Zeph Pov Nakahanap ako ng pansamantalang matitirahan sa loob ng gubat. Isang maliit na bahay na gawa sa palapa ng niyog. Kumpleto ng mga gamit ang bahay mula sa pagluluto, gamit sa banyo at gamit sa pagtulog. May maliit pang poso sa tabi ng bahay. Parang sinadya para sa akin ang bahay na ito. Ngunit naisip ko na siguro ang bahay na ito ang pahingahan ng mga mangangaso kapag nangangaso sila ng mga hayop sa gubat lalo na kapag naaabutan sila ng gabi sa loob ng kagubatan. Sino man ang may-ari ng maliit na bahah na ito ay malaki aang pasasalamat ko sa kanya. Ngayon ay may matitirahan na ako habang nag-iisip pa ako ng aking susunod na hakbang. At kapag maabutan naman ako ng may-ari ng bahay ay makikiusap na lamang ako sa kanya na kung maaari ay hayaan niya akong manatili sa bahay niya ng mga i

