“Farah, sumagot na ba yung influencer na pinatawagan ko sa ‘yo last week?” Nag-angat ng tingin sinCarly mula sa pag-s-sketch sa kaniyang ipad ng second batch na design para sa ilalabas niyang clothing line sa susunod na buwan. “Ah, yes, Madam!” Tugon ng assitant na nakatayo sa harapan niya, hawak ang ipad nito. “Anong sinabi? Did she take our offer?” “Kontakin raw ang manager niya. Which I did yesterday. 50k daw ang TF kada ipopost ni influencer yung brand.” Hindi pa niya afford sa ngayon kumuha ng endorser na celebrity at kilalang mga modelo. Ang focus rin kasi niya ay ang quality ng brand. Hanggang maari ay ayaw niya masyadong gumastos sa ibang bagay. Kundi lang talaga kailangan kahit papaano ng promotion. Kaya nga naghanap na lang sila ng team niya ng social media influencer. Pan

