Chapter 47

1656 Words

Huminto sila sa harapan ng lumang kulay pulang Nissan at binuksan ni River ang front passenger seat. Pagsakay ni Carly, inilibot niya ang tingin sa loob ng sasakyan. Tulad sa labas ay halatang luma na rin sa loob. Faded na ang mga upuan at may malalabong parte sa mga bintana. It’s smells good though. Malinis rin at very homey sa pakiramdam. Naupo si River sa driver seat at napapakamot sa batok na bumaling sa kaniya. "Sorry.. sira nga pala ‘yong aircon nito." "Oh..." patango-tangong hinahawakan ni Carly ang manual na handle ng bintana para buksan 'yon. "Okay lang. Gabi na rin naman at malamig." Tipid na ngiti niya saka inikot ang handle kaso biglang natanggal! "Hala…“ Nagkandaduling pa siya habang tinitingnan ang hawak na handle at napangiwi. “Nasira ko pa ata ito… sorry…” "Hindi.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD