Job Interview

1475 Words
Alex POV "Hoy gumising ka na at tanghali na aba" boses yon ni Precious. Ang aga pa pero nandito na sa bahay itong pinsan kong ito. Mula nung manggaling kami sa batangas ay mas lalo itong naglagi sa bahay kahit pa after nya sa trabaho dito na agad ang punta nya. Sa isang law firm ito nagwork sa Taguig. Pupungas pungas tuloy akong tumayo para buksan ang pinto. "Baks, what?? its too early" at totoong napaka aga pa dahil 5am pa lamang pero nandito na sya at bihis na bihis na. "My goodness baks nalimutan mo na ba na may interview ka today sa office with the CEO mismo!!" Sigaw nito. Siyang dungaw din ni mama sa tabi ng pinsan ko "Anak kumain kana muna bago maligo, nakapag init na ako ng tubig para pangpaligo mo." Sabay abot ng planstadong dress na kulay asul. "Ikaw naman Precious halika na sa baba at mauna na tayo kumain" yaya ni mama kay dito. Ngayon nga pala ang interview ko sa DLT Law Firm, ayaw ni baks na magmukmok na lamang ako dito sa bahay habang inaantay ang scheduled ng board exam ko para maging ganap na Nurse na ako. Pansamantala ay sa Law Firm na pinapasukan muna nya ako magtatrabaho para din maalis sa isip ko ang mga nangyare. Tama na daw ang dalawang lingo hayyy ang pinsan ko na iyon talaga. Bumaba na din ako at masayang pinagsaluhan namin ang inihanda ni mama na almusal. Tulog pa din naman si Papa at mamayang alas otso pa ang pasok nya sa City Hall. Pagkatapos ko kumain at nagmadali na akong maligo. Nagblowdry na din ako ng buhok at saka isinuot ang kulay asul na semi formal dress ko. Tinernuhan ko ito nang white high heels itinaas ko ang buhok ko at naglagay din ng white na laso dito. Naglagay lang ako ng kaunting sunscreen protection cream at kaunting powder sa mukha ko at liptint hindi kasi ako pala make up. Sinuri ko ang itsura ko sa salamin at nang mapagtanto ko na okay na eh bumaba na din ako. "Kaloka ka baks baka mapag kamalan kang abogada at hindi secretary" maluwang na ngiti ni Precious sa akin. "Hayy nako nambola ka na naman baks" nginitian ko na lang ito. Mag aala sais y media na ng umaga kaya kailangan na namin umalis upang hindi matraffic din. Nagpaalam na ako kay mama at papa na parehong nasa kusina. "Mag iingat kayo mga anak" bilin ni mama at papa sa amin kumaway na ako sa kanila tanda ng pag alis namin. Halos isang oras din kami sa byahe kahit na sa SLEX na kami nagdaan lunes kasi ngayon kaya balikan na din ng mga nagtatrabaho pa-Manila. 7:45am. DLT Law Firm Bldg. "Baks upo ka lang dyan ahh wala pa daw si Boss sabi ng HR, pasencia na si Boss talaga kasi mag interview sayo dahil personal assistant pala ang hanap akala ko ay assistant secretary para sa akin." Malumanay na explanation nito sa akin. "Ano ka ba baks" sabay hawak ko sa kamay ng pinsan ko. "Kahit sa utility okay lang walang problem sa akin yun" sabay ngiti ko sa kanya. "Loka yang ganda mong yan utility ka dyan" at inirapan ako at tumungo na sya sa isang pinto pa na hinala ko ay office ng CEO after may tumawag sa intercon. Si Precious actually ang talagang secretary nito at halos two years na din ito dito nagwork. Yes matanda sa akin si Baks ng 3 years pero dahil pareho kaming solong anak kaya naka sanayan namin na magtawagan na lamang sa pangalan kahit sana ay dapat ate ang tawag ko sa kanya. Magkapatid ang mga ina namin at ilang blocks lng din layo ng bahay nila sa amin kaya kami lalong naging malapit sa isa't isa. Lumabas si Precious at sinabing pasok na daw ako. Medyo nagtaka ako nasa loob na ba yung Boss nya na magiging Boss ko din kung matatanggap ako. Pero bakit sabi nya wala pa daw ito. Madali ko inayos ang sarili ko bago ako pumasok sa pinto. Nakatalikod ito habang nakaupo sa swivel chair nito. Mukhang hawak nya at inievaluate ang portfolio ko na ipinasa ng pinsan ko last week pa. "Good morning po Mr. Dela Torre" bati ko dito. Medyo naintimidate ako at kinakabahan kahit nakatalikod pa sa akin ang CEO. "Have a sit lady." Sagot naman nya na nakatalikod pa din sa akin. Pagsayad na pagsayad ng pwet ko sa upuan ay syang harap naman nya sa akin. "Ohh holy s**t!!" Sa loob loob ko. Napaka gwapo ng nasa harapa ko ngayon at humahalimuyak ang bango nito. "Good morning again Mr. Dela Torre" ngumiti ako na may kaba. Hindi ko alam pero parang natulala sya may dumi ba ako sa mukha ko. Buti na lang at may kumatok sa pinto sa may kaliwa ng room. Pagbukas nito ay napa iling sya. "What the hell your doing here Aira" napatayo pa ito habang palapit ang isang may kaliitan sa akin na babae pero maganda at sophisticated ito kita sa ayos nya. "Is that the right way of greeting your visitor, Grey" sweet na singhal nito sa lalake at napabaling ang mata sa akin "ohh I'm sorry now i knew it" sabay kindat sa akin. Ano yun mga buwang na ba tao dito. "Ms. Mesias can you please go back to my secretary's room for a while, we just have something to discuss here." Baling naman sa akin ni Mr. Dela Torre pero hindi naman sa akin nakatingin at sa portfolio ko pa din. Tumango naman agad ako at ngumiti na lamang at lumabas din muli sa pintong pinasukan ko kanina. Nagulat pa si Precious ng bigla ako sumulpot agad. "Ay butiking palaka!!" Sigaw nito "Shhhh.." senyas ko dito. "Bakit lumabas kana agad??" Tanong nya "May bisita Boss mo ahmm Aya or Aira name" umupo muna ako "kaya pinapunta muna nya ako dito sayo ulit." Ngiti ko sa pinsan ko. "Akala ko di ka nagustuhan ni Sir kaya lumabas ka na agad" sapo ang noo "Mukhang ganun na ata kasi parang natigilan sya kanina ewan ko ba baks hayy" napatungo na lang ako at nag iwas ng tingin dito. "Si Aira nga pala ay best friend ni Sir Grey, may asawa at 3 anak na yun. Bumisita pala ulit sya." Pag iiba nito ng usapan. May ilang oras din ang lumipas halos 11am na din nga pero hindi pa ako pinatatawag at medyo nagugutom na din ako dahil kaunti lang din nakain ko kanina medyo excited din kasi ako sa interview. Tumunog ng telepono sa gilid ng table ni Precious at agad itong sinagot tapos ay binaba at pumasok sa office room ni CEO sungit ngunit mabilis din naman bumalik agad at sinabing mag ayos ako at maglunch kami sa labas kasama ang Boss nya. Ayaw ko sana sumama pero baka naman lalo ako hindi makapasa sa standard na gusto nito sa P.A. nya hayyy ang hirap pala ng ganito. Lumabas na kami sa lobby ng building dun na lang daw kami maghintay sabi ni Precious at pababa na din daw si Mr. Sungit. You heard it right, Mr. Sungit ang itatawag ko sa kanya. Dahil napaka sungit naman talaga. "Let's go" maotoridad na boses ang biglang nagputol sa kwentuhan naming magpinsan. Nagtama agad ang mata namin ni Mr. Sungit at ako na ang unang nagbaba sabay ng pagtayo ko dahil para ba akong nauupos na kandila sa kanyang pagkakatitig. Hindi ko alam nangyayari sa puso ko ewan bakit ba sobra pagtatambol nito at parang may butterfly na hindi mapakali sa tiyan ko. Binuksan ni Mr. Sungit ang pinto sa may passenger seat sa tabi ng driver akala ko ay doon sya mauupo. "Ms. Mesias dito kana" nagulat man ako ay hindi ako nagpahalata at sinunod ko sya. Halos di ako makahinga ng pumasok din kalahati ng kanyang katawan pagkaupo ko at sya pa ang nagkabit ng seatbelt sa akin. "Okay ka pa ba dyan baks" tanong sa akin ng pinsan ko at na ngingisi ngisi pa habang naikot sa driver seat ang lalake. "Baks stop, not now please" tanging saad ko sa pinsan ko. Pagpasok palang nya sa sasakyan ay ngumiti agad sya sa akin. At sumalubong ang kanyang napakabangong samyo. Napaka haliparot naman ng lalakeng ito obviously na nilalandi ako nito hayy God hindi pa ako handa please po. Napadpad kami sa may bandang BGC sa Taguig at sa isang fine dining restaurant kami nito dinala. In all fairness very gentleman sya even kay Precious, baka nag oover react lang ako. He did ask me and Precious sa oorderin namin na food but Baks told him na sya na lang mag order para sa amin kaya tumango naman ako. The food is great, the ambiance is great, the person in front of me is very great. What a great day Alex.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD