Chapter 4

2473 Words
"Anong pumasok sa isip mo at nag-try out ka sa soccer for girls? Look what happened to you!" Nakauwi na galing hospital si Carly at kasalukuyang kausap sa kwarto niya si Vince na kanina pa sermon nang sermon. Luckily, wala namang nakitang fracture at injure sa xray niya. Normal rin ang CT scan niya na hindi kinakitaan ng head trauma. Sinabi ng doctor na walang dapat ikabahala, pero sobrang nag-alala pa rin ang magulang ni Carly dumagdag pa si Vince. Gusto nga siyang i-admit sa hospital nila, pero nagpumilit siyang umuwi. Ayaw niya ang ambiance sa ospital. Pakiramdam niya kahit wala siyang sakit, magkakasakit siya roon— maamoy pa lang ang pinagsamang amoy ng alcohol at gamot. Ngumuso si Carly. Nakaupo siya sa ibabaw ng kama niya yakap ang malaking teddy bear. Hinila naman ni Vince ang vanity chair sa harapan niya at naupo roon. "You told me to wait for you! It's your fault, Vicente!" "Huh?" Gulantang ito sa pambibintang niya. "Anong kasalanan ko?" "Nag-uusap kami ni Ari sa labas ng fences tapos biglang dumating yung coach na 'yon. Akala niya kasama kami sa mag-ta-try outs!" Napakamot ito sa ulo. "Eh, bakit 'di niyo sinabing, hindi naman nandoon para mag-try out?" "She yelled at us! Natakot kami ni Ari kaya sumunod na lang kami sa kaniya." Parang batang humalukipkip si Carly. Tumayo naman si Vince at naupo sa tabi niy. "Sa susunod nga sa library mo lang ako hintayin. Teka, sure ka hindi masakit ulo mo?" Hinawakan pa nito ang ulo niya. "I'm fine. You've heard the doctor says nothing to worry about." Nilingon niya ito nang maalala ang lalaki kanina. "Anyway... yung kasama mo kanina.. Parang ngayon ko lang siya nakita... bagong varsity ba 'yon?" Dahil sa madalas niyang hinihintay si Vince tuwing may practice at may mga pagkakataong isinasama rin siya ng kaibigan sa play offs at victory party, nakilala na halos lahat ni Carly ang buong soccer team. "Oo, transferee galing sa Summerfield University. Star player nila roon. Kaya lang nagkaproblema ata kaya lumipat rito sa atin." "Oh... star player..." interesante at patango-tangong usal niya. Hindi na nagkaroon ng pagkakataon si Carly na malaman ang pangalan ng lalaki at mapasalamatan man lang sa pagkarga sa kanya papunta sa kotse ni Vince. Hindi na kasi ito pinasama ni Vince sa hospital. "What's his name again?" Tanong niya ulit. "Bakit mo tinatanong?" Tinaasan siya ni Vince ng kilay. "Crush mo?" Napatitig si Carly sa kaibigan bago malakas na tumawa. "Crush?" Ang mga tao talaga, oo! Tinanong lang ang pangalan crush kaagad? "Binuhat niya ko kanina, remember? Malamang gusto ko siyang pasalamatan!" "Tssss!" Ingos nitong halatang hindi pinaniwalaan ang sinabi niya. Pagkatapos ay pinitik siya sa ilong at tumayo saka naglakad papunta sa pinto. "Aray!" Angal ni Carly na hawak ang ilong at masama ang tinging nakasunod ritong lumalabas ng pinto. Akala niya umalis na ang bwiset pero bigla na lang sumungaw sa bumukas na pinto at ngumisi. "Wag mo na alamin! Hindi ka papatulan no'n! Hindi 'yon mahilig sa childish!" Sabay alis. Siya childish? Oh, bakit? At least cute... Umiirap at pabagsak na humiga si Carly sa queen size bed na napapalibutan ng mga stuffed toys. Yakap ang teddy, tulala siyang tumitig sa pastel pink na kisame ng silid, umiisip ng paraan paano mapapasalamatan ang lalaking dalawang beses ng tumulong sa kaniya. Bumangon siya at kinuha ang cellphone sa bed side table saka gumulong padapa. Nag-scroll si Carly papunta sa social media profile ni Vince. Napatigil siya nang madaanan ang group picture ng soccer team kasama ang coach nila. Medyo malayo ang kuha pero nakita kaagad niya ang hinahanap. Clinick niya ang picture para lumabas ang mga pangalan ng profile na naka-tagged roon. "River Matthew Andrius..." mahinang banggit niya sa pangalan ng lalaki habang tinititigan ito sa larawan. ——— KINAUMAGAHAN, tulad ng daily routine nila sinundo siya ni Vince sa bahay. Hindi pa rin tumigil sa pang-aasar sa kaniya buong biyahe hanggang sa maihatid siya nito sa classroom. Ipinasya pa naman ni Carly na isauli kay River ang damit nitong isang linggo na sa kaniya. Balak niyang daanan sana ang lalaki after class sa practice nito mamaya. Pero siguradong lalo siyang aasarin ni Vince. Imposible naman kasing wala ang bwisit na 'yon doon! "Uy, bakit inaasar ka ni Vince?" Tanong ni Llana na bitbit ang lunch bag nito at tumayo sa tabi ni Carly na naghahalungkat sa bag niya. Sinulyapan niya ito habang pinagbubutihang kapkapin ang hinahanap. "Naalala mo yung kinuwento ko sa 'yong nagpahiram sa 'kin ng shirt?" "Oo. Bakit?" "Guess what..." Hinarap niya ito nang makuha ang cellphone at wallet sa bag. "Varsity pala siya! At tinulungan na naman niya ako kahapon." "Ha? Paano?" Nagtatakang tanong nito habang papalabas sila ng classroom. Magka-abrisyete ang mga braso na binaybay nila ang pathway papuntang canteen para mananghalian. Palaging may baon si Llana, tinitipid kasi nito ang allowance na nakukuha sa scholarship at sa kakarampot na kita sa part time nitong pagbabarista sa coffee para may ipambayad sa bills, rent at mga pangangailangan. Habang siya naman ay bumibili lang ng pagkain. "Pinagkamalan ba naman kami ni Ari na magtatry-out for girl's soccer team!" Bumungisngis si Carly nang maalala ang katangahan nila kahapon. Nagsama ba naman ang parehong, inosente at matatakutin. "Oh, tapos?" Pag-uusisa nito pagpwesto nila sa bakanteng pandalawahang mesa. "Knowing you two... siguradong disaster." "Yeah. I was hit by a soccer's ball in the face! I fell on the grass!" Exaggerated na bulaslas ni Carly na itinuro pa ang mukha. Napasinghap si Llana at napatakip sa bibig. "Hala, nakapagpatingin ka pa sa doctor?" "I'm fine.. I'm fine..." winasiwas niya ang kamay. "Anyway, Vince who was with the guy who lent me his shirt came up to me... di niya ako mabuhat dahil may mild injury pala siya sa arms.. kaya nagprisinta yung guy na buhatin ako.." Pailing-iling na binuksan ni Llana ang lunch bag at inilabas ang baon roon. "Sa susunod nga mag-iingat ka. May pagka-lampa ka pa naman." Pangangaral nito sa kaniya. "Yes, Ma." Ngumuso si Carly at nagtungo na sa tabi-tabing kainan. Huminto siya sa harapan ng isang mexican food stall. Pinag-krus ang mga braso sa dibdib at tumingala sa menu kahit halos kabisado na niya ang mga pagkain rito sa canteen. Wala lang, baka may bago pala. Hindi pa siya nakakapagdesisyon nang oorder-in nang maramdaman niyang may tumayo sa tabi niya. Nanatili namang nakatuon ang pansin ni Carly sa menu. Inaakalang tulad niya’y pipili rin ito ng bibilhin. “Anong masarap diyan?” “Miss?” Kumunot ang noo ni Carly na pinanatili ang tingin sa mga pagkain habang naririnig ang lalaki sa tabi niya. Kawawa naman siya, hindi pinapansin ng kausap niya. “Suplada ka pala kapag gutom, ano?” “Ha?” Napapitlag si Carly nang maramdaman ang paghampas ng mainit na hininga sa pinsgi niya. Lumingon siya sa kaniyang balikat at napakurap nang halos dumampi ang labi niya sa pisngi ng lalaking nakatabi. Nakatingin ito sa unahan. Napaatras si Carly nang ibaling ni ang mukha sa kaniya. Kung hindi niya ginawa ‘yon baka naglapat na ang labi nila! “You…” pigil hiningang usal niya. Dumiretso ito ng tayo at pinamulsa ang mga kamay sa back pocket ng pantalon nitong kupasin. Noon lang niya napansin na sobrang tangkad pala nito. Mas matangkad pa kay Vince na 5’11 ang height. Nagmukha siyang duwende sa tangkad niyang 5’2! “May napili ka na? Anong order mo?” Parang tangang bumaling naman ang tingin ni Carly sa menu at bumalik rin kay River. “What are you doing here?” “Kakain?” Kunot noong sagot nito. Malamang, Carly! Ano pa ba sa tingin mong ginagawa sa canteen! s**t. Use your brain. Magtanong daw ba ng obvious!!! Hinamig niya ang sarili at tiningala ang lalaki na nahuli niyang pinagmamasdan siya. Nakaka-concious naman ito tumingin. “Anyway, thank you pala sa kahapon. And oh, yung shirt mo pala!” Natampal niya ang noo. Kung kailan naman may pagkakataon na maisoli ‘yon saka pa niya hindi dala ang bag. “Pa’no ko ba ‘yon isasauli. Nasa room yung bag ko?” Mas tanong niya sa sarili. “Daanan ko na lang after class sa room mo?” Nakagat ni Carly ang ibabang labi, mannerism niya kapag napapaisip. “Uh, meeting pa ako sa org. Kung gusto mo, ako na lang ang pupunta after ng practice mo? May practice kayo, right?” Tumango ito at bumaling sandali sa menu. “Ano nang gusto mo?” Turo nito roon habang nakalingon sa kaniya. “Oh…” kumurap siya at hinarap ang nakangiting tindera. He was probably hungry, kaya kanina pa tanong nang tanong anong order niya para ito naman ang maka-order. “Ate, isa pong tostillas tsaka beet quesadilla..” “Ganun na rin sa akin,” sabi naman ni River sa tindera sabay abot ng pera. “Bayad namin.” Napahinto si Carly na kumuha ng pera sa wallet at binalingan ang lalaki. “Hey, may pambayad ako.” Sabay inabot nga bayad sa tindera. “Ate, ito po ang bayad ko. Wag niyo po ibawas sa pera na inabot nito.” Napakamot sa ulo ang tindera. “Sa kaniya mo na lang ibayad. Wala na akong panukli rito kapag pinaghiwalay niyo pa ng boyfriend mo yang bayad niyo.” “What?” Namula ang pisngi ni Carly. “He’s not my boyfriend!” Ngumisi lang ang tindera na halatang hindi naniwala sa sinabi niya. Pagkabigay ng order nila, ipinilit ni Carly kay River ang bayad niya. Pero parang walang naririnig na umalis ito bitbit ang pagkain. “Bakit natagalan ka ata?” Tanong ni Llana pagbalik niya sa table nila. “I saw him again.” She said, sitting in front of her. “Nilibre naman niya ako! Nakakainis!” Tumawa ito at tinapunan siya ng nanunuksong titig. “Yiieeee, magkakaboyfriend ka na! At last!” Pagkatapos kumain bumalik sila sa classroom. Sunod-sunod na ang klase nila hanggang sa mag-dismissed ang professor sa last subject. Dumiretso si Carly kasama si Llana sa org. room para sa isang meeting de abanse. Ipinaskil na kasi sa bulletine board ang petsa kung kailan gaganapin ang mini fashion. Ang Diana's Secret Fashion Show! "We need to push through. Hindi na tayo nakasali last year. Pati ba naman ngayong taon?" Kasalukuyang nakatayo si Carly sa harapan ng mga kasamahan. Iba-ibang opinyon ng bawat isa, pero iisa lang ang nangingibabaw sa kanila ang sumali. "I agree." Sang-ayon ni Adele. "Hatiin na lang ang gawain. Tutulong ako sa pag-gawa ng dress!" "Kami ni Berna ang bahala sa Props, Pres!" Suggestion ni Eva. "Siguraduhin mo lang na hindi ka MIA!" Segunda rito ni Berna. "Okay! Kami na ni Chichi ang mowdel! Hindi na kayo lugi sa amin!" Maarteng nag-posing ang dalawang bakla na sinamaan ng tingin ng ibang member. "Arte niyo! Sige, kami na lang hahanap ng model!" "We can do this team!" determinadong sabi ni Carly at itinaas pa ang isang braso. "Yessss!!" sabay-sabay na sagot ng mga ito except kay Llana na kanina pa tahimik at nagmamasid. Napabaling sila rito nang biglang magsalita ang babae. "Wait... kakayanin ba natin ang pressure" Tumayo ito at naglakad papunta sa unahan kaya gumilid si Carly. "You know how time consuming making a dress is. Hindi rin basta-basta ang pag-gawa ng props. At sinong model naman ang mapapasuot ng mga damit na gawa natin. Kung alam nilang may iba pang organization na mas kilala sa atin, right?" Hindi sumagot ang mga kasamahan nila. Nagkatinginan lang pagkatapos ay napaisip. Well, Llana has a point. Minsan lang ito magsalita. But she's always on point. Napabuntong hininga si Carly. "Hindi natin malalaman, kung hindi natin susubukan..." "Oo nga naman, Vice.." kaagad na sang-ayon ni Adele na kahit anong sabihin ni Carly ay hindi nito sinalungat kahit kailan. "Last year 'yan rin ang pinoproblema natin, di ba? Kaya gumawa na kami ni Pres ng mga sketch. May mga tela na nga rin sa bahay. Kasi pinaghandaan na talaga namin ito." "Ayon naman pala!" Si Berna na pumitik pa sa ere. "Kasi may mga materyales na rin ako para sa props sa basement namin. At sabi ni Dad, tutulungan niya tayo." Tukoy nito sa amang engineer. "All is set na pala, mga mare! Laban na 'to!" Sabay na tili ni Chichi at Kipay na kunwari pang hinawi ang invisible long hair. "What do you think, L?" Nakangiting baling ni Carly sa kaibigan. Tinalikuran siya nito at nagkibit ng balikat saka kinuha ang back pack at pumihit paharap sa kaniya. "Okay. Pero uunahan ko na kayo, hindi ako masyadong makakapag-participat. May part time job ako." Tumalon si Carly at niyakap ang kaibigan. "It's okay! All we need is your approval. Kami na bahala sa lahat. Thanks, L!" *** BINABAGTAS na ni Carly ang pathway papunta sa soccer field. Mukhang sakto naman pagkatapos ng meeting nila, tapos na rin ang practice. Natanawan na niya kasi si River na nakaupo sa bench sa labas ng fences na bumabakod sa soccer field. Nakayuko ito at sinisipa-sipa ang maliit na bato sa paanan. “Hey…” nag-angat ito ng tingin nang huminto siya sa harapan nito. He looked fresh. Nakapag-palit na ng damit at parang bagong paligo, medyo basa pa ang buhok. May shower ata kasi sa locker room ng mga ito. Madalas na nakaligo na rin si Vince after practice kapag sabay silang umuuwi. “Here’s your shirt.” Inabot niya rito ang frosted matte clothing pouch kung saan maayos na nakatupi at nakalagay ang damit nito. “Thank you nga rin pala sa pagpapahiram sa akin. And I apologize for calling pervert. But you also have to apologize to me!” Umangat ang sulok ng labi nito, subalit makikita ang kislap ng amusement sa mga mata. “At para saan ang pag-sosorry ko?” Ngumuso si Carly at humalukipkip. Gusto niyang fair sa lahat ng bagay! “Duh… for accusing me, that I intentionally took my clothes off in public!” Tumitig ito ng ilang sandali sa kaniya bago tumawa. Argh… why his laughter sound so seductive? Ipinalig niya ang ulo para hamigin ang sarili. “What’s so funny?” Tumigil naman ito. Subalit nakangiti pa rin ang mga mata. “Nothing.” Iling nito sabay tumikhim, sumeryoso ang anyo at hinawakan ang kamay sabay sabing. “Sorry na..” Then he smiled at her. The first ever smile he gave to her! Tila napapasong binawi ni Carly ang kamay at tumalikod rito. “I gotta go.” “Wait.” Awat nito hindi pa man naihahakbang ni Carly ang mga paa. Lumingon siya rito. “What?” He scratched the side of his head. “May gagawin ka pa ba?” “What?” Kumunot ang noo niya. “Why?” “May fish-ball-an sa labas, baka gusto mo?” He asked, pursing his lower lip…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD