Jasmin's POV
Hindi ako makapaniwala sa mga sinabi ni Bunny sa akin, hindi ko alam kung nagbibiro ba siya o ano, kase isa siya sa mga nagpapasaya sa classroom namin, what i mean is hindi ko ine-expect na makakarinig ako ng mga ganung salita mula sa kanya kasi joker siya, pero 'nung oras na yun ay hindi niya binawi ang mga sinabi niya.
"Jasmin, hija"
"P-po?"
Tinatawag pala ako ni lola, ni hindi ko na napansin dahil sa lalim ng iniisip ko.
"Ilagay mo na kako itong mga damit mo sa itaas at nang maayos na"
"A-ah o-opo pasensya na po la"
Agad ko naman itong kinuha sa may sofa at inakyat sa taas at sinalansan sa aking damitan, matapos gawin iyon ay nagsimula na akong mag-internet at binuksan ko ang GC namin, nabasa ko agad ang usapan nila.
'Guys pahingi naman ng Formula sa Statistic oh'
Nabasa kong chat ni Rina sa GC namin.
Gumawa kase sila ng GC na para saming Pito lang .
Binigyan ko naman siya tutal naman tapos na ako magsagot at isa pa, madali lang naman siyang gawin. Kinuha ko ang notebook ko sa bag at tsaka binuklat ito, bibigyan ko na din siya ng iba pang mga formula para malaman na din nila yung ibang gagamitin sa pagso-solve, sa hindi sinasadya ay nahulog mula roon ang isang picture.
Hhmm, ito pala yung picture namin noong Fieldtrip. Kinuha ko ito at tinignan nang mabuti, lahat kami dito ay masaya kahit na dalawang buwan ko pa lang silang nakakasama at apat na buwan naman sila.
Kinuha ko ang picture frame at nilagay duon ang picture namin, nakalimutan ko palang ilagay ito dito, nilapag ko ito sa may lamesa na malapit sa kama ko, pinagmasdan ko pa ito ng ilang beses at bahagya akong nagulat nang makita ko ang isang pigura ng lalaki .
T-teka? Ito yung lalaking nakita ko sa bench ah? yung naka uniform?
Kung kaming lahat ay nakangiti dito, sa larawan namang ito ay makikitang emotionless ang mukha niya. Hindi ko alam pero bakit parang kinabahan ako bigla. Medyo natawa ako ng maisip ko na ang O.A ko pala, baka naman napasama lang talaga siya.
Pagkatapos nun ay tinawag na ako nina mama para kumain.
After that ay umakyat na ako at natulog agad.
*
Nagising ako ng tumunog na ang alarm clock ko, humikab pa ako saglit pero hindi pa din mawala ang antok ko. Nag-open muna ako ng f*******: at nag surf. Binuksan ko yung Notification ko at....
Nanlaki ang mata ko nang makita na ang dami namang may Birthday ngayon! De Joke lang. Isa lang talaga ang may Birthday, binasa ko ito at nakita kung sino ba ang mag-cecelebrate.
'Today is Angelo's Birthday, Greet him'
Tutal, lumabas naman sa notification ko ay i-greet ko na, isa lang naman e.
Ti-nype ko ang mga katagang 'Happy Birthday' pero bakit ganun? bakit ayaw ma-post? Pinindot ko ang pangalan niya at napunta ako sa wall niya para dun sana ako mag ge-greet, pero nagulat ako sa mga nakita ko, sina Adee at ang iba pang kaklase ko, nag post din sa may birthday.
T-teka ? Bakit halos lahat yata sila nag Post. Sina Saveena, Marvin at yung iba. Ka-ano ano kaya nila itong Angelo na to. Matignan nga yung picture.
Nang tingnan ko naman, Black lang yung Profile at wala din namang mga Pictures. Ano kayang meron, sino kaya ito? Nakakapagtaka lang kasi halos lahat ng Class 103 lang ang bumati sa lalaki.
"Jasmin! Ano hindi ka ba papasok?" Dinig kong sigaw ni mama sa labas ng kwarto ko.
Tumingin naman ako sa Relo at talagang nanlaki ang mga mata ko! HOLY COWWWW! 5:50 na! Baka ma-late ako nito! Jusko, bibilisan ko na lang ang pag-liligo.
"Ito na nga po nagbibihis na po, pababa na" pagsisinungaling ko na lang, dali-dali kong kinuha ang bathrobe at tuwalya ko sabay punta sa CR, naligo ako dali-dali at bumaba na.
"Aba, ayos ang buhok natin ngayon ah? Halatang nag-ayos" Halata naman ang sarkastiko sa sinabi ni Mama.
"Ahh kase ma ano... nawawala yung suklay... Oo tama po.. Nawawala nga hehe"
"Mmmm, o sige na kumain ka na jan at baka mas lalo ka pang ma-late "
Gaya nang sinabi ni Mama, binilisan ko na nga ang pag kain at kinuha ang baon ko, matapos yun ay nag-abang na ako ng jeep at sumakay. Nang dumating ako sa school. dumeretso agad ako sa Classroom namin. Sa Class 103.
Pagkapasok ko, napansin kong nandito na yata silang lahat, mukhang na late nga yata ako, pero wala pa namang teachers ah?.
Bahagya akong napangiti dahil para bang dinaanan kami ng anghel sa pagiging tahimik nila. Parang may kakaiba sa kanila, bakit parang ang seryoso yata nila, dumeretso ako sa upuan ko na katabi nung kay Saveena, hindi ko napigilan ang sarili ko at nagtanong.
"Anong meron? Bakit ang tahimik ninyo?"
Kadalasan kase kapag ganito kaaga ay maingay sila lalo na ang mga lalaki, pero napansin ko na iba talaga ngayon, parang may something.
"Ah, haha wala, wala n-napadaan kase yung Asst.Principal natin, e naabutan na maiingay yung boys k-kaya pinagalitan kaming lahat" at ngumiti naman siya, buti na ang pala at na-late ako. Pero sa kabilang banda ay napansin ko na parang hindi siya nag-sasabi ng totoo. Parang.. parang nagsisinungaling siya?
●●
Saveena's POV
Buti na lang pala nakahagilap agad ako ng sasabihin kay Jasmin, napatingin naman sa akin si Adee, alam kong hindi kami dapat kasama dito. Pero wala e, wala na kaming magagawa, nandito na kami sa sitwasyong ito.
■ FLASHBACK ■
Pagkatapos kong kumain e agad akong nag-open ng f*******:, madalas naman talaga ganito na ginagawa ko after kong kumain well let's say na after na din mag-dasal.
Nagtataka naman ako dahil pag-open ko ay hindi ko siya ma-scroll, madalas kase hindi din ako nag o-open ng notification e.
Nagloloko ba ang f*******: ngayon? Pinindot ko yung home pero ayaw din, nag hang yata.
Sinubukan kong i-turn off ang phone ko pero ayaw din namang mapatay Aish! Sira na ba to?!
Dahil sa inis ay pinagpipindot ko lahat hangang sa napindot ko yung Notification, halos kalibutan ako sa lumabas sa Notif. ko.
'Today is Angelo's Birthday, Greet him'
Napalunok ako bigla! iba-back ko na sana pero ayaw ma-back!
Dahan-dahan kong pinindot ang notification na yun habang nanginginig ang mga kamay ko, para bang hindi siya aalis sa page na yun not until na makapag-post ako!
Nanlumo ako ng bigla na lang itong napunta sa wall niya, nakita ko na nag post na din sina Marvin at yung iba. Te-teka ano ba talaga tong nangyayari? Dahil sa nakita ay tinipa ko ang mga katagang iyon at tsaka pi-nost, gumana na ang f*******: ko after nun, natigilan naman ako saglit, ano ng nangyayari?
Alam kong hindi lang to nagkataon. Alam kong may nangyayaring hindi maganda kasi pati sina Marvin bumati sa kanya. Jusko ano ba tong nangyayari?
Bigla na ding mag chat sa akin sina Adee.
'Nangyari din ba sayo?'
Tanong niya pa na lalo namang nagpabilis ng t***k ng puso ko
'Well i guess. Lahat naman yata tayo'
Reply ko at ibababa ko na sana ang phone ko nang mag-pop up ang GC namin dahil sa nag-chat si Marvin.
'Guys alam kong nangyari din sa inyo, pasok kayo agad usap-usap tayo'
Yan ang sabi niya, at hindi na ako nag dalawang isip pa na mag-ayos ng sarili, agad akong kumilos at nag handang pumasok. Pagkarating ko sa School ay napansin ko na halos lahat sila ay nandito na. Buti at wala pa si Jasmin.
"Oh ano namang to nangyayari ha Mr. Pesident?" Singhal agad ni Thea na galit na galit ang mukha, hindi ko naman siya masisisi.
"Hindi ko alam, ang kaylangan ko lang malaman ay kung sino sa atin ang nang hack ng account ni Angelo."
Saad ni Marvin na nagpakunot ng noo ko at nang iba.
"What! Ano ba yang sinasabi mo ha Marvin? Sa tingin mo ba may gagawa sa atin ng 'ganun para lang paglaruan tayo?"
"Saglit lang kase! sagot kasi kayo ng sagot e, naisip lang namin na hindi imposibleng may gumawa 'nun para mang-asar or what. Baka nakakalimutan niyo? lahat tayo dito ay I.T Students?" Sambit din ni Renz habang tinitignan kaming lahat.
May point siya sa part na yun, dahil lahat nga kami ay I.T Students dito pero, yung nangyari kanina? Hindi ko alam kung magagawa lang yun ng isang I.T Students o ng isang tao. May maling nangyayari dito at kung ano man yun? Hindi ko alam . . Hindi namin Alam.
"Guys! Papunta na dito si Jasmin" sabi sa amin ni Mijo, siya kase ang nag-sisilbing look out namin sa pintuan.
Agad naman kaming bumalik sa kanya kanyang upuan at nanatiling tahimik, lahat kase kami ay walang clue kung sino ba talaga ang may kagagawan nito, pero lahat kami ay nais malinawagan sa kung ano ba ang nagaganap ngayon.
■ END OF FLASHBACK ■
Ngayon sigurado na ako na may nangyayaring kakaiba. Kaylangan namin tong maayos, kailangan namin ma-klaro at malaman ang nangyayari.