Happy reading
___
Elyjha's point of view
It's our vacant time. Wala kaming pasok sa isang subject namin sa kasalukuyan. Nagkataong parehas kami ni Marsee na walang pasok. Inaya ko siya na sabay na kaming magsnacks sa cafeteria. Marsee is my walking diary at ganun din ang tingin niya sa'kin. I trust her so much just like how she trust me too.
Nang maka-order na kami ng pagkain ay napansin kong kanina pa ito nakabusangot. Mag-iiba lang ito ng ekspresyon sa mukha kapag kakausapin ko siya pero ang cute naman niyang tignan sa eyeglasses niya. Naging maamo at hindi tumaray ang mukha niya dahil sa eyeglasses sa suot niya.
“Anong nangyari sa'yo bes?” takang tanong ko habang nakabusangot parin ang kaniyang mukha.
Umiling ito at ngumiti ng pilit. “Nanggigigil kasi ako sa mahalay na lalaking iyon.”
Kumunot naman ang nuo ko sa sinabi niya. “The who?”
Umirap siya dahil sa kaiinisan.“Glenn Marcus Fernandez.”
Natawa naman ako sa sinabi niya, iyon kasi ang isa sa kaniyang pinakaiinisan simula nung 1st year highschool palang kami.“Bakit naman?” natatawang tanong ko.
Sinamaan niya ako ng tingin habang ako tumahimik na lamang.“Ayain ba naman ako sa kaniyang condo at infairness ngayon niya lang ako nakilala baka siguro akala niya isa ako sa mga marurupok na nerds. Aba'y sa ganda kong 'to hindi niya man lang ako mapapansin. Siya nga kilala ko simula nung lumipat siya dito sa RLU eh!”
Napangisi ako sa inakto niya.“Alin ba dun ang kinaiinisan mo? Yung hindi ka niya napansin dati o dahil dun sa inaya ka niya sa condo niya?”
Agad naman nanlalaki ang kaniyang mata.“O-ofcourse, dahil dun sa... sa inaya niya ako sa condo niya!”
Nagkibit-balikat na lamang ako.“Jeez kalma lang bes saka bilisan na natin ang pagkain.” sabi ko saka isinubo ang isang piraso ng potato fries.
Napahinto ako sa pagkain nang biglang may tumabi sa'min. She's wearing a very short RLU skirt and a tight school uniform which made her body curved more. Napaangat ang tingin ko sakaniya, and now she's grinning from ear to ear. Napunta ang tingin ko kay Marsee na nakatayo at nakataas ang kilay.
“What are you doing here, Valerie?” mahinahong tanong Marsee habang naka-cross arms.
“Oh? Am I not welcome na?” nakangusong tanong ni Valerie, napa usog naman ako dahil sa pag-upo ni Valerie sa tabi ko. Hinawakan ko ang kamay ni Marsee, lumambot naman ang mukha niya at napaupo.
“Ba't ka nga pala napunta dito, Val?” takang tanong ko sakaniya at siya naman ay sumimangot lang siya.
“Dm and I had a little misunderstanding kanina, my friends thought that we already broke up but no, hindi ko hahayaang makipag hiwalay si Dm sa'kin. Kaya heto hindi nila ako tatanggapin kapag hindi magiging kami ni Dm ulit.” buntomg hininga niyang sabi at tipid na ngumiti.
“Don't worry I'll find a way para maayos ko ang problema ko with my friends and my Dm.” maarteng dagdag nito.
Rinig kong tumawa ng mapakla si Marsee sa sinabi niya. “Seriously? Friends? Bakit kaibigan din ba yung turing nila sa'yo?”
Umirap naman si Valerie at sandaling sinubo ang kaniyang pagkain saka nagsalita.“I need them, Mars. I need them to reach my dreams and in order for me to gain popularity. You two can't help me to reach my dreams.” sabi niya saka uminom ng juice.
Nakita ko kung gaano nagalit si Marsee ng sabihin niya iyon. “Are you that desperate, Valerie? Why? Bakit hindi ka kuntento? We helped you! We changed you! Tapos ganito lang yung isasaoli mo sa'min?” inis na asik nito habang dinuduro si Valerie.“You know what? Just leave!” galit na taboy ni Marsee.
“Bes, calm down! You're creating a commotion.” saway ko sakaniya ngunit parang balewala lang ito sakaniya.
“It's better to create a scene here rather than makasama ko ang babaeng ito.” nagulat ako sa sinabing masasakit na salitang binitawan ni Marsee.
“Marieleigh Seeyanara just please,” pakiusap ko sakaniya at dun niya pinakalma ang sarili saka binaling ang tingin ko kay Valerie.
She just shrugged.“It's true anyway,” saka muling ininom ang kaniyang juice.“At hindi ako magpapaligoy-ligoy pa. I joined here dahil gusto kong imbitahan kayo sa despedida ko. Lilipat na ako ng Harvard University next week, balak pa kasi ni Dad na palawakin yung business namin. At kapag tapos na ako, babalikan ko na si Dm.”
She's smart but somehow she's stupid for love.
“Ganun kaba talaga ka baliw kay Dm?” tanong ko sakaniya at ngumiti naman ito ng napakatamis. “Oh darling, malalaman mo ‘yan kapag inlove kana and for your question, yes baliw na baliw ako sakaniya.”
Hindi na ako magugulat kung gaano siya kabaliw kay Dm dahil sobra-sobra na ang pruweba na nakita ko kahapon. Siya iyong babaeng nakipagtalik kay Dm kahapon duon sa malapit sa dirty CR. Hindi ko alam kung mag-aalala ako o maiinis sa ginawa niya, hindi ko matanggap na gagawin niya iyon dahil lang sa kahibangan niya. Hindi ba niya man lang ba ako namukhaan nung nakita ko sila kahapon o nagpapanggap lang ito ngayon na parang walang may nangyare?
I just nodded at tahimik na sumubo ng aking pagkain. We remained silent hanggan sa matapos ang vacant namin saka dumiretso sa sariling subject period namin.
Hawak ko ngayon ang palagi kong binabasa na libro habang nakaupo sa silya ng aming silid. Napairap ako sa hangin at iritadong ibinalik ang tingin sa aking libro. Hindi ako makakapagbasa ng maayos dahil sa ingay ng mga blockmates ko, ngunit mas mababagot ako at mamamatay dahil sakanilang ginagawang noise pollution sa loob. Puro yabang lang ata ang pinunta dito sa RLU at hindi para mag-aral.
Ibinaba ko ang aking libro at tinignan ang bumukas na pinto ng aming silid. Dahan-dahang tumumbad ang pagmumukha ng isang lalaking pamilyar sa'kin. Tumama ang mga mata namin, nagkatitigan kaming dalawa at saka ngumisi ng nakakaloko sa'kin. Umiwas ako ng tingin at halos hindi man lang naramdaman ang bawat tili ng aking mga kaklase. Nang rumehistro sa utak kong siya nga iyong pumasok dito ay bigla akong nataranta.
Why the hell he's here?Why is the infamous Dm Luzuriaga is standing rightin front of us now?
“Hi ladies.” nakangising bati niya sa lahat ng kababaihan dito at nagsitilian naman ulit, hmm well except me 'cause I'm not one of his die hard fans
“Class, minimize your voice!” napatingin ako sa kararating naming prof, “Mr. Luzuriaga will be your blockmate for the whole year, so treat him nicely.”
Are you kidding me?
Nagsibulungan ang lahat sa sinabi ng prof namin. Halos lahat ng babae yata ay conscious na sa kanilang mga make-up. I irritatingly look at them as they fix theirselves and watch how they crazily want his attention.
Dumiretso si Prof sa harap ng table at pinalpag iyon rason kung bakit silang lahat ay natahimik.“I said minimize your voice! Mr. Luzuriaga please seat beside...” nilibot nito ang tingin sa bakanteng upuan.
I sigh in relief when the seats are all occupied near me.
“Oh, there—” itinuro na sana ni prof ang kaniyang mauupuan ngunit naputol ito ng lumakad siya papuntang likuran.
I'm starting to feel nervous, dahil nasa likuran ako!
Uh-oh mukhang dito ang bagsak niya sa'kin. Mabilisan akong napayuko at pumikit ng todo.
"This. is. my. seat" rinig kong halos may diin sa bawat kaniyang pagbigkas
Mabilis ding umalis yung lalaking nakaupo sa tabi ko. Parang gusto ko siyang pukulan ng matalim na titig. Sana hindi na lang siya umalis e upuan niya ito e! Mas lalo tuloy akong pinagtitinginan ng mga kaklase ko and I hate it.
“Oh alright then, seat wherever you want.” rinig kong sabi ni Prof.
Curse the guy who immediately go! Sino ba tong bakulaw na to para sundin niya. Argh!
Napabuga ako sa hangin dahil sa kaba na nararamdaman ko ngayon at dahil na rin sa inis. Hinding-hindi ako magiging komportable sa katabi ko 'cause it bothers me so much na baka hindi na ata ako makakapag-concentrate sa klase mamaya. It'll be the death of me!
Dm's Point of View
Ngumisi ako ng maramdamang hindi siya komportable na katabi ako. Hindi ito makatingin sa'kin at nagiging balisa ito. Is she scared of me? I chuckled slightly on that simple thought.
Naghihintay lang ako ng tiyempo para makaganti sakaniya, I really hope that there will be a chance to set a revenge on her.
“Anyone, who can go to the board and solve this problem?” nilibot ko ang aking tingin ngunit wala ni isa ang nagkusang itinaas ang kanilang kamay pwera na lang sa katabi kong panget.
“As expected.” nakangising sabi ni Prof, ngumiti naman ng bahagya si panget at dahan-dahang tumayo sa kaniyang kinauupuan.“I-I'll try p-po,” anito saka lumakad patungo sa blackboard.
“You always say that, tama ka naman palagi.” isang ngiti muli ang sinagot ni Panget kay Prof.
Suddenly an idea popped into my mind. Ito na siguro ang tamang pagkakataon, nagplano ako ng mabilisan dahil kanina ko lang nalaman ang pangalan niya noong pumunta ako Dean's office. She's actually the top 1 of our batch. Napapunta ako doon dahil may pinapakuha sa'kin si Lolo and because I'm lucky, nakita ko ang pangalan niya na nakapaskil sa pader. Top 10 outstanding students of RLU.
I remember what I said to the dean earlier.
“Let me join in the class of section A.”
Nagulat naman ang mukha noong dean. Napahinto ito sa kaniyang ginagawa.
“Sigurado kaba diyan? Sasabihin ko muna ito sa lolo mo, M-mr. Luzuriaga," tila may pag-aalinlangan pa sa boses.
Pinanliitan ko siya ng mata, “Why can't you just transfer me in? Ako ang apo niya. You must be aware of that, oldie.”
Nataranta siya sa sinabi ko, “A-alright... bukas agad, Mr. Luzuriaga.”
“I want it now,” I said in very demanding tone. I want to take my revenge as much as possible.
“N-ngayon?!”
“Why? Do you have a problem with that?”
Agaran naman siyang umilin at inasikaso agad iyong paglipat ko.
Now back to the real topic, I need to make this quick. Nilibot ko ulit ang aking tingin upang tignan kung lahat ba ay naka focus sa pisara, at nakatuon nga ang tingin nila sa pisara.
Inilabas ko ang binili kong super glue at dali dali kong binuksan ang takip nito. Nilagyan ko ang ilalim ng kaniyang notebook at folder ng pandikit pati narin yung dulo ng upuan.
Lalagyan ko pa sana sa may puwetan ngunit tapos na pala siyang sumagot. Dali-dali kong inayos ang sarili ko nang makitang papabalik na ito sa upuan niya.
Nang makitang umupo siya ay inipit ko ang magkabila kong labi para mapigilang ang pagtawa. She's too naive to notice it, pero ayos na rin iyon para maipapatuloy ko ang susunod kong plano mamaya.
—
“Okay class dismiss.”
I smiled devilishly when I heard it. Napatingin ako sakaniya na nahihirapang kunin ang notebook at folder niya sa armchair niya. Nakita kong umalis na ang prof namin.
Now that she's distracted, gagawin ko na nag pinakahuling higanti ko. I hope this will work...
“Fvck, may ipis sa ulo mo panget.” kunyaring nandidiring sabi ko kahit wala naman talagang ipis.
Napahinto siya sa ginawa niya at napatingin sa'kin ng nanlalaki ang mata. Tumili siya ng sobra dahilan na napatingin sa'min ang ka-blockmates namin. Bigla itong tumayo ng mabilis habang ginugulo ang kaniyang buhok.
May biglang tumunog at natahimik ang lahat. Tunog iyon ng napunit na tela, kaya hindi ako nagdalawang isip na ang skirt niya iyon.
Gumuhit ang kahihiyan sa kaniyang mukha at dahan dahan na inabot ang banda kung saan naroroon ang punit.
Ngumisi ako sakaniya at siya naman ay iniwas ang tingin. Yumuko siya at dali-daling lumabas. Narinig ko ang ilang tawanan ng mga kaklase nang makita nilang punit yung likuran ng skirt niya.
Napatingin ako sa folder at notebook niya na nakadikit pa'rin sa armchair. Should I return it to her?
Umiling ako at hinarap ang isa pang babaeng katabi ko.“Clean this mess,” walang emosyon kong utos saka lumabas na.
For too much curiosity to what happened to that nerd. Hindi ko maiwasang hanapin kung saan siya. I want to see it she's regretting it already.
“Babe, could you please tell me where are you going?” naiinis na tanong ng babaeng sunod ng sunod sa'kin. I don't even remember her name. I just flirted tapos ganito na ang nangyari.
Iritado ko siyang binalingan,“Hell. Sama ka?” maikling sabat ko saka nagpatuloy ulit sa paglakad.
“Ofcourse babe, kahit saan ka pa pumunta. Anyway, you're hotter than hell.”
Sasagot pa sana ako ngunit may narinig akong ilang tawanan na gumulo sa isipan ko. Lumingon ako dun at nakita ko si Elyjha na nakikipagtawanan sa isang lalaki. natatabunan niya ito dahilan na hindi ko makita ang mukha ng lalaki.
Hindi ako nagdalawang-isip na hinarap ang babaeng kausap ko kani-kanina lang.“Okay, let's go to my hell.” nakangising sabi ko.