niya kami, napalinga pa ang paningin ko sa kabuuan ng lugar, ngayon ko lang napansin na halos lahat pala ng Class 103 ay nandirito na din. Nakita ko din na nagtitipa na sa kanyang sariling telepono si Adee, siguro siya na lang din ang tatawag sa parents ni Caryl.
"Omyghad, ano kayang nangyari?"
"Ayoko nang mag-cr"
Mga bulong-bulungan na naririnig ko sa ibang istudyante, napaisip tuloy ako kung ano bang nangyari kay Caryl?
Pagkatapos nun ay umalis na ang ambulansya at hinatid na si Caryl sa Hospital, sabi nang ilan na naroroon ay nakakapanlumo daw ang hitsura nito dahil tila ay takot na takot ito. Pero sa Ano?
Pinabalik na din naman lahat ng istudyante sa kani-kanilang kwarto. Bago kami bumalik sa room ay kinuha ni Ma'am ang no. ng mga magulang ni Caryl, siguro dahil siya na lang ang kakausap dito.
Thimik lang kaming lahat na nakaupo nang makapasok kami sa kwarto namin, walang nanghas na nag-salita. Dahil na din siguro sa nangyari kay Caryl.
"Ikaw kasi e!" Bulong pang paninisi ni Rina kay Adee
"Baliw, wala na akong kasalanan dun" Depensa naman niya.
Napasandal naman ako likod ng upuan ko, ayaw ko na munang magtanong, baka kung ano pa ang isipin nila sa akin.
'Aaaaaaaaaaakkkkkkkkkk'
Teka...Ano yung tunog na yun?
Lumingon ako sa paligid at tinignan ang mga kaklase ko, pero parang wala naman silang naririnig? Hinayaan ko na lang ito at napabuntong hininga saglit, ipinikit ko na din ang mga mata ko para naman marelax ako ng kaunti. Kaso bigla ko nanaman siyang narinig na tila ay palakas na nang pakas!
'Aaaaaaaakkkkkkkkk'
Sa totoo lang kinikilabutan na ako sa tunog na yun, parang narinig ko na dati. Lumingon ako sa kanan sa kaliwa pero parang wala ding naririning si Saveena.
Tumingin ako sa Likod at ganun din naman ang mga kaklase ko , Si Brix at Renz nag uusap pa din naman.
Humarap ulit ako para sana tignan din sina Adee.
at pagkaharap ko ay halos manigas ako sa kinauupuan ko, hinihiling na sana hindi na ako humarap upang hindi ko makita ang nakikita ko ngayon.
Yung lalaki....
Yung lalaki sa panaginip ko....
Yung lalaking....
.
.
.
.
.
.
.
.
WALANG MATA!!!!!!!!
"Aaaaaahhhh!!!!!" Dahil sa gulat ay bigla akong napapikit at napasigaw. Sobrang nakakatakot! pero,
Hindi ! Hindi maari to ! kung ganun, hindi ko lang pala siya sa panaginip nakikita! totoo siya! Totoo siya!!
"Jasmin!! Jasmin!!"
Bigla kong namulat ang mga mata ko at nakita silang lahat na nakatingin sa akin na may pagtataka, nakita ko din sina Adee na nag-aalala.
"Anong nangyayari sayo ? Okay ka lang ba ? Pinagpapawisan ka" Dinig kong tanong ni Heidi, habol-habol ko pa din ang hininga ko dahil sa pagka-gulat! Oo nga't malakas ang aircon dito pero ramdam ko din na pinapawisan ako, hindi ko makalimutan ang mukha ng lalaking iyon. Bakit?? Bakit ako?!
"Teka ? Anong palabas mo yun ha ?! Kaka transfer mo palang te , lakas na nang trip mo ah ?!" Dinig kong sabi ng isang babae, alam kong boses yun ni Thea, halata sa kanya ang pagka-irita.
"Oo nga may pa sigaw sigaw ka pa jan ? What's that for ?!" Dinig ko ding sabi pa ng kasama niya na si Nikka. Hindi ako makakibo. H-hindi ako makapagsalita. Takot na takot ako dahil hindi pa din ako makapaniwala!
"Guys Tama na yan. Baka mag away-away pa kayo" Nahihiya na din ako kasi nagsalita na si Marvin. Akala niya siguro aawayin ako nina Thea.
Pero ako halos hindi pa din makagalaw, agad akong tumayo at lumabas ng kwarto na takot na takot, Sorry Guys.... Pero hindi ko alam ang mararamdaman ngayin maliban sa takot.
Ano ba siya? Sino ba siya ? Ano bang kaylangan niya ?! s**t naiiyak ako.
Agad akong pumunta sa Facualty Room na dala-dala ang bag ko, mag babakasakaling mag paalam kay tito kung pwede na ba akong umuwi.
Third Person POV
Matapos ang paglabas ni Jasmin ay akma sana siyang susundan ni Saveena pero pingilan siya ni Jhunrey.
"Hayaan na muna natin siya, baka hindi niya pa lang ma-digest ang mga pangyayari" Sambit pa nito, natigilan naman si Saveena sa nais na gawin.
"Anong ma digest?!" Komento ni Adee sa sinabi ng kaklase na naging dahilan upang matawa sila ng impit. Nagtataka pa din sila sa naging reaksiyon ni Jasmin kanina.
Samantala ay nag-ngingitngit pa din sa inis sina Thea dahil sa nangyari.
"Nakakainis naman yung Transferee na yun , anong palabas ba ang ginagagawa niya? masyadong papansin! Duh" Saad ni Thea habang inaayos ang sariling buhok.
Nagawa niya lang namang sumigaw kanina dahil nagulat sila sa biglaang pag sigaw ni Jasmin kanina, halos lahat kase sila ay tahimik at nag-iisip sa kung ano ba ang nangyari kay Caryl, kaya naman umiti talaga ang ulo niya sa ginawa ng babae.
"Kaya nga e, bwesit nakakairita kaya!" Pagsang-ayon pa ni Nikka na kanina lang ay sinang-ayunan din ang kaibigan.
"Girls hayaan niyo na " Mahinahon na sambit ni Aya sa dalawang kaibigan na kanina pa inis na inis.
"AS IF I HAVE A CHOICE! kundi pabayaan lang ang nangyari " Bulalas ni Thea at inirapan pa ang babae. Narinig naman ito ni Adee kaya hindi naiwasang mag-komento ng babae.
"Simpleng bagay lang naman yun jusko, hayaan mo na masyado kang O.A e"
"Anong sinabi mo?! Hindi ako O.A!" singhal agad ni Thea sa narinig mula sa babae, napatingin na ang ilan nilang kaklase dahil bahagya siyang napatayo ng sabihin niya ito. Natawa naman si Adee na mas lalong kinainis ng babae.
"Oh! nadinig mo naman pala e, bat mo pa ako tinatanong?" nakapameywang pa niyang sambit na halatang nang-iinis naman. Sasagot pa sana si Thea nang makarinig sila ng isang malakas na sigaw na nang-galing kay Marvin.
"TIGIL!" Kanina pa talaga ito naririndi sa sigawan ng dalawa.
"Ano bang nangyayari sa inyo?! May malaking problema ba? Meron ba?!..." saglit itong nahinto at tinignan ang dalawang babae na natahimik.
"...Wala naman diba? So anong pimuputok ng butsi niyo!?"
Bilang Presidente ay kinakailangan niya naman talagang mapanatili ang katahimikan ng klase.
Si Thea,Veronica at Aya ang tinuturing na Mean Girls sa klase nila.
"Tss! bakit ba ha Marvin?! Natatakot ka ba ?! Natatakot ka ba na magkagulo ulit tayo ?! ha!? na baka mangyari nanaman ang nagyari last month!?" Hindi paawat na sambit ni Thea. Naiinis siya sa mga nangyayari, naiinis siya sa kanyang mga kaklase!
"Thea ano ba?! Pwede?... Tumahimik ka na lang?!" Biglang singit na din ni Brix nang madinig ang sinabi ng babae
"Ha! Sabi ko na nga ba e, kaya pala lagi tayo pinipigilan ni Mr.President na mag away-away! Ay hindi para magkaroon tayo ng katahimikan dito! Kundi para lahat tayo ay matigil na mailabas ang kasuklam-suklam na sikreto nila! Ang sikreto ng klaseng to! Pwe!"
Saad ni Thea hangang sa lumabas siya ng kuwarto na kasunod naman ng dalawa niyang kasama.
Binalot nanaman nang katahimikan ang buong klase. Walang nais magsalita, lalo na't nabangit ni Thea ang sikreto na pinakatatago nila. Ang sikretong ayaw nang bawat isa sa kanila na lumabas, ang sikretong maaaring maghatid sa kanila patungo sa kapahamakan.
"Mabuti na lang pala, wala dito si Jasmin" bulong ni Saveena kay Adee.
"Kaya nga e, kundi malalaman niya" sang ayon naman nito