"Nakilala ko ang grupo ni Migs sa soccer team no’ng bago lang ako sa Greenfield. First year ako. Second year naman sila." Panimula nito habang pinagsasalikop ang mga kamay nila. "Okay naman sila no’ng una. Naging kasa-kasama ako ng grupo. Bago lang rin kasi ako sa lugar kaya wala masyadong kakilala. Hanggang sa mag-third year kami. They started doing ilegal… like selling party pills.” Napasinghap si Carly. “Are they using it too?” Marahan itong tumango. “Oo. Still sumasama pa rin ako sa grupo pero sinabi kong hindi ako gagawa ng ilegal at hindi ako gagamit. Gusto kong makapag-tapos, eh.” Itinaas nito ang magkasaliko nila kamay saka hinalikan ang likod ng palad niya. “You did the right thing..” She smiled at him and caressed his face lightly. “I don’t think so…“ malungkot nitong sin

