"Ahhh!" Malakas na sigaw ni Migs. Tumalsik ang nabitiwan nitong baril at hinawakan ang dumudugong tainga. "Arghhh!" Namimilipit sa sakit na napaatras ito. "Ah!" Tili rin ni Carly na napaupo at tinakpan ang tainga niya. Hindi na niya alam kung tinamaan rin ba siya ng bala. Napadilat na lang siya nang nang maramdamang may humila sa braso niya. Si River. Kaagad siyang tumayo at yumakap sa binata. Iniyakap naman nito ang mga braso sa ulo niya. "Taas ang kamay!" Sigaw ng mga pulis na dumating at isa-isang sumugod palapit kay Migs. "f**k you!" Sigaw nitong dadamputin sana ang baril sa sahig. Subalit mabilis ang naging pagkilos ng mga pulis na pinalubtan ang binata. Sinipa ng isa pulis palayo ang baril. Habang tinutukan at pinosasan naman ito ng dalawa pang alagad ng batas. "f**k you!

