“Baby girl niyong… dalawa?” Tanong ni Adele na naguguluhan. “Paano nangyari ‘yon?” Humagikhik si Carly. “My! Adele! Hindi mo ba alam paano gumagawa ng baby? We had s*x of course!” Sabay tawa ng malakas. “Naku, lakas tama na ‘yan ni Pres! Oh, shot mo muna ‘yan! Naghahallucinate ka na ata! Jusko, ka!” Singit ni Chichi na binigyan pa siya ng alak pero inawat ‘yon ni River. “Tama na, Chi. Lasing na ‘to. Kung ano-anu nang sinasabi.” Tsaka binalingan si Carly. “Halika, ihahatid na kita.” “Hindi pa ako lasing!” Hinawi ni Carly ang kamay nitong humawak sa braso niya at mabilis na inabot ang alak na hawak ni Chichi. Nawalan na siya ng kontrol sa sarili. Tinungga na niya mismo ang laman ng bote at nangingilid ang luhang mapait na ngumiti. Damn. Why these alcohol makes her so emotional? Dah

