Napapikit si Carly pagkatapos magkasunod na isubo ang fishball na tinusok mula sa plastic cup na may laman pang kikiam at chicken balls.
Ngayon lang siya nakatikim ng streetfoods! At masarap pala! Hindi na siya magtataka kung dinudumog ito ng mga estudyante.
Matagal na niyang inaaya si Vince na subukan ang tabi-tabing food cart ng street foods dito sa may gilid ng university pero palaging tumatanggi ang lalaki at sinasabing marumi 'yon, maari silang magkasakit. Si Llana naman sawang-sawa na raw sa street foods.
"Ngayon ka lang nakakain niyan?" Tanong ni River na hindi mamalayan ni Carly na amused na nakatingin sa kaniya.
Hindi nagbaling ng tingin rito si Carly, sunod-sunod lang na tumango at kahit namumuwalan ng pagkain ang bibig sumubo pa siya ng kikiam dahilan para mabarahan ang lalamunan at mabulunan.
Nauubong pinukpok niya ang dibdib.
"Oh, ito inumin mo. Dahan-dahan kasi. Di ka mauubusan."
Mabilis na kinuha ni Carly ang samalamig na inaabot ni River. Halos nakahalati niya ang laman ng plastic bago naramdamang guminhawa ang dibdib.
Huminga siya ng malalim saka ito relieved na binalingan. "Thank you, ah? Anyway, oo. Unang beses kong kumain ng ganito. Ang sarap pala!" Bungisngis niya. "Kuya, bigyan mo pa nga 'ko niyan. Ayan... ayan... pati yung pahaba na yan then itong kulay orange na 'to."
"Ah, kikiam at kwek-kwek!" Kaagad sinandok ng tindero mula sa kawaling lumalangoy sa kumukulong mantika yung tinuturo ni Carly.
"Oo, basta 'yan! Kung anong tawag diyan!"
Lihim na napangiti si River. Aliw na aliw sa babaeng bagong kakikilala lang. "You should try balut next time."
"Balot?" Carly tilted her head, looking innocent. "What's that?"
"Fertilized duck egg." Ngumisi si River nang mamilog ang mata ni Carly.
"OMG!" Umawang ang labi niya ng kaunti. "Ayan ba 'yong fetus duck sa loob ng egg!"
Ilang beses na siyang nakapanood ng video ng mga foreigner na kumakain ng ganoon! At matagal na rin siyang na-cu-curious anong lasa no'n.
"Oo. Hindi 'yon pang-mayaman kaya sigurado ako hindi mo titikman 'yon."
Naningkit ang mga mata ni Carly ng karinggan nang paghahamon sa boses nito.
"Duh... Ang parents ko lang ang mayaman. But not me!" Umirap siya sabay inikot ang tingin. "Saan ba yang balot na 'yan! Tara subukan natin!" Maangas na itinaas pa ang manggas ng Gucci shirt niya.
Sinusubukan yata ng lalaking 'to ang katakawan niya! Food is life pa naman ang motto niya, 'no! At wala siyang uurungan pagdating sa pagkain. Mas matakaw pa nga siya kay Vince!
Ang dami nga nagtataka bakit hindi siya tumataba. Well, walang short cut sa physically fit na katawan. She does work out twice a week kasama si Vince. May pilates session rin siya thrice a week.
No pain, no gain— sabi nga nila.
River chuckled, staring at her. Amusement written all over his handsome face. "Bukas na lang masyado ka nang maraming nakain. Baka sumakit na niyan tiyan mo." Pagkatapos ay natigilan nang mapatitig sa mukha niya. "May dumi ka rito, oh." Sabay tinuro ang gilid ng labi.
"Huh..." kumurap si Carly ng dalawang beses at kinapa ang parteng tinuro nito. "Saan?"
Napatigil siya nang umiiling na ilabas ni River sa bulsa ang isang panyong kulay asul. Marahan nito 'yong dinampi sa gilid ng labi niya, para linisin ang naiwang sauce roon.
"There." Sinipat nito ang mukha niya at marahan tumawa na tila kausap ang isang bata. "Ang kalat mo pala kumain."
"T-Thank you!" Mabilis na niyuko ni Carly ang pag-kain at sunod-sunod na sumubo ng fishballs, walang pakialam kung mamuwalan ang bibig habang ikinukubli ang namumulang pisngi.
***
"Wait ano nga pa lang course mo?" Nilingon niya ito habang nilalantakan ang ice cream na binili nila sa nadaanang 7 Eleven kanina. Ito ang nagbayad sa street foods na kinain nila. So, siya naman ang nagbayad ng ice cream nila.
"Fine Arts."
Nilalakad nila ang daan papunta sa sakayan ng jeep. Sa ilang minutong pag-uusap she learned that he's under the scholarship and foundation na tulad ng kay Llana.
"Oh, nice!" Namamangha namilog ang mata ni Carly habang nakabaling sa lalaki.
Bibihira sa kakilala niya ang kumukuha ng ganoong course. Parang wala nga ata. Karamihan kasi ay business related course dahil sa negosyo ng magulang.
And having both of her parent in Medical field at pressure mula sa mga relatives, kamuntikan na kumuha ng pre-med si Carly. But she couldn't thank her parents enough for supporting what she really wanted. Ang mga ito pa ang nagtulak sa kaniya.
"Ano palang major mo?"
"Visual arts and photography. Ikaw?" Balik tanong nito.
"Bachelors of Arts in Fashion Design and Merchandising." Proud na sagot ni Carly pagkatapos kumunot ang noo niya nang may maalala. "Kung fine arts ka.. same building lang pala tayo. Pero bakit hindi kita nakikita?"
"Irregular ako. May mga subjects na pang-umaga at hapon. Kalat ang schedule." His forehead cease, looking tired. "Dapat nga fourth year na ako. Pero huminto ako last year."
Napatitig siya sa mukha nito. Naalala niya ang sinabi ni Vince, na nagkaproblema raw ito sa Summerfield. Iyon kaya ang dahilan bakit huminto ang lalaki sa pag-aaral?
Tumango na lang si Carly at hindi na tinanong ang dahilan niyon. Ayaw naman niyang maakusahan na pakialamera at kabago-bago lang nilang magkakilala.
NAKARATING sila sa nakaparadang jeep. At huminto sa gilid niyon kung saan nagtatawag ang barker ng mga pasahero at pinupuno ang sasakyan.
"Oh, isa na lang! Isa na lang! Isang single o kahit broken! Pwede na rin! Aalis na!"
Pumihit si Carly paharap kay River para magpaalam. "I gotta go. Salamat sa libreng street foods."
Pasakay na siya sa jeep nang tawagin siya nito. Lumingon siya.
"Bukas, ah?"
Kumunot ang noo niya. "Bukas?"
"Oo. Nakalimot kaagad." He scratched the side of his. "Balut?"
"Ah..." patango-tangong tumaas ng sabay ang kilay niya.
"Dadaanan kita sa classroom mo?"
"Huwag na. Let's just meet outside the university. Uh, I gotta go." Kinawayan niya ito bago sumakay. Nagulat pa siya nang may kumalabit sa kaniya sa balikat. Si River.
"Ingat."
Tumango si Carly at muling kumaway bago umalis ang jeep. Malayo na ang sasakyan pero natatanaw pa rin niyang nakatayo pa roon si River, tinatanaw rin siya.
Wala sa sariling nangingiti pa si Carly nang bigla siyang sikuhin ng katabing ale. "Yung buhok mo naman! Nakakain ko na!"
Alanganin siyang ngumiti sabay peace sign. “Ay, sorry po..."
Mukha namang lalong nabwiset yung babae.
"Sorry.. sorry.." masungit nitong irap at kahit masikip na siniksik pa siyang lalo.
Paglingon ni Carly sa kabilang side niya, napangiwi siya nang itaas ng lalaki ang kamay nito para humawak sa handle. Umalingasaw ang kakaibang amoy.
Napaubo siya at pasimpleng tinakpan ang ilong bago ginaya ang mga pasahero na nag-aabot ng bayad.
"Bayad po." Mahinhin niyang sinabi.
"Kanino 'tong 500!" Biglang baling ng driver, kunot ang noo.
"Mine?" Tinaas niya ang kamay, clueless nang lumingon sa kaniya ang mga tao sa jeep.
"Anong akala mo rito, Miss?! Taxi! Wala akong bariya!" Ibinalik nito ang pera niya.
Napapahiyang napakamot sa batok niya si Carly. Geez! Akala pa naman niya ay exciting sumakay sa jeep!
*
*
"Oh, hindi ka ata hinatid ni Vince.."
Nag-angat ng tingin ang Mommy ni Carly mula sa binabasang makapal na libro. Prente itong nakaupo sa sofa habang nakataas ang paa sa center table nang pumasok siya sa salas.
"Hindi po, eh." Yumuko siya at hinalikan sa pisngi ang ginang.
"What's that smell?" Hinawakan nito ang manggas ng tshirt niya at inamoy. Nalukot ang ilong nito. "Dios ko, Carly! Kailan ka pa nagkaroon ng body odor! My ghad!"
Napangiwi si Carly. Dumikit na sa kaniya kasi yung mga amoy ng katabi niya sa jeep! Hindi naman niya masabing nag-commute siya. Siguradong lalo siyang masesermonan.
"I'll go upstairs na, Mum!" Mabilis siyang umakyat sa hagdanan.
"Sa weekends! Pupunta tayo sa derma! Para ipatingin yang kili-kili mo!" Pahabol na sigaw pa ng Ina niya mula sa ibaba bago siya pumasok sa kwarto.
*
*
Fresh na lumabas ng banyo si Carly. Tinutuyo niya ang buhok nang biglang umilaw ang cellphone sa ibabaw ng side table. Kinuha niya 'yon at nakita ang mga chat at text ni Vince pero natuon ang atensyon niya sa notification.
River Matthew Andrius added you.
In-accept niya 'yon at mayamaya lang ay lumitaw ang chat box.
River: Nakauwi ka na?
Wait, paano nito nalaman ang pangalan niya? Di naman niya sinabi kanina, ah? Dahil hindi naman ito nagtanong.
Carly: Yes. Paano mo nahanap ang account ko. I didn't tell you my name.
River: Binanggit ni Vince no'ng nag-try outs ka sa girl's soccer team.
Oh, right! Hindi naman siya masyadong hilo nun. Pero nawala sa isip niya.
Carly. Yeah, I remember!
Humiga si Carly sa kama. Gumulong siya padapa nang tumunog ang notification alert tone. Natawa siya sa nabasang reply nito.
River: So, nakapasok ba kayo sa team?
Carly: Silly! Of course not! Pinagkamalan lang kaming mag-tatry outs! We were just waiting for Vince!
River: Kaya pala hindi paa ang pinang-salag mo sa bola.
Ngumuso siya habang tumitipa ng reply
Carly: Are you teasing me?
River: Gusto mo ba matututo mag-soccer?
Carly: What.. are you gonna teach me?
River: Kung gusto mo.
Carly: Gusto ko pero...
River: Pero? Natatakot ka sa lumilipad na bola?
Carly: Yeah! Tapos tamaan ulit ako!
River: Edi sasaluhin ko yung bola para sa 'yo.
Kinagat ni Carly ang ibabang labi, pero pilit pa ring lumalabas 'yong ngiti niya.
Carly: Okay. I'll give it a try.
Really, Carly? Kailan ka pa nahilig sa sports?
*
*
"SAAN ka ba galing kahapon? Ang tagal kong naghintay sa' yo sa library!" nagsasalubong ang kilay na bungad ni Vince, kinumagahan pag-upo ni Carly sa tabi nito sa harapan ng sasakyan.
Kagabi, tumawag ito pag-uwi niya at inis na inis. Hindi pa rin pala humuhupa ang pagka-badtrip sa kaniya.
"May org. meeting nga kami," napapakamot sa batok na dahilan niya.
"Ah, talaga? Pinuntahan kita sa org. room niyo! Naabutan ko roon sila Adele pero wala ka na!"
Napangiwi siya. Ang totoo niyan Nawala sa isip niya na sabay silang uuwi kahit routine naman na nila 'yon. Umaga na rin niya nabasa ang sangkaterbang chat at text nito.
Bumuntong hininga si Carly. Alam naman niyang mali ang kaniyang ginawa. Malamang kung sa kaniya 'yon ginawa ni Vince, umuusok rin tiyak ang ilong niya sa inis.
"Alam mo namang busy ako sa paparating na fashion week sa department namin. Sorry na.."
Hindi ito sumagot at inirapan lang siya.
Carly leaned a little closer, hugging his arm. "Sorry na, please?"
Bumaba ang tingin ni Vince sa nakatingalang si Carly habang nagpapa-cute na ipinipikit-pikit pa ang mga mata. Her winning technique to get his forgiveness.
"Ewan." Umirap ito sa kaniya. Nabawasan na ang pagkalukot ng mukha. "Doon ka na nga! Hindi ako makapag-maneho ng maayos!"
"Ehhhhh! Bati na muna tayo!" Ngumuso siya na parang bata saka niyakap pang lalo ang braso nito. "Ilibre kita ng starbucks! Sige! Yiiiieeee! Ngingiti na yan!"
"Venti ba?" Sumulyap ito sa kaniya.
Sunod-sunod na tumango si Carly. "Gusto mo dalawa pa!"
"Oo na... oo na..." naiiling na sagot nitong parang nakulitan lang sa kaniya.
"Yeey! Oh, 'yan na pala mag-drive through kana! Tamang-tama daanan na natin si Llana!" Prenteng sumandal si Carly.
Sumimangot ulit ito. "Hidden agenda mo lang yang libre para makasabay natin 'yang bff mo! Tss!"
"Whatever! Bilisan mo na nga. Ang dami pa sinasabi!"
"Pinatawad lang kita, ah!"
Inirapan niya ang lalaki. "Wala ng bawian!"
Pagkatapos umorder hinintay nila si Llana. Tahimik na sumakay naman ang babae sa back seat. Pansin kaagad ni Carly na medyo hindi maganda ang mood nito. Parang malalim ang iniisip at tulala lang sa labas.
Nagkatinginan sila ni Vince na napansin rin ang awra ni Llana. Subalit pinilit na lang na manahimik ng dalawa.
Lunch break nang lapitan ni Carly si Llana na nakayupyop sa arm chair nito para yayain pumuntang canteen.
"Hey.. are you okay?" Nag-aalalang tanong niya pagkatapos haplusin ang noo ng kaibigan. "Masama ba ang pakiramdam mo?" Pero normal naman ang temperature nito.
Kanina pa ito distracted, matamlay at tila may malalim na iniisip. Problema na naman marahil sa pamilya. Iyon lang naman ang madalas sumira sa mood ni Llana.
"May problema ba, L?" Inikot ni Carly paharap kay Llana ang arm chair saka naupo roon.
Tulala sa sahig, bumuntong hininga ito. "Si Mama, nakulong kagabi."
"What!" Gulat na bulaslas ni Carly. "Bakit, anong nangyari? Anong ginawa ni Tita Aileen!"
"Nahuli ba naman nagbubugaw ng menor de edad!" Frustrated na ginulo nito ang buhok. "Tapos, sinabihan pa kami ng manager sa coffee shop na magbabawas ng empleyado. Paano ko pa niyan mababayaran ang upa ko sa bed space? Isang buwan na utang pa lang galit na galit na yung land lady ko. Akala mo kagandahan ang bahay niya! Puro surot yung kutso na pinagagamit sa tenant!"
"Hey..." hinawakan niya ito sa balikat para pakalmahin. "Isa-isa muna natin ang problema mo. Let's start with your part time, okay?"
Marahang tumango si Llana. "Ako talaga ang masisisante." Helpless na usal nito.
"L, your a hard working employee, bakit ka naman aalisin. And we still didn't know, what managers decision would be. And thinking negatively wont help."
Llana was indeed hard working. Sa katunayan bukod sa part time nito sa coffee shop, umiekstra rin itong waiter sa isang bar. Though, hindi sang-ayon roon si Carly dahil delikado, wala naman siyang magawa dahil malaking tulong ang mga tip na natatanggap roon ng kaibigan.
Marahas nitong ginalaw ang balikat para alisin ang kamay niya roon. "Nasasabi mo 'yan kasi wala ka posisyon ko. You are born with silver spoon on your mouth. You are born privileged. Hindi katulad ko na kailangan pang kumayod para lang makakain sa araw-araw at makapag-aral."
Nakagat ni Carly ang ibabang labi. Nakaramdam siya ng lungkot para sa matalik na kaibigan na sa murang edad ay binago na ng mahirap na karanasan ang pananaw sa buhay at maagang namulat sa mga responsibilidad. Pero hindi naman niya ginusto kung anong buhay meron ito.
"I'm sorry..." Carly said softly feeling guilty for being insensitive. Kahit hindi naman 'yon ang intensyon niya.
"I don't know..." stress na sinuklay nito ang mga daliri sa buhok tsaka isinabunot roon, nakayuko. "Hindi ko na alam kung saan kukunin ang pampiyanse ni Mama. Kung ako lang masamang anak, pababayaan ko na siya roon. Halos ako na rin naman ang umaako sa resposibilidad niya. Pero tangina... kailangan siya ng maliliit kong kapatid."
Hinawakan ni Carly ang kamay ng kaibigan dahilan para mapaangat ang tingin sa kaniya.
"Magkano ang kailangang pampiyansa ng Tita Aileen?" Seryosong aniya.
"Twenty five thousan.."
Tumango si Carly. "Hanggang anong oras ang police station?"
Naguguluhang tiningnan ni Llana ang wrist watch. "Alas tres lang."
Tumayo si Carly at hinawakan sa kamay ang kaibigan saka hinila palabas ng classroom. "Then, what are we gonna do? Let's go!"
"A-Ano? Teka... saan—"
"Where else?" Nilingon niya ito. "To bail out your mother."
"Ano!" Bulaslas nito. "Hindi na. Ang dami ko nang utang sa 'yo! Wag na!"
"Don't worry nakalista naman lahat yan at may interest." Kinindatan niya ito. Lumambot naman ang ekspresyon sa mukha ni Llana. "Oh, siya mamaya na drama! Tara na!"
*
*
Nakarating sila sa police station sa tamang oras. Na-process pa ang release paper ng nanay ni Llana bago mag-cut off.
"Oy, maraming salamat, Carly!" Tuwang-tuwang yakap kay Carly ng ginang. Kamuntikan pa siya mapaubo sa malakas na pagtapik sa likod niya. "Hulog ka talaga ng langit sa amin!"
"Ah, wala pong anuman..." nakangiwing sagot niya.
"Ma, huling-huli na 'to," gigil na sermon ni Llana sa ina, nakalukipkip at pinipigilan ang matinding galit dahil nasa mataong lugar. "Baon na baon na ako sa utang!"
"Gusto ko lang naman makatulong sa mga gastusin mo!" Baluktot na dahilan ni Aileen. "Malay ko bang menor de edad pala ang putanginang pokpok na 'yon!"
"Tama na, Ma! Nangyari na, eh! Ano pang magagawa ng mga dahilan mo!"
"Kaya nga! Bakit mo pa ako sinisermonan kung nangyari na! Papiyasahn mo ako pagkatapos susumbatan!"
Napapailing na hinihilot ni Llana sa sintido ng bumaling kay Carly. Gusto na sana niyang magpaalam kanina pa. Hindi naman niya magawang iwanan si Llana.
"Pasensya na Carly. Babayaran kita pakonti-konti."
"Wala 'yon." Tinapik niya ito sa balikat. "Uuwi na ba kayo? I was gonna book a grab. Sabay na kayo?"
"Hindi na." Iling ni Llana. "Sobra na kaming abala. Sige na, mauna ka na."
"You sure?" She bit her lower lip holding her phone. Naka-ready na yung pin niya papuntang university.
“Oo.” Tango nito.
Dumating kaagad ang Grab car ni Carly. Pinahinto niya ang sasakyan sa may gilid ng Priceton kung saan sila nag-usap ni River na magkikita.
Luminga-linga siya sa paligid bago kinuha ang cellphone sa bag. He probably went home. Isang oras na siyang late sa oras na usapan nila.
Tumipa pa rin siya ng message para rito nang bigla na lang may huminto sa harapan niya. Mula sa suot nitong Van's Old Skool tiningala ni Carly ang lalaking nakatayo harapan niya. Si River.
"Tara, Food trip?"