bc

Billionaires Hidden Sweet Soul

book_age18+
215
FOLLOW
1K
READ
possessive
arrogant
billionairess
assistant
passionate
like
intro-logo
Blurb

Gabriel Elijah Dela Torre a multi billionaire bachelor, wala pa naging girlfriend kahit fling man kaya napagkakamalan na isang bakla ng mga kaibigan at kakilala lalo na sa kinabibilangan nyang mundo.

Paano mapaglalaruan ng tadhana ang kanilang buhay ni Alexandra Mesias isang simpleng dalaga na tumatakbo sa kabiguan ng pag ibig.

Paano nya kakayanin magmahal muli kung kagagaling nya lang sa isang relasyon na sobra syang nasaktan.

chap-preview
Free preview
Prologue
Masayang nagpaalam si Alexandra sa kanyang mga magulang kinabukasan. Maaga palang gising na ito at nakapag handa na din, papunta sya sa probinsya ng kanyang boyfriend na si Edward sa Batangas. Hindi ito naka attend ng kanyang graduation kahapon dahil sa biglaang emergency sa pamilya, kaya naisip ni Alex na sopresahin ang nobyo at pamilya nito. Kasama ang kanyang pinsan na si Precious ay nagbiyahe sila paputang Batangas gamit ang kotse nito. "Sigurado ka ba sa ginagawa mo baks?!" Tanong ng pinsan nya habang nagdrive. Napatingin dito si Alex, hindi nito alam kung bakit ganun ang tanong ng pinsan nya. Kunot ang noo na hinarap ang pinsan, nakatitig siya dito. "Anong ibig mong sabihin baks?" Maang nyang tanong din. "First babae ka supposed to be sya ang dapat na may pa surprise sayo dahil kagagraduate mo lang kahapon with high honor pa!" Medyo iritableng saad nito. "Pero heto ka siya pa ang susorpresahin mo, parang may mali ehh?!!" Nilingunan na din nito ang pinsan na kanina pa sya tinititigan. "There's nothing wrong baks, it's just i miss him that's why hinila kita papunta sa kanila para makasama ko lang si Edward. Yun lang baks.." sabay pinid ng tingin sa labas ng bintana. Sa loob ni Alex ay nagtataka na din sya sa dami ng mga pwedeng gawain eh wala man lamang talagang paramdam ang nobyo sa kanya simula pa nung nakaraang linggo. Nagtext lang ito sa kanya na hindi makakapunta at may emergency sa pamilya kaya dali itong umuwi ng Batangas. May dalawang beses na syang naisama ng nobyo sa bahay ng pamilya nito una nung ipakilala sya bilang nobya kaarawan yun ng ina nito. At ang ikalawa ay nung araw ng fiesta kaya nakilala din nya ang ilan sa mga kamag anak nito. Naka waze naman sila kaya madaling natunton ni Precious ang bahay nila Edward. Halos dalawang oras lang din ang binayahe nila at nakarating din sila. Nasa harapan sila ng bahay ng mga ito, may isang babae na naka tayo sa may hardin ng mga ito at may hawak na sanggol. May tinawag ito sa loob ng bahay at lumabas ang isang matandang babae nakilala ito ni Alex ang tyahin ni Edward. "Magdang umaga po Tiya Ising, nariyan po ba si Edward." Bati ni Alex. Halata niya na para bang nagulat ang matanda at nakita na lamang nito na nagtatakbo ito sa may likod bahay. "Ano nangyare baks, bakit parang nakakita ng multo ang tiyahin ng nobyo mo" takadong tanong din ng pinsan nya. Hindi nila napansin na nakalapit na sa kanila ang babaeng may dalang sanggol. "Nobya ka ba ni Edward, ikaw ba si Alexandra?" mahinahon na tanong nito. May kaba man sa dibdib si Alex ay sinagot nito ang babae "Ako nga po, nariyan ba si.." hindi na nya natapos dahil biglang lumabas si Edward sa likod at patakbo pa itong lumalapit sa kanila kasunod ng mga ito ang ama at ina. "Alex" sigaw nito habang humahangos "Ano ginagawa mo dito at wala ka man lang pasabi na pupunta ka?!" Pasigaw nito, na ikinabigla ng magpinsan. Medyo hindi agad nakapag salita ang dalaga sa narinig. Kaya si Precious ang siyang nagsalita. "Hep hep, bakit parang hindi ka masaya Edward na makitang nandito girlfriend mo. Besides diba nga dapat ikaw ang nagawa ng paraan para makita sya dahil wala ka sa graduation nya kahapon?" Pagmamataray pa nito. Napamaang lamang si Edward, kitang kita ni Alex ang namumuong luha sa babaeng katabi ni Edward. Hindi sya tanga at lalong hindi sya bobo para hindi maunawaan ang nangyayare. "Nauunawaan ko na Edward huwag ka mag alala." Ngumiti si Alex kay Edward at sa mga taong naroon. Tumalikod na siya at humakbang na patungo sa sasakyan, sinabayan na din ito ni Precious bagamat nagtataka ay hindi na kumibo. Malinaw sa kanya na ang babaeng hindi nya kilala ay karelasyon ni Edward at siguradong anak nila ang sanggol na hawak nito. Hindi ganoon ang nobyo nya kapag napunta sya sa apartment nito sa Alabang pero ngayon kakaiba ito. Sa loob nang 6 na taong relasyon nila never ito gumawa ng hakbang o desisyon na alam nyang ikasasakit ng kalooban nya. Ito ang unang pagkakataon kung kaya't napakasakit para sa kanya. Hindi nya namamalayan na dumadaloy na ang mga luha nya sa kanyang mga mata. Hindi na nya kayang pigilin pa kung kaya't napahagulgol na lamang sya. Hinayaan sya ng kanyang pinsan na umiyak "Sige baks iiyak mo lang, sa ngayon ay wala akong ni isang salita na makakapag pagaan sa nararamdaman mo. Nandito lang ako sa tabi mo." Habang patuloy ito sa pagda drive pabalik ng Laguna. Nagbalik sa mga alaala ni Alex ang masasayang sandali na kasama nya si Edward nasa grade 9 palang sila nung magsabi ito sa kanya na manliligaw, hinayaan lamang nya ito. Nang mga panahon na yun ay sa mga Tiya Ising nya ito sa Laguna din nakatira. Akala pa nya ay hindi na ito manliligaw pa nung tumuntong na sila sa Grade 11 dahil umuwi na ito ng Batangas ngunit laking gulat nya ng muli itong magpakita sa kanya at halos twice a week na sinusundo sya sa school pauwi ng bahay. Sinagot nya ito dahil alam nyang mabuting tao, mabait, at higit sa lahat mahal na din nya ito. Two years course ang kinuha nito at nakapag trabaho na din agad sa isang BDO Company sa Alabang. Naging maayos ang relasyon nila, naging malapit ito sa mga magulang kaya't hindi nya akalain na magagawa ito ng dating nobyo sa kanya. Para siyang tinarak ng sibat ng paulit ulit. Kailan pa tanong nya sa isipan nya. Ano ang naging pagkukulang nya dito upang magawa ito sa kanya. Gumuho lahat ng pangarap nya na sa akala nya ay unti unti na nyang maaabot after ng graduation nya. Hindi nya alam kung saan at paano magsisimula ng wala si Edward sa buhay na kinasanayan na nya. Simula nang maging sila ay bumuo na sila ng mumunting pangarap, kasama na dito ang pagbuo ng sariling pamilya sa oras na maging stable na ang trabaho nilanb pareho. Sa isang iglap lamang ay nawala ang lahat, kasabay ng daluyong sa dagat ay nadala ang lahat ng kanyang iningatan sa loob ng 6 na taon. Sumagi sa isipan nya na baka kasalanan din nya, dahil sa loob ng anim na taon ay walang nangyareng intimate sa kanila ni Edward. Ang alam nya ay iginagalang ng dating nobyo ang kanyang desisyon na after ng kasal lamang may maaaring maganap sa kanilang dalawa. Hanggang halik at halos lamang ang kaya nyang ibigay dito na malamang ay nahanap nya ang mas higit pa sa babaeng kasama nya ngayon.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

His Obsession

read
104.9K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
31.3K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
104.4K
bc

HIDING MY BOSS' HEIRS | SPG

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook