Pagkatapos mag-usap at ma-settle ang bagay-bagay sa pagitan nila—nagpasya si Carly na sabihin kaagad sa magulang at kay Sean ang tungkol sa kanila ni River. “I’m going with you,” ani River nang humimpil na ang sasakyan nito sa tapat ng gate. “Sasamahan kitang magsabi sa kanila.” Umiling siya at sinapo ito sa pisngi. “We’ve already talked about this, right?” Ang sinabi kasi ni Carly rito ay gusto niya munang masinsinan na makausap ang mga magulang. Hindi siya sigurado kung matatanggap ng mga ito ang katotohanan at desisyon niya. Lalo na botong-boto ang mga ito kay Sean. At gusto niyang maayos na makipag-hiwalay sa nobyo. He deserves it. Sa dalawang taong relasyon nila, naramdaman niya na totoong mahal siya nito. Kahit naman rin paano ay nahulog ang loob niya kay Sean, hindi nga lang t

