“Mommy, where are we going?” Nagtatakang tanong ni Channel kay Carly habang binabaybay nila pababa ang hagdanan. Nakasuot at cute na cute ito sa all pink disney princess jumper habang nakasabit sa likod ang pink rin na back pack. Nginitian at ginulo niya ang buhok nito. “We’re going to mommy’s office.” “Why? I thought kids wasn’t allowed there, Mama?” “Today is a exception.” Pagbaba sa salas naabutan nila roon ang Mommy at Daddy niya na parehong bumakas ang pagtataka sa anyo nang makitang bihis na bihis silang mag-ina. “Saan ang punta niyo, Anak?” Tanong ni Lynette kay Carly. Bumaba ang tingin nito sa apo. “Bakit kasama mo si Channel? Hindi ka pupunta sa opisina mo?” “Papunta na, Mom. Isasama ko tong si Channel para makita niya yung school na nadadaanan ko on the way sa office.

