Third Person's POV Napatayo ang lahat nang nang marinig nila ang kakaibang tunog , sobrang nakakatakot na tunog . "A-ano iyon?" Pagtatanong ng ilan. Nagulat ang lahat ng biglang bumagsak si Max sa sahig ng Bus. "K-kuya Max!" Agad naman siyang nilapitan ni Mae. Ang iba naman ay nagtataka kung bakit ito bumagsak. Pero mas lalong nagulat ang lahat ng biglang hinawakan ni Max ang leeg ni Mae. "A-anong ginagawa niya?!" Natatakot na tanong ni Aya na nakayakap kay Thea. "T-tulong! " nahihirapang saad ni Mae habang pinipilit na tanggalin ang kamay ni Max sa kanyang leeg , halos lahat ay hindi makagalaw , natatakot at hindi alam ang gagawin. "Kuya Max! Magtigil k--" Hindi na naituloy ni Clarrisa ang sasabihin nang makita nila ang mukha ni Max . Hindi na siya si Max! "Magbabayad kayo!"

