Happy reading
_
Elyjha's point of view
“So where are we?” tanong sa'kin ni kuya matapos niyang magbihis.
“Nasa bahay po,” panonopo ko sakaniya.
Tinaasan niya lang ako ng kilay at napailing-iling dahil sa sinagot ko. Tumikhim siya at nagsalita.
“As I said, magpapakasal ka sa apo ng kaibigan ni Lolo.”
I gulped. Seryoso ba talaga siya sa sinasabi niya?
Kumunot ang noo ko at napahalukipkip. “Bakit pa? Ano bang klaseng deal iyan?”
Huminga siya ng malalim bago nagsalita. “You'll marry his grandson in exchange for our company. The old man seems so rich that he could easily give off the company for marriage. Well as off now, hindi pa naman gaano kalago iyon gaya ng dati. But it has potential to grow and rise again.”
“Bakit, para saan pa? We both know that we don't need much of that money. Hindi na'tin masasama sa kabaong 'yan, kuya.”
“Dugo't pawis ang inialay ni Lolo para palaguin iyong kompanya na'tin. It's our family's company. Iyon ang bumubuhay sa'tin dati. I know you got used of living like this. But I want to provide as much as I can. This is a big opportunity.”
Napaawang-labi ako
“You just need to tame his grandson. He's known for his naught behavior. As what the old man told me, hindi naman talaga malaking assets sakanila iyong kompanya na'tin. He just really want to teach his grandson a lesson.”
Huminga siya ng malalim at kumuha ulit ng bwelo.“The marriage will last for only twelve months and I need you to cooperate with me while I'm learning to manage our lolo's company. We're so lucky that the old man valued their friendship kaya niya nagawa 'to.”
Napatango-tango ako.“Sino ba sila?” takang tanong ko.
“They're the Luzuriagas.” nanlalaki ang mata ko sa sinabi niya. You mean him? I shook my head. It can't be him.
“S-sinong L-luzuriaga, kuya?” sana hindi tama ang hula ko.
“Dm Luzuriaga.” I'm so doomed.
Parang napako ako sa kinatatayuan ko. Ito ang pinakamalabong mangyayari sa buhay ko!
Agaran akong umiling. “Ayaw ko kuya.” pagmamatigas ko.
Kung pwede ko lang sabihin sa'yo ang nangyari kuya ginawa ko na kaso ayaw ko lang talaga ng gulo eh!
Tumaas ang isang sulok ng kilay niya.“Bakit? kilala mo ba siya?” malamig na tanong ni kuya.
Parang pinagpapawisan ako dito ah.
“Ofcourse n-not! Nakakalimutan mo sigurong book worm ako at ang tanging pinagtutuusan ko ng pansin maliban kay Marsee ay ang mga libro,” I lied.
Napahalukipkip siya.“Then, why won't you agree to my proposal? Is it that hard, sis? Unless kung may nararamdaman ka sa lalaking iyon, syempre mahihirapan ka.”
Of course, it is that hard, kuya! Siya lang naman ang pinaka-iinisan kong lalaki tapos sakanya rin pala ako magpapakasal?
Umirap ako.“I'm not suitable for a wife kuya, hindi pa ako handa. I'm still underage!” protesta ko.
“There's always a first time, Mariz. Three months to go and you'll be eighteen. Sinasabi ko lang sayo to ngayon para maghanda kana. Hindi kaba nakokonsensya sa pinaghirapan ni Lolo? Besides that kid already agreed to marry you.”
Ano? He agreed! Ano na naman ang plano ng lalaking ito? Kung ano man iyon ay gagawin ko ang lahat upang maturuan ang lalaking ito ng leksyon!
Napabuntong-hininga ako ng malalim. “Just twelve months, right?”
Come on, Elyjha. You have to be tough. Isang taon lang iyon at pagkatapos nun ay malaya kana.
Tumango siya.“Just twelve months.” he stated.
“Fine.” pasya ko.
I'm going to do this for Lolo...
___
The next day, I woke up early. Kailangan ko pa kasing tapusin ang binabasa ko sa library.
Abala ako ngayon sa pagbabasa ng librong 'The Lucky One' by Nicholas Sparks. I'm almost done with it. I checked my time at mayroon pa akong tatlumpong minuto para tapusin ito.
Lumipas ang dalawampung minuto ay natapos ko na ang librong binabasa ko. Tumayo ako at ibinalik ang libro sa lalagyanan. Kinuha ko ang bag ko sa upuan at tuluyang lumabas ng library.
Hinahabol ko ang oras ko sa first period ko kasi ang layo pa ng lalakarin ko.
Malapit na ako... Malapit na-
Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakabunggo ko sa isang istraherong nilalang. Pumikit ako at akala ko matutumba na ako ngunit naramdaman ko ang kaniyang kamay sa akong likuran bilang pag-alalay.
Tiningnan ko iyon kung sino.
I blinked twice kung totoo ba ang nilalang na ito sa harap ko.
“P-peter?” hindi makapinawala kong tanong. Kailan siya bumalik?
Nakita kong ngumisi siya. Alam niya siguro na ako ang paparating. Iniunat niya ang dalawang kamay na tilang nag-aanyang yakapin ko siya. I missed him.
“The one and only, care to hug me princess?” hindi na ako nagsalita pa at niyakap nalang siya ng diretso. Ilang sandali ay kumalas na kami sa isa't isa.
“Pumogi ka lalo ah?” puri ko sakaniya na ikinatawa niya.
“How's US?” dagdag kong tanong. He's one of my childhood friends. Siya ang pinakamatagal ko ng kaibigan. Good thing we didn't lost communication at all.
Malapit din kasi sa amin iyong ate niya.
“Good. I guess.” kibit-balikat miyamg sagot saka ngumiti. “You became more beautiful, Mari.” puri niya sa'kin dahilan na matawa ako.
“Oo nga...”
“Mas lalo akong pumangit.” sabi ko saka tumawa ulit.
Nakita kong sumeryoso ang mukha ni Peter at umiling.
“Stop derogating your beauty, Mari.” napabuntong hininga na lang siya.
Umirap ako.“I'm not diminishing myself, petes. I'm stating the fact.”
Umiling siya.“I know how beautiful you are, Mari. Alam kong dalawang taon lang ang pinagsamahan na'ting dalawa. I know what's the main reason why you're acting like this. Hindi ka ba napapagod? It all happened ten years ago. Masyado ka nang umaasa.”
Oh that...
Napayuko ako. “I trust him and let's not talk about it, please.” seryoso kong saad.
He sighed. “I'll be here, I'll help you in everything.” mahinang sambit niya. Inangat ko ang ulo ko.
Tipid akong ngumiti.“Thank you.”
“Are you still searching for him?” biglang tanong niya. I don't want to talk about this but...
“Yes...” parang bulong kong sagot.
“I'll help you with him, Alright?”
“Kahit wag na, madami kanang ginawa sa'kin. By the way bakit ka andito?” sinubukan kong mag-iba ng topic at mukhang nadala naman siya.
“Umuwi si Ate kasi may aasikasuhin siya dito. She'll be staying here for a couple of days or a month I guess? At ako naman magpapaiwan muna. I'll sit in here for a few months. Gusto lang kitang makasama. I've missed you so much.” saka kinurot ang ilong ko.
Ngumuso ako.“Buti naman, akala ko ilang araw kalang magsi-sit in dito sa school.” nagtatampo kong sabi sakaniya. Napatingin ako sa paligid nang napagtantong wala nang estudyante. Oh no, late na ako!
“Petes, I better go. Late na pala ako.” natatarantang sabi ko. He checked his watch, nataranta rin siya. We bid goodbye to each other.
Tumakbo ako ng mabilis ngunit bigla na namang may humarang sa harap ko. Nanlalaki ang mata ko ng bumagsak agad siya sa sahig. Tumingin-tingin ako sa paligid at napansing wala na talagang estudyanteng tumatambay. Anong nangyari sakanya?
Binalewala ko muna ang pag-iisip na baka late ako. Mas importante ang kalagayan ng lalaking ito ngayon. Tinignan ko kung sino siya at nanlaki ang mata sa nakita.
It's Dm Luzuriaga!
Nagdadalawang-isip ako kung tutulong ba ako kasi kaaway ko naman to eh. Umirap nalang ako sa inisip ko-May oras paba para mag-isip niyan? Tao pa din naman siya.
“Sandali lang magtatawag lang ako ng kaklase na'tin para mabuhat ka sa clinic.” paalam ko sakaniya kahit na hindi niya naman naririnig kaso nga nahimatay.
Tumakbo ako patungo sa classroom, magsisimula na sana sa pagdidiscuss ang prof namin ngunit dumating ako. Agad naman nagulat ang mga kaklase ko sa balita ko. Gusto sana nilang lumabas at tingnan kaso hindi pumayag ang prof. Dalawang lalaking estudyante ang pinayagan niyang lumabas para mabuhat si Dm. Lumabas din si Prof para asikasuhin kami kaya binilinan niya nalang ang class representative namin.
“Wala naman siyang lagnat at pilay. Kailangan na lang muna siyang ilipat sa ospital para matignan ng doctor ng maayos, kung papayag ho ang mga magulang niya.” suhestiyon ng nurse sa clinic. Kaming dalawa na lang ngayon ni Prof ang nagbabantay kay Dm.
Napabuntong-hininga si Prof. “Alright, tatawagan ko lang si Mr. and Mrs. Luzuriaga sa nangyari.” paalam niya saka lumabas.
“Jowa mo?” napaangat ang tingin ko sa nurse. Nakangiti siya, “Ako po ba ang tinutukoy niyo, Sir?” takang tanong ko.
“Wala namang ibang matatanungan kundi ikaw.” natatawang sagot niya. Eto pala ang tinutukoy nilang poging nurse. Shift niya ata ngayon.
Tipid ako ngumiti at umiling.“Hindi po, hindi ko nga ito k-kilala.” sinungaling.
Ngumiti lang rin siya at umiling-iling saka bumalik sa lamesa niya. Ilang sandali ay dumating na si Prof. Ililipat daw sa ospital si Dm para matingnan. Unang akala ko ay hindi na ako kasama, ngunit kailangan daw ng witness sa totoong nangyari. Excuse naman daw ako sa iba kong periods.
Dm's Point of View
I woke up in a very unfamiliar room. Agad akong napabangon at napagtantong nasa ospital ako. What happened?
“Ayos kana ba?” agad ako napatingin pamilyar na boses na iyon. She's sitting on the couch. She's still wearing a school uniform. I was stunned with what I'm seeing right now.
What the hell is she doing here?
“Bakit ako nasa ospital?” tanong ko habang nakahawak sa ulo ko. I could still feel a slight pain.
Umirap siya sa'kin. “You collapsed. Thanks to you, hindi ako nakapasok sa klase ko. Hindi ko na mahahabol ang lessons.” sarkastiko niyang sabi.
Marunong na siyang sumagot ah?
I suddenly recalled what happened. Patago ko silang pinakikinggan kanina.
Yeah right, alam kong masyado na akong chismoso. Nag-uusap sila tungkol sa isang lalaki, I don't know why it triggered me. But the guy whom she was talking to was named Peter. Somehow that guy resembles someone that is very familiar. Pagkatapos nun ay nakaramdam ako ng sakit sa ulo at hindi ko namalayan na natumba na pala ako.
“Dinala mo ako dito ng mag-isa?”
Sumimangot siya. “Mukha bang kaya kitang bitbitin mula paaralan hanggang dito?” mataray niyang sabat.
This girl. Tss.
Kumunot ang nuo ko.“Who helped you then?”
“Nasa labas si Prof, kausap ang magulang mo.” sagot niya.
“They're here?”
Sasagot pa sana si Nerdy-panget nang bumukas ang pinto. Kasabay nun ang pagtumbad nina Mom, Dad at nung Professor na hindi masyadong kilala.
Agad akong niyakap ni Mom at ginulo naman ni Dad ang buhok ko. Sumimangot ako at nakaramdam ng hiya. Do I look like a ten year old boy to them?
“Mom...” I groaned out of annoyance.
“Honey, you got me worried.” mahinang sambit niya saka kumalas ng yakap.
Bago paman ako nagsalita ay umeksena na agad iyong professor na nasa gilid. “Mr. and Mrs. Luzuriga, I think our work here is done. We'll go now.”
“Ms. Adillos?” rinig kong sabi ni Prof saka bumaling kay Nerd. Tipid na tumango si Nerd at tumayo na.
Agad namang nagpasalamat si Mom at sakanila. Nakipagkamayan sila kay Elyjha. Nang makaalis sila ay agad akong hinarap ni Mom.
“Son... That Adillos...” aniya sabay turo sa pinto kung saan lumabas si Nerdy-panget. Sa tingin ko alam ko na ang nasa utak ni Mom.
Tumango ako at napahawak siya sa bibig niya. Let's how will she react, my mom usually like girls with fashion sense. She prefers prim and proper women. My mom is very picky when it comes to girls.
“She's the fiancè, son?” hindi makapaniwalang tanong ni Mom.
Ngumisi ako.“I know right, mom. She's too ugly-” agad niyang tinampal ang paa ko dahil sa sinabi ko.
“Stop it, she's not ugly! She'll be gorgeous. Bakit hindi mo sinabi agad? Edi sana pinaiwan ko dito ng makausap na'min or maybe pinahatid ko sa driver na'tin.”
What? Akala ko lalaitin niya. What the heck, Mom?
“I'm too lazy, besides makikita niyo naman siya,” I smirked at the end of my word.
I can't wait to see you, nerd... To see you suffer.