Zeph Pov Mabilis kong nilapitan ang lalaking nasa ibabaw ng katawan ni Duffy at binigyan ito ng malakas na sipa sa tagiliran. Tumilapon ang nagulat na lalaki ngunit agad ding nakatayo. Galit na tinapunan niya ako ng tingin. "Sino kng babae ka? At bakit ka nakikialam sa ginagawa ko? Sawa ka na bang mabuhay?!" galit na singhal ng lalaki sa akin. In-stretch nito ang kanyang mga braso pati leeg na tila ba naghahanda ito para makipaglaban. Matangkad ang lalaki at malaki ang bulto ng katawan ngunit hindi ako nakaramdam ng takot sa kanya o pagka-intimidate man lang. Ngunit kung noon ko pa siya nakaharap nang wala pa akong kapangyarihan at hindi marunong makipaglaban ay tiyak na nanginginig na ngayon ang katawan ko sa matinding takot. Ngunit hindi na ngayon. Ang pagkakaroon ko ng kapangyarihan a
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


