Araw ng linggo, maagang gumising si Carly. Ngayon kasi ang ipinangako niya kay Channel na pagpunta nila sa Ocean Park. Weekends ngayon, tiyak maraming tao. Kaya dapat makarating sila ng maaga roon para hindi mahirap mag-ikot ikot. Pagkatapos kumain ng agahan kaagad niyang binihisan ang anak. Nag-ready na rin si Carly. Matching outfit pa ang suot nilang sunflower summer dress at straw hat. "Mommy! Mommy! Let's go!" Tili ni Channel na biglang bumitiw sa pakakahawak sa kamay niya habang bumababa sila sa hagdanan. Kanina pa ito walang tigil sa pag-aaya. Halos hindi na nga nakakain ng maayos sa sobrang excitement. Actually, ilang araw na nitong hinihintay ang araw na 'to. Everyday nanonood ng mga videos online about sea animals. And she expected it to see there. "Channel, careful!" Napahaw

