Zeph Pov Pagkatapos ng nangyari sa akin ay mas hinigpitan ni Alpha Hunter ang mga alipin niyang lumalapit sa akin at nakikipag-usap. Para raw hindi na maulit ang ginawa sa akin nina Verly at Marga. Hindi ka maiwasan ang mailang lalo na kapag tinatapunan ako ng kakaibang tingin ng mga kandidata at katulad ko namang alipin. Para kasing napakahalaga kong tao dahil sa mahigpit na pagpoprotekta sa akin ni Alpha Hunter samantalang isa lang naman akong alipin. Minsan naman ay naririnig kong ako ang topic ng kanilang usapan ngunit kapag nakikita nila akong palapit ay agad silang humihinto sa pagsasalita o di kaya ay iniiba nila ang kanilang topic. Siguro ay natatakot sila na baka magsumbong ako kay Alpha Hunter. Ngunit hindi ko gagawin iyon dahil alam ko kung gaano katindi kung magparusa ang amin

