Jasmin's POV
Halos dalawang buwan na din ang nakakalipas matapos ang pangyayaring naranasan ko sa School noon, matapos kong umuwi nang araw na iyon ay hindi na naulit pa ang insidente na yun at medyo nakakahinga ako ng maluwag, walang multo , walang masamang elemento.
Habang nag aayos ng gamit ay biglang pumasok si mama sa kwarto ko, kasalukuyan ko kasing nilalagay ang iba kong damit sa isang bag.
"Oh ito pinapadala ng lola mo, baka daw may gusto kang bilhin"
Natuwa naman ako ng bahagya dahil binigyan ako ni lola ng 500 pesos. Fieldtrip kase namin ngayong araw na ito kaya naman maaga akong nagising at nag aayos ng gamit. Ayaw ko namang ma-late at baka maiwanan ako ng Bus.
"Salamat po, nasan po si lola?"
"Tulog pa. i-text mo ako kung nasaan na kayo ha, o kung pauwi na ba kayo"
"Opo ma, sige na po aalis na po ako "
"O sige ingat"
Lumabas na ako ng bahay namin at pumara na ng trycicle, kadalasan kase jeep ang sinasakyan ko kapag may pasok, kaso 4:30 pa lang ng umaga kaya wala pang dumadaan dito.
Pagkababa ko ng trycicle ay nakita ko agad ang napakadaming istudyante na naririto at halatang-halata na excited din ang lahat.
Agad ko namang binuksan ang data ng cellphone ko, i cha-chat ko sina Saveena kung nasaan ba sila. Dahil sa sobrang dami ng tao ay halos hindi ko na makita ang Class 103. Nasan kaya sila?
Kailangan ko na silang mahanap, ngayon pa lang din kasi ibibigay yung mga Bus number nang bawat section kaya maaga din kaming pumunta dito, nag reply naman agad si Saveena at sinabing nasa pangalawang linya daw sila, nasa likod kase ng school nakaparada lahat ng bus , kaya agad naman akong pumunta duon.
"Yow, Jasmin" bati sa akin ni Joshua nang makita ko kung saan sila nakapila."Oy!" nakangiting bati ko sa kanya, nakipag-apir pa ito at agad ko namang tinugunan.
Oo, sa dalawang buwan na nakasama ko sila e masasabi kong naging close na kami, at masaya naman ako dun. Humingi din ng tawad si Thea sa nangyari nuon, hindi naman daw nila iyon sinasadya dahil sadyang nagulat lang daw sila ni Nikka sa pag-sigaw ko, naging maayos na din ang pakikitungo nila sa akin kaya naman kinalimutan ko na ang nangyari.
"Jassssssssssssssssssssssss!"
Sigaw naman ni Caryl ng makita niya ako, May dala-dala siyang Bag na halatang madaming nakalagay. Lumapit siya sakin na nakangiti at ginantihan ko naman.
"Oh? Bakit ?"
"Anong bakit ?! "
pataray na tanong niya.
"Oh galit na yan oh, galit na yan oh" singit naman ni Saveena, nandito na din pala siya.
"HAHAHAHA joke lang sira, Oy Jasmin tabi tayo sa upuan ahh"
"Sige lang " ngiting sagot ko kay Caryl, kahit sino naman sa kanila okay lang sa akin na makatabi sa upuan, kaibigan ko naman na silang lahat.
At Si Caryl, Oo ayos na ang kalagayan niya, matapos siyang isugod sa Hospital ay naging okay din naman siya, halos dalawang linggo din siya dun, kapag tinatanong namin siya kung ano ba talagang nangyari e hindi na daw niya maalala, pero dahil sa may dugong kakulitan itong sina Adee e lagi pa din nilang tinatanong, kaya nauuwi nanaman sa pag kainis ni Caryl. Natatawa tuloy ako sa tuwing naaalala ko ang mukha ni Caryl kapag naiinis na kay Adee.
"Oh, bakit ka tumatawa?" Nakita pala niya na natatawa ako, hindi ko naman pwedeng sabihin na 'Natatawa kasi ako sa mukha mo' kaya sumagot na lang ako ng 'wala' at hindi na niya ako pinansin. Ilang minuto pa ang hinintay namin bago nagsipagdatingan ang mga guro.
Pinapila na kami bawat Section at napunta kami sa Bus #5 at isa isa na kaming pumasok. Airconditioned ang Bus kaya siguradong hindi kami maiinitan, may T.V din doon sa harapan. Buong klase kaming nasa loob ng Bus dahil halos lahat sa amin ay sumama sa Fieldtrip.
"Saan mo gustong pumwesto?"
Tanong sa akin ni Caryl nang mapwesto na kami sa isang bakanteng upuan,nasa pangalawang hilera kami.
"Ah duon na lang sa bintana"
Mabilis ko namang sagot, gusto ko kase talaga sa tabi ng binatana umuupo kapag ganitong nasa Bus ako para nakasandal yung ulo ko sa may salamin habang nakatingin sa labas. Agad naman akong pumunta sa pwesto na yun.
Nilingon ko ang mga kaklase ko at natawa ako sa kanila, kasi hindi pa kami umaalis e kumakain na agad sila ng mga baon nila.
Nakita ko din na magkatabi sa upuan si Rina at Adee at si Heidi at Jhunrey naman ang magkatabi.
Pumasok na yung tour guide namin na nagpakilalang Elizabeth at ganun din naman si Ma'am Mila, nag karoon lang ng kaunting paalala at nagdasal pa bago umalis, isa-isa nang umalis ang mga bus na una sa amin, una muna ang bus #1 hanggang sa amin na.
Isinandal ko na ang ulo ko sa bintana at paunti-unting pumipikit. Inaantok tuloy ako, 5:30 pa lang kasi ng umaga.
Habang umaandar ng mahina ang Bus na sinasakyan namin e nakita ko ang isang istudyante na nakaupo sa Bench, mukang mag-isa lang siyang naroon. Halos lahat kasi e nakasakay na. Baka na-late.
Natawa ako ng bahagya pero mahina lang, siguro hindi pinapasok ang istudyanteng iyon sa bus kase naka-uniform, e dapat naka-wash day T-Shirt lang. Uniform din namin siya pero Black T-shirt siya na sinuot lang namin every Wednesday. And ito kasi ang ni-required nang Asst. Pricipal na suotin naming lahat kaya walang naka-sibilyan. Pinagdala lang kami ng mga extrang T-shirt na pwede naming ipang-palit kapag pinagpawisan kami.
Napatingin sa akin si Caryl na nagtataka at nag-tanong kung bakit ako napatawa, nakita na niya kanina na natawa ako tapos ngayon nakita nanaman niya. Sinabi ko na lang ang nakita ko para hindi niya isipan na nawawala ako sa sarili. Bahagya din siyang natawa nang sabihin ko iyon, pero naawa din siya ng bahagya, kase sayang daw yung pinambili ng ticket ng lalaki pero naisip na lang namin na baka papasukin din naman ang lalaking iyon. Baka na assign lang talaga siya sa Bus #10.
Nag-simula nang umandar ng mabilis ang Bus nang makalabas ito ng eskwelahan, buong biyahe ay tahimik lang kami pero may iilan na nag-uusap. Tulad nang nasa likod namin ngayon, naririnig ko na may pinagtatalunan nanaman si Rina at Adee.
"Ano ba! Wag ka ngang matulog hindi ka naman maganda!"
"E kaya nga ako natutulog kasi maganda ako!"
"Edi wow! feeling sleeping beauty?"
And the rest ay hindi ko na napakinggan. Tinignan ko naman ang katabi ko at nakita kong natutulog na din siya, I'm sure na sisigawan niya yung dalawang yun kung gising lang ito. Isinandal ko ulit ang ulo ko sa may bintana at pinikit ang aking mata.
Mga ilang minuto ko pa lang napipikit ang mga mata ko nang gisingin na kaming lahat, Gumamit ng Microphone si Ate Elizabeth para pati lahat nang natutulog sa dulo ng Bus ay magising na din.
Unang naging destinasyon namin ay ang Quezon City Memorial Circle, madami pang sinabi yung tour guide namin, kesyo daw kaylangan naming alalahanin lagi si Mr.Manuel L. Quezon—yung mga ganung bagay.
Pinapila kaming lahat nang makababa na kami ng Bus, narito na din pala ang ilan. Pero may parating pa lang na next batch. Nakita ko na karamihan sa mga kaklase ko ay nagse-selfie. Bigla namang lumapit si Jhunrey kay Ate Elizabeth na kasalukuyang hinihintay ang senyas sa kanya na pwede na kaming maglibot.
"Ma'am pwede po ba kami kumuha ng Groupfie as Class?"
"Oo naman, sige lang" Mabilis na tugon nito kay Jhunrey.
Mabilis namang kinuha ni Jhunrey ang monopad ni Maria at nilagay ang cellphone niya duon, agad naman kaming tumingin sa Camera ni Jhunrey at gumawa ng kanya-kanyang pose.
"Nice! Ang ganda nang kuha ko Hahaha hindi na natin kailangan pang mag take two" Nakangiti nitong sambit habang pinagmamasdan ang kuha namin sa cellphone niya.
Pinagpatuloy na namin ang pag-iikot, at matapos iyon ay bumalik na kami sa assigned Bus namin. Nang makasakay lahat ay umalis na din kami.
Madami pa kaming mga pinuntahan na related sa Histories ng bansa natin at karamihan nun ay Museum—Educational Tour nga, ika nila. Napatingin ako sa cellphone ko at nakita ang mapakadaming text messages. Hala! Ang dami na palang text ni Mama, nakakimutan ko na siyang i-update dahil sa nag-enjoy ako sa pag-iikot, kaya agad ko siyang nireplyan, 3:00 na kase ng hapon at halos ilang oras na din simula nung umalis kami ng School. Nadako ang tingin ko kay Ate Elizabeth nang magsalita siya.
"Okay Guys oras na para magsaya kayo, ilabas niyo na ang mga tickets niyo para pagdating natin sa E.K e pipila na lang at papasok kayo, okay?"
Oo tama kayo ng pagkakabasa sa Enchanted Kingdom nga ang last destination namin ngayong araw. Hangang 7 p.m kami duon kaya for sure mag-eenjoy talaga kami. Sumagot kami ng "Opo" sa sinabi sa amin ni Ate Elizabeth. nagreply naman si mama sa text ko at mabilis itong binasa, akala daw niya kung ano na nangyayari sa akin kase nga hindi daw ako sumasagot sa text at tawag niya.
Pag-karating doo ay halata nanaman ang excitement sa mukha naming lahat, nag-take nanaman sila ng mga selfie at ganun din ang ginawa namin nina Saveena.
Mabilis kaming nakapasok sa loob dahil sinunod namin ang sinabi ni Ate Elizabeth.
Kumuha pa kami ng picture as whole class sa pangunguna nanaman ni Jhunrey.
Matapos iyon ay nag kanya-kanya na kaming grupo kung sino ang sasamahan, syempre kasama ko sina Caryl.
"Oh, ano guys? Rio Grande tayo oh" pag-aaya ni Saveena sa amin, pero mabilis na tumanggi si Heidi.
"Mamaya na yun, kapag last na nating ride, kase for sure mababasa tayo" Napatango ako dahil may point naman talaga siya, before kasi pumunta na kami dito kasama ang mga pinsan ko, at nang mag-ride sila doon ay nakita naming basang-basa sila.
"Edi Jungle Log na lang"
"Edi nabasa din tayo dun , Siraulo" Mabilis na bara ni Rina kay Adee. Natawa nga pa ako saglit.
"Oh ikaw Jas, saan mo gusto mauna?" tanong sa akin ni Saveena kaya tumingin sa akin ang iba. Lumingon-lingon ako sa paligid hanggang sa nakita ko ang gusto kong sakyan.
"Parang gusto kong I-try yun" sagot ko, sabay turo sa Anchors away.
"Sigurado ka ba Jas?" Kinakabahang tanong ni Caryl sa akin. Tumango ako sa kaniya para ipakita na sigurado ako.
"Oo naman, sige na tara na" pag-aaya ko pa sa kanila at siyempre wala na silang nagawa kundi ang sumama sa akin.
Tawang-tawa pa ako ng makita ko ang hitsura nina Caryl, takot na takot sila hanggang sa nag-start nang gumalaw ito. Tinaas ko pa ang mga kamay ko para i-enjoy ang moment. Matapos iyon ay halos masuka si Caryl at Jhunrey nang makababa kami, sandali kaming naupo sa bench na naroon para magpahinga.
Marami pa kaming sinakyang mga rides na nakakahilo at nakaka-challenge. Super enjoy talaga ang araw na ito!
6:30 na at malapit na ang call time sa amin, dahil saktong 7 e aalis na kami, kaya pumili na kami sa last ride na gusto naming sakyan at ito ang RIO GRANDE.
Halos matawa kaming lahat dahil nabasa sa parang falls sina Adee at Heidi.
Tawang-tawa kami sa tuwing gumigewang ang sinasakyan namin at humahampas ang mga tubig sa direksiyon namin. Natapos ang ride na yun na basang-basa kami.
"Buti na lang pala talaga, last ride natin to" Nakangiting bigkas ni Saveena na agad nanang sinang-ayunan ni Heidi.
"See? I told yah"
Agad naman kaming bumalik sa pilahan ng Bus at pumasok sa assigned Bus namin. Medyo madami na din kaming naroon, karamihan sa kanila ay basa dahil last ride siguri nila ay yung last ride namin.
Kami naman e nagpalit ng damit bago pumsok ng Bus, malamig kase sa Loob. Hinintay lang namin ang iba naming kaklase tsaka kami umalis.
NEXT NEXT NEXT CHAPTER'S PREVIEW
Hindi ako makagalaw, pa-paanong... pa-paanong nangyari to ?! A-akala ko ba tahimik na ako?!
Ano nanaman ba to ?!
Naiiyak ako, hindi ko alam ang gagawin, B-bakit ba ako ?!
"I-itapon mo na yan Ja-Jasmin" sabi sa akin ni Caryl, halata ang takot sa boses niya
Hindi pa din ako makagalaw, yung lalaking yun, kailan niya ba ako patatahimikin?!
'Aaaaaaaaaakkkkkkkkkkk'
.
.
.
.
.
.
.
.
.