Dinampot ni Carly ang compact powder at tiningnan ang sarili sa salamin pagkatapos ay sinulyapan ang pambisig na relo tsaka muling ituon ang atensyon sa trabaho. Mayamaya ay hindi na naman siya mapakali at kinuha ang nude lipstick sa bag. Kahit kalalagay lang, naglagay siya ulit. Inalis rin niya ang tali sa buhok saka 'yon ginulo-gulo ng kaunti. Much better... usal niya habang sinisipat ang sarili sa salamin. Hindi napapansin ni Carly na kanina pa pala siya kunot noong pinagmamasdan ng assitant na si Farah. Hanggang sa hindi na nga nakatiis ang babae. "Madam, kanina ka pa po hindi mapakali. Wala ka namang naka-schedule na meeting after office hour, ah?" Tatlong araw na ang lumipas mula nang itext at yayain niyang lumabas si River. Ang usapan talaga nila sa weekends pero biglang

