Jasmin's POV 'Tama na please !t-tama naaaaa' Isang lalaki ang nakikita ko ngayon, pamilyar siya pero hindi ko maalala kung saan ko ba ito nakita 'AAH!' Napapikit ako ng mapait, kitang-kitang ko kung paano siya bugbugin ng isa pang lalaki. Halos napahiga na ito sa sahig at puno na nang dugo ang kanyang kasuotan, maging ang kanyang mukha. Kitang-kita ko kung paano siya nahihirapan, kung paano siya nagmamakaawa Pero bakit ba siya binubugbog? Napatuon ang tingin ko sa lalaking bumubugbog , kumuha siya ng gunting 'P-please, p-please po , i-itigil niyo na to Aaaahhhh' Muli akong napapikit , napaka brutal. Itinusok nito ang gunting sa mata ng lalaki. T-teka nasaan ba ako ? Hindi ako makagalaw , para bang hinahayaan ako na panuorin ang bawat eksena. Tumulo ang dugo, napakaraming d

