3: Ridiculous Offer

1603 Words
Happy reading __ Elyjha's Point of View Sa tanang buhay ko ngayon lang ito nangyari. Tumakbo ako patungo sa locker ko. They're all looking at me like I'm the most disgusting creature in the world. Wala akong kasalanan, kung gumanti man siya dahil nakita ko siya kasama ng kaibigan ko habang ginagawa iyon. Hindi ko naman kasalanan iyon. What they're doing is public display acffection. Bukas sa lahat iyon, buti na lang at ako lang ang nakakita. I timidly get my PE uniform in my locker. "Ops... may tumangka pa atang magrape kay nerd." natatawang asar ng mga tao sa paligid. “Are you trying to seduce us with your ripped skirt, nerdy-pants?” rinig kong asar ng mga kalalakihan. Yumuko ako, this is too much. Hindi mo nalang pinansin ang pang-aasar nila. Padabog kong isinara ang locker ko at tumakbo na sa CR. Nang makarating dun ay panay ang tingin nila sa likuran ko. Like they're making fun of me using their faces. Kinain na ng kahihiyan ang buong pagkatao ko. Dumiretso ako sa isa sa mga cubicle at nagbihis. My tears began to flow slowly. Pinigilan ko ang maghagulgol at habang nagsusuot ay wala pa'ring pigil ang pagtulo ng luha ko. Lumabas ako ng nakayuko. Bumalik ulit ako sa locker at kinuha ang bag ko roon saka inilagay ang uniform ko. Nakangisi pa'rin ang iilan sa'kin na parang may ginawa akong makabuluhan. Napabuntong-hininga ako, bumalik ako sa classroom na mugto pa'rin ang mata. Balak kong kunin ang folder ko. I feel solaced when I reached the room empty. I looked for my seat, there are some traces of papers that got stuck to it. Mukhang pati ang folder ko nilagyan niya ng glue... Napakagat ako sa labi, please sana mahanap ko kahit yung laman nalang, ipapasa ko na iyon bukas. Sinuri ko ang bawat sulok ng classroom. May natanaw ako na puting bagay sa basuharan at agad ko iyong tinignan. Tama nga ang hula ko, folder ko 'yon. Agad kong kinuha iyon at tinignan ang laman. Ang daming kusot, ano ba iyan uulit na naman. Lumabas ako sa classroom ng naluluha. Pinaghirapan ko kasi to, ayaw kong ipasa ito ng gusot at madumi. Tinanggal ko ang glasses ko dahil nanlalabo na ito dahil sa init ng mata ko. Ang daming nangyari ngayon sa'kin. Hindi ko mapigilang umiyak, dala na'rin ng death anniversary ngayon nina mommy at daddy. Umiiyak kong inaayos ang folder ko ng biglang may umabot ng panyo sa'kin. Napaangat ang tingin ko. Hindi ko inaasahang siya ang magbibigay. Nanghihina ang tuhod ko sa kaba. It's Jm, isa sa mga matalik ni kaibigan ni Dm. Andito din ba siya para pahirapan ako? Umiling ako at tinalikuran siya."H-hey, wait..." sabay pigil sa'kin. Hinarap ko siya. "Hindi ko man alam kung bakit ka umiiyak pero alam kong makakatulong ito." sabay lahad ng panyo sa'kin. Tinignan ko lang siya at hindi nagsalita."Uhm... Don't worry, I'm no harm." depensa niya. Nanginginig kong tinanggap ang panyo niya at nagpunas sa mukha niya."Sabi nila kapag ikukwento mo ang nararamdaman mo sa iba, gagaan ang pakiramdam mo. Hindi tayo close kaya pwede mong i-kuwento ang saloobin mo, I won't judge." nakangiting sabi niya. Everything went light. Naging komportable ako sakaniya. Dahan-dahan ding gumaan ang loob ko ng makilala siya. Gusto ko sana siyang tanungin kung bakit hindi siya gaya nung kaibigan niya. His name is Josh Marlon Rivera. Hindi ko alam ang pangalan niya pero nakikita ko siya palagi na kasama si Dm. “Bakit hindi ka kagaya nung bakulaw na iyon? Hindi ba't magkaibigan kayo?” Kumunot ang noo niya, “Pero hindi ibig sabihin nun ay magkapareho na kami ng ugali. You guess, it depends on how you look at me anyway.” “Why does it sound like he did this to you?” dagdag na tanong niya. “Hindi naman,” I lied. Gusto ko pa sana siya tanungin ng iba pa, but I guess our conversation will be useless. Kinuwento ko sakaniya ang nangyari sa'kin. I didn't bother telling him na gawa ito ng kaibigan niya. Nakaramdam ako ng comfort sakaniya, a good company. Habang tumatagal ang usapan na'min ay nagbabatuhan na kami ng mga biro. Dm's Point of View This is absolutely not me. Hindi ko alam bakit nakokonsensya ako sa ginawa ko. Napatingin ako sa babaeng nakahubad sa aking tabi at mahimbing na natutulog. Geez, I could not even remember her name well. We just got finish doing it. Well I don't care, I want her out already. Tumayo ako at nagsuot ako ng pants. Umuga ng kaunti ang kama. Rason kung bakit nagising siya at napabangon. "What are you doing handsome?" tanong nito na may pang-aakit sa boses. Damn, I'm not in the mood right now. I need to throw her out of my condo. I reached out my wallet at the side table to some cash. "Take these and grab a taxi. Get out." malamig kong utos sakaniya at marahang binigay ang pera ko sakaniya. Imbes na tanggapin niya ito ay sinampal niya ako."Marami akong pera, jerk! You're an a**hole!" galit niyang singhal sa'kin. "Then, get the hell out." mariin kong sabi. Dabog siyang tumayo at nagbihis. "Pagkatapos kong painitin ang hapon mo, itatapon mo nalang ako nang ganito? How dare you!" sabay duro sa'kin. I looked at her boredly. "Hurry up." utos ko. "You're one of a hella heartless man!" di niya makapaniwalang sabi saka umalis. Napasalampak ako sa kama ng biglang may bumukas ng pinto. Napalingon ako at nakita ang nakakatanda kong kapatid. Tila nandidiri ito sa laman ng kwarto ko. "May nakasalubong akong babae. Did you two just do it?" my older sister asked while wearing her grimaced face. "Hindi ko sila dinadala dito kung walang mangyayari." Nakita kong umiling-iling siya at parang dismayado sa sagot ko. "Your room is full of girl stuffs! Mukhang lost and found na! Nakakadiri ka. Argh, tatawagan ko si Yaya mels para linisan ang condo mo!" Hindi na ako umimik pumikit na lang ako. Narinig kong nag-uusap nila ng kasambahay na tinutukoy niya. I'm tired. "Ano ba! Bumangon ka diyan, we need to talk about your upcoming marriage." napamulat ako sa sinabi niya. Marriage? What the fvck? "What hell are you talking about, Sydney?" kunot-noo kong tanong. Umirap siya at napahalukipkip. "Magpapakasal ka and please call me ate!" Useless. She just translated it. "I can't believe this, kanino ako magpapakasal?" "She's also a student in RLU." "Why should I marry her huh? And who the heck is she?" tumaas ang boses ko habang sinasabi ko iyon. That old man is very manipulative and so are my parents! Hindi paba sapat sa pamilya ko na ikasal si Ate Sydney sa hindi niya kakilala? “Kaya magbihis kana! We'll talk outside. Ang bantot ng room mo!” aniya saka tinalikuran ako. I groaned out of frustration. Ano na naman ang pinaplano nila? And they think that they can tame the fvck out of me? No. Elyjha's Point of View Kasalukuyan kaming nasa sala ni Kuya. Kakabisita lang na'min sa puntod ng mga magulang na'min. Bumisita na'rin kami sa puntod ni Lolo. Hindi na ako umiyak kasi nalabas na kanina. Nakaupo ako ngayon sa sala. May pag-uusapan daw kami. Mukhang seryoso itong pag-uusapan na'min dahil ramdam ko ang kaibahan ng pananalita ni Kuya. “Do me a favor sis." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Alam kong mahirap itong hinihingi ko,” dagdag niya. Nagkibit balikat ako at nagsalin ng tinimpla niyang juice na nakalagay sa mini table ng aming sala. "Ano ba 'yon kuya?" baling ko sakaniya at binalik ang tingin sa juice. Kumuha rin ako ng isa pang baso at nagsalin ng juice para sakaniya. Napabuntong-hininga siya na tila alanganin sakaniyang sasabihin. Hinayaan ko nalang muna siyang mag-ipon ng lakas kaya uminom nalang ako. “Do you know one of our lolo's friend? Hindi ako sigurado kung natatandaan mo pa siya. But he often visited our house when we were just kids." “Hindi ko maalala, kuya. Bakit? Ano bang nangyari sakaniya?” takang tanong ko. Namatay ba? “Sakaniya binenta ni Lolo iyong kompanya na'min. It was already a falling company when he sold it to his friend. Yet, he bought the company name together with all of the stock. Ngayon lumalago na iyon.” Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. What? I haven't heard of it for a long time. Akala ko ay wala na talaga iyong kompanya. “Sigurado ka ba riyan, kuya?” He nodded, “Yes. He contacted me a week ago. He offered a deal to be exact. Hindi ko nga alam kung paano niya nalaman iyong numero ko.” “At naaalala kapa niya?” Umirap si Kuya sa sinabi ko, “Whatever. Ngayon ko lang sinabi ito sa'yo dahil nagdadalawang-isip pa ako.” “Bakit ano bang gusto niyang mangyari?” may takang tanong ko. “To let you marry his grandson.” Nanlalaki ang mata ko sa sinabi niya at naibuga ko ang juice sa mukha niya. Hindi ko naman sinasadya na, nagulat lang talaga ako. Napatingin ako sa mukha ni kuya, napahawak ako sa bibig. Gusto kong matawa na'rin kaso nakatingin siya ng matalim sa'kin. Dali-dali akong kumuha ng tissue at ipinunas sa mukha niya. Hinawi niya ito ng mahina at umirap. "Magbibihis lang ako. Thank you very much, sis." sarkastiko niyang sabi. Pero bago pa siya tuluyang umalis sa harapan ko ay may binilin siya sa'kin. "Dito ka lang, hintayin mo ako dito. Mag-uusap pa tayo." saka tinalikuran ako. Nang makaalis siya ay doon na lahat nagsink in yung kanyang mga sinabi. Ako? Magpapakasal? Anong kagaguhan ito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD