Chapter 6 : Start

1695 Words
Agad akong bumangon at naghanda na para pumasok, narinig ko na kasi ang alarm clock ko. Hindi ko pa pala napa-plantsa yung uniform ko. Sabado kase nangyari yung Fieldtrip at Monday na ngayon. Kukunin ko na sana yung uniform ko sa cabinet nang mapansin kong plantsado na pala ito, hay buti na lang pala inayos na ni mama. Bumaba na ako agad matapos kong maligo, isinuot ko na din ang uniporme ko para deretsong pasok na pagkatapos kong kumain. "Oh Kumain ka na dito" Pag-aaya sa akin ni Mama. Mabilis na akong pumunta sa hapag-kainan at nakita ang mga hinandang pagkain ni mama, umupo na ako sa upuan at nagsandok na ng kanin. "Buti na lang ma pin-lantsa mo na tong uniform ko" "E sa nakita kong gusot gusot pa e, kaya inasikaso ko na kagabi" Sagot naman ni mama sa akin, napangiti naman ako doon. Kinain ko na ang mga nakahain sa lamesa at pagkatapos iyon ay umakyat akong muli sa itaas upang mag tootbrush, kinuha ko na din ang mga gamit ko at bahagyang nakita ang orasan. "6:05 pa lang naman, maya maya na ako papasok" bulong ko sa sarili ko. Nag-open muna ako ng f*******:. Grabe ang bilis ng panahon October 25 na pala ngayon. Nakatanggap naman ako ng chat mula kay Jhunrey, sabi niya na pumasok daw ako ng maaga dahil may ibibigay daw siya sa akin. Kaya tumayo na ako at nagpa-aln kina mama, kagigising lang din pala ni lola, pumara na ako ng Jeep at mabilis na sumakay. Nang makababa ay dumeretso na ako sa aming kwarto. Pagkabukas ng pinto ay narinig ko agad ang boses ni Rina. "Grabe ang dami mo namang pera bakla !" "Gaga humingi lang ako kay Mama nang pang pa-develop niyan" Pagkapasok ko kase ay naabutan ko si Rina na kausap si Jhunrey habang may tinutignan, ano naman yun? "Oh? Ano naman yan? " Tanong ko sa kanila at napadawit ang atensiyon nila sa akin. "Ahh ito yung mga litrato na kinunan natin, yung Buong Section tayo, nag padevelop kase ako ng 47 copy para lahat tayo meron." Paliwanag ni Jhunrey, nilapag ko ang bag ko sa upuan at lumapit pa sa kanila "Wow, yan na ba yun ?" "Oo , ito oh itabi mo yan ha , mahal mag pa develop niyan!" sabi pa niya sa akin at tsaka binigay yung isang kopya, ngiting tinanggap ko naman ito at tsaka pinagmasdan. "Dapat nag post ka na lang sa f*******: o kaya i********:, tapos tag mo na lang kaming lahat" pang aasar ko. "Nagrereklamo ka pa te ? Akin na nga yan " akmang kukunin sana ulit niya sa akin ang litrato pero mabilis ko din itong tinago sa likod ko. "Joke lang , haha Salamat" at itinabi ko na ito sa Bag ko, lalagay ko na lang yun mamaya sa Picture Frame. Dumating naman ang teacher namin sa Web. Prog 4 na si Sir Enzo. Nagsimula na siyang mag Discuss about sa mga Coding at Etc. After that ay nag-hintay naman kami para sa susunod na Subject. Kaso naramdaman ko na naiihi na ako kaya lumabas muna ako saglit at pumunta ng CR. Pumasok ako sa isa sa mga Cubicle na naroon at maya-maya ay naramdaman kong may pumasok din sa isa pang Cubicle. "Anong gagawin ko!" Sabi nang isang babae, kung hindi ako nagkakamali ay si Genea ang nag-mamay-ari ng boses na yun. "Wala bhes. Wala kang dapat gawin" sabi ni Jhorene. Bakas sa kanila ang pag-aalala at takot, pero bakit? "Sabihin na kaya natin kay marvs?" Sabi naman ni Maria. "Ano namang magagawa nina Marvin ha ?" Maya maya pa ay nakarinig ako ng kaunting paghikbi mula kay Genea. Hindi na din naman nasagot ni Maria ang sinabi ni Jhorene. Mukhang silang tatlo lang ang naroroon, hindi na ako nagbalak pang lumabas, at baka malaman nila na nandito ako . Ano kayang problema ni Genea? Bakit sobra yata silang nag-aalala? Pero biglang nanalaki ang mata ko sa mga sumunod na binigkas ni Genea "Jho, ayoko pang mamatay" ●● Genea's POV. Gumising na ako ng maaga dahil ayoko nang na le-late ako sa klase, lalo na't ako ang secretary ng klase namin, kaya dapat lagi akong nauuna para malaman ko kung sino ba ang late at kung sino ba ang absent. Pero bago iyon ay in-open ko muna ang f*******: Account ko para maki-update sa mga kaklase at mga kaibigan ko, para na din malaman ko kung ano na ang nangyayari sa online world. Oh, Birthday pala ngayon ni Erik?-yung Ex ko. Binati ko naman siya ng maikli at after nun ay i ba-back ko sana nang biglang nag bi-blink bigla yung Cellphone ko. Hhmm? pero Bago pa to ah ?! Hayst, badtrip naman Sira ba to agad ?! Pero mas nagulat ako sa mga sumunod na nangyari . Biglang namatay ang Phone ko. At bigla ulit bumukas at sa pagbukas nun hindi ko akalain sa makikita ko at dahil duon ay naitapon ko ang cellphone ko sa sobrang gulat at kaba, nakita ko ang isang larawan duon, ang larawan ko, larawan ko na nakahandusay at duguan . "Ma! Maaaaa!" Di ako makagalaw, naiiyak ako, ano yun?! Prank ba yun ? Bakit parang totoo ?! Agad namang pumasok si mama at nakita akong naiiyak. Bakas sa kanya ang gulat at pagtataka. "Oh bakit ?" " Maaaaaa" hagulhol ko kay Mama, hindi ko alam kung paano ko sisimulan o kung sasabihin ko ba, kase pagtingin ko muli sa cellphone ko, okay na ito, na para bang naging normal lang ito. Bumalik na ito sa dati. Naupo muna ako saglit sa kama para mahimasmasan hindi ako makagalaw hindi ko alam kung anong gagawin ko. "Oh, okay ka na ba?" Tumango lang ako bilang tugon , Tumingin ako sa orasan at nakita ko na alas-otso na, nag start na ang klase. "Oh magpahinga ka na lang muna jan" Dugtong pa na sabi ni Mama, samantala ako ay parang natulala na ewan, lumalakas ang kabog ng dibdib ko. "Hindi po ma, papasok po ako" medyo nagulat pa si mama sa sinabi ko, pero binilisan ko pa din ang pagkilos para makapag-ayos. Tinanong niya pa ako kung ayos na ba talaga ako at tumango na lang. Kailangan ko tong sabihin sa kanila, kailangan ko ng kausap. Sumakay ako ng Trycicle at nakarating na din ng Kirin Art. Sumakay ako ng elevator at mabilis na pinindot ang 5th Floor. Mukhang nag-start na ang klase, nakita ko pa na nag-lelecture na pala si Sir Enzo. Naghintay na lang ako sa labas ng room hanggang sa natapos na mag lecture si Sir. Hinihintay ko kase sina Jhorene at Maria, gusto kong sabihin sa kanila ang nangyari sa akin. "Pssst" tawag ko sa kanila nung makita ko na lumabas sila ng pintuan. "Oh? Gen! Bat di ka pumasok, sira ka , kung ano pa yung major natin dun ka pa nag-cut" "Jho, Maria may sasabihin ako sa inyo" Napansin na din siguro ni Jho na may problema ako, kaya hindi na niya tinuloy ang pang-aasar niya sa akin. Nakatingin lang din si Maria na halatang interesado sa sasabihin ko. "Ano yun ? " curious niyang tanong. Nag-sisimula nanamang mangilid ang mga luha ko sa mata. Parang..parang hindi ko yata kayang sabihin. "J-ho.... na-nakita ko y-yung sarili ko, n-nakita ko na ma-mamatay ako!"-naghihikbing sabi ko sa kanya, hindi ko na din napigilan ang mga luha ko. Sobra akong natatakot. Alam kong hindi ako namamalikmata. Mukha namang naguluhan sila at tinignan ako na para bang nababaliw na ako. "Jho, maniwala ka, may parang mahika na e-ewan na...nangyayari sa akin jho, ka kas--" di ko na napagpatuloy ang sasabihin ko dahil pinutol niya. "Duon tayo sa Cr mag-usap" sabi ni Maria na seryoso ding nakatingin sa akin. I'm sorry guys. Pinahid ko muna ang mga luha ko na tumulo at tinahak na namin ang daan patungong Cr. Mabuti na lang at hindi pa ako nakikita nina Marvin. "Anong gagawin ko!" desperadang tanong ko sa kanila nang makapasok na kami sa isa sa mga cubicle na naroon. Hininaan ko lang ang boses ko para nang sa ganun ay walang makarinig nang pinag-uusapan namin. Pero mukhang wala namang tao ngayon. I'm so Hopeless, hindi ko alam ang gagawin ko ... hindi ko alam. "Wala kang dapat gawin bhes" sabi ni Jho at hinimas himas ang likod ko. Pakiramdam ko lalo pa akong naiiyak! "Sabihin na kaya natin kay Marvs?" Sabi ni Maria na seryoso pa din ang mukha. "Ano namang magagawa nina Marvin ha?" Tama.. Tama si Jho. wala namang magagawa sina Marvin e, kahit sino walang magagawa baka nga pagtawanan lang ako ng iba. Napahikbi na ako dahil hindi ko na alam ang iisipin, hindi ko na alam ang gagawin. Ano ba tong nangyayari ? Jusko naman pero isa lang alam ko. "Jho. Ayoko pang mamatay" at tuluyan na akong napaiyak at napayakap sa kanilang dalawa. ●● Jasmin's POV Bumalik na ako sa clasroom na parang tulala, lumabas lang ako ng restroom nung nakalabas na silang tatlo. Medyo nagtagal sila sa loob kaya medyo nagtagal din ako doon. Sobra na tuloy akong naku-curious kung ano bang ibig sabihin ni Genea kanina... Bakit? bakit niya yun sinabi? Sinulyapan ko ng kaunti si Genea. At halatang-halata sa kanya ang pagka-lungkot. Medyo tulala din siya at hindi talaga umiimik. "Alam mo ba ang ibig sabihin kapag nakita mo ang isang tao na walang ulo?" Nagulat ako sa pagsingit ng isang boses, si Bunny pala Nakatingin din siya kay Genea, siguro nagtataka din siya kung bakit tahimik ito. "Ha? H-hindi e bakit naman?" Sagot ko na lang. Medyo hindi ko din siya maintindihan kung bakit niya ako tinatanong about dun, Out of nowhere. Ngumiti siya ng bahagya at tumingin sa akin ng pilit. "Ang ibig sabihin 'nun ay kamatayan" sagot niya, tinignan ko lang ulit siya na may pag-tatanong, hindi ko talaga siya maintindihan. "Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko pero.." Pabitin pa na sabi niya. "Pero?..." tanong ko naman At ikinagulat ko ang sumunod na mga sinabi niya. "Nakikita ko si Genea ngayon na . . . . . . . . . . Walang Ulo
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD